Chapter 1: Meeting the New CEO

1514 Words
" May mga bagay na di mo inaasahang mangyayari, hindi mo hawak ang panahon na kung saan bigla mo na lang makikita ang mga taong kinamumuhian mo, at ayaw mong makita. Taong nagbibigay sugat sa iyong puso na kailan man, di na mawawala pa." -KATE ANDREA POV- Super busy ako ngayon dahil may board meeting kami mamaya with our new CEO. As a finance manager, kailangan accurate lahat ang reports na gagawin ko . By the way, Im Kate Andrea Evans ang babaeng mahinhin, inosente, at di marunong magalit pero noon yon, dahil iba na ang Kate Andrea ngayon. " Hello maam Andrea, naglunch ka na ba? 2 pm daw ang board meeting mamaya." sabi ni Jocey na closefriend ko dito sa MJL Corp. at siya rin ang assistant ko dito. " Wow, ang formal naman niyan Jo, nakakatanda. Haha! Di ba sabi ko sayo pagtayo lang dalawa you can call me Andrea/Dre. By the way, ano ang background ng New CEO natin?" tanong ko sa kanya. " By the way, Anak siya ng may-ari na si Sir Miguel, malubha na kasi ang sakit ni Sir kaya pina-uwi ang kanyang Unico Iho na galing Australia para siya na ang mag-manage sa kanilang company dito. Balita ko rin Dre, may nawawala silang kapatid na babae." balita ni Jocey sa akin. " Ganoon ba? Mabait ba yon si Sir Miguel? Di ko pa kasi siya nakikita eh!" tanong ko kay Jocey. Bago lang kasi ako dito nagwowork, pinatransfer lang naman ako ni Sir Stephen dahil nag-resign daw ang finance manager dito. Kaya nga di ko rin alam, kung ano ang meaning ng MJL Corp. at ano ang surname ng CEO dito. " Super bait non Dre, at gwapo pa.! I'm sure gwapo rin yong anak niya! Hehe" kwento sa akin ni Jocey na kinikilig. " Asa ka pa diyan! Ano nga surname ni Sir Miguel?" tanong ko ulit kay Jocey. " Jocey, hinahanap ka na ni Maam Jane nandito na raw yong bagong CEO, tulungan mo raw siya. Dahil dito na mag-lunch ang mga BOD at ang New CEO." interrupt ni Melanie sa amin na isang accounting clerk. " Dre, excuse me muna, ha? Una ka nalang sa canteen." paalam ni Jocey sa akin saka nag-wave. " Ok. Sana galingan mo para ma-inlove saiyo ang new CEO natin. Haha!" biro ko sa kanya. Nandito na ako sa first floor, nasa 6th floor kasi ang office namin at ang Office of the CEO. Patungo na ako ngayon sa canteen at saktong tumawag si Stephen sa akin, my boss in SL Company (short for Slow Learner) Haha. Just kidding. Its Stephen Lim Company, oh? Di ba? Secretary ako ni Stephen for 2 years. Siguro nagsawa na siya sa akin kaya pina-transfer niya ako dito. Just kidding, di raw niya kasi matanggihan si Sir Miguel dahil Ninong niya ito. Ako lang kasi ang pinagkatiwalaan niya dahil di raw basta-basta ang position na Finance Manager. Kaya wala akong magawa. Matagal na ring nanliligaw si Stephen sa akin pero di ko siya sinagot dahil di pa ako ready. Mayaman kasi si stephen, maraming babae ang naghahabol sa kanya, gwapo at mabait. Pero kahit binasted ko siya, di niya pa rin matiis kung hihingi ako ng tulong sa kanya. Siya kasi ang mentor ko about business matters. " Good noon, my dear. Naglunch ka na ba?" tanong ni stephen sa kabilang linya. " Patungo pa ako sa canteen my dear. Haha" sagot ko ngunit may nakabunggo sa akin at nalaglag ang cellphone ko. " Ow! My Ghadd!!!" galit kong sabi sabay pulot sa aking cp. " Next time, kung maglalakad ka! Huwag mag-entertain ng phone calls ha?" sabi nang gagong lalaki na nakabunggo sa akin. Nakapamulsa pa habang nakatitig sa akin. Di ako makapaniwala, after 5 years nakikita ko na naman ang taong kinamumuhian ko. " Ohwz?! Nagsalita ang magaling. Kumusta na pala ang playboy kong EX-bf? Haha at bakit nandito ka?" malandi kong tanong sa kanya. " Ok lang naman ako, I'm happy. Ikaw? naka-move on ka na ba sa akin? Haha" tawa niyang tanong sa akin. Nakakaloko talaga ang lalaking ito sa akin ah! Humanda siya! " Move on? Haha! Matagal na akong naka-move on sayo! Hello? 5 years ago na iyon Matthew! By the way, Di ka kawalan honey! Haha Ikaw? Nakakatulog ka ba ng mahimbing?" pang-aasar ko sa kanya. Pero ang totoo siya pa rin ang mahal ko. " Of course naman!" tipid niyang sagot pero bakit parang iba na siya ngayon? Kung makatitig sa akin parang walang kasalanan, sa bagay sino naman ang di ma-i-inlove sa akin ngayon? Ako lang naman ang pinaka-sexy and hot sa aming company. Haha " Well, its nice to hear that Matt! Siya nga pala, lunch muna ako ha? Bye!" paalam ko sa kanya pero bago ako umalis binulungan ko siya. " Don't worry honey! May boyfriend na ako!" bulong ko sa kanya sabay alis. " Sino?!" tanong niya sa akin pero di ko na siya nilingon at sinagot. Umalis na ako patungong canteen. ************************************************************** " Kinabahan ako, bakit parang nafe-feel ko na kasama siya ngayon sa board meeting? Isa ba siya sa mga new Directors namin? At sino naman ang new CEO?" tanong ko sa aking sarili. " Dre, tayo na sa board room." anyaya sa akin ni Jocey. " Okay! Mauna ka na. Susunod lang ako." sabi ko sabay kuha sa aking flashdrive- dito kasi naka-save ang aking presentation mamaya. Pumasok na ako sa Office of the CEO ngunit may kamay na humila sa akin. " Hey! Ano ba?" sigaw ko ngunit paglingon ko. " Matt?" nagtatakang tanong ko sa kanya . Ano na naman ba ang problema ng gagong ito! " Sino ang bf mo?!!" galit niyang tanong sa akin. " Anong pakialam mo?!!! Bitawan mo nga ako!" galit kong sabi sa kanya sabay hila sa aking kamay. " Sino nga?!! Mahirap ba sagutin ang tanong ko? Or wala ka lang talagang bf!" seryoso niyang sabi. " Kung sasabihin ko sayo, ang pangalan ng bf ko! Pwede ba hwag mo na akong guluhin!" galit kong sabi sa kanya. " Sure, May I know the unlucky guy?" natatawa niyang sabi. " Stephen Lim, Oh, ano?" pagmamayabang ko sa kanya. " What a small world!? He's my bestfriend. Pero di pa rin ako maniniwala sayo unless makausap ko siya mamaya." pero nakikita ko sa kanyang mga mata na parang nalulungkot ng sabihin ko ang pangalang stephen. Pero no! Di ako mag-assume. Ang kapal talaga niya. " Ganun ba? Mabuti pa si Stephen, mahal na mahal ako. Imagine 1 year niya akong nililigawan tapos last week sinagot ko na siya. Dahil deserved niyang mahalin pabalik." pagsisinungaling ko sa kanya. " Well, I don't care! Pumasok ka na sa loob!" galit niyang sabi. Pero bago ako pumasok sa loob, nagtext muna ako kay stephen na magpanggap kami na magkasintahan para maniwala ang gago. Haha ************************************************************* " Let's welcome our New CEO" bati ng board president namin. Natulala ako dahil ang lumabas ay si Matthew. Ngumingiti ito sa lahat kaya ang iba kong ka-officemates kinikilig. Pero ng nakatingin na siya sa aking pwesto. Tumatawa ito ng nakakaloka. Ano kaya ang iniisip ng gagong ito? Every department manager ay nagprepresent sa harap ng board. Nong turn ko na, halos si Matthew lahat ang nagtatanong sa akin. Parang may galit siya sa akin. Pero sorry siya dahil magaling ang mentor ko si Stephen my dear. " By the way, Sir Matthew bago lang si Maam Andrea dito nag-wo-work pinatransfer lang siya dito ni Sir Stephen dahil request ng daddy mo! Nag-resign na kasi ang dating FM." paliwanag ng isang BOD. Pagkatapos ng aming presentation lahat. Nagsalita na ang masungit kong Ex-BF. " Ok! The meeting is adjourned." aniya " I second the motion." sabi ng isang BOD. " Ms. Andrea, hwag ka munang aalis. Marami pa akong itatanong sayo." tawag niya sa akin sabay ngiti ng nakakaloka. Kaya ako nalang ang naiiwan dito sa Board Room habang siya ay umalis may kukunin lang daw siya sa kanyang office. While waiting for him, binasa ko muna ang text ni Stephen sa akin. -CONVO- -Bakit mo naman, naisipan na magpanggap tayo my dear? Bakit di natin totohanin?Haha- -Steph, sorry pero ang sinabi ko sayo dati na EX ko. Si Matthew Jefferson Lee yon. Ngayon ko lang nalaman na bestfriend mo pala siya. Baka magtanong siya sayo.- - Haha, what a small world my dear. Give him a chance baka this time magwork na ang relation niyo.- -No way, my dear! Thank you nga pala! Sa lahat ng tinuro mo sa akin. Ginalingan ko kanina sa aming board meeting.- - Thats my girl. Sige bye muna, may meeting pa ang gwapo mong boyfriend. Haha- -Ok. Thank you. Ingats.- (Nakangiti kong reply) " Sino ang katext mo? Oras ng trabaho dapat di kayo mag-entertain ng text/tawag." galit niyang sabi. Nabigla ako, kaya nahulog na naman ang cp ko. Ikaw lang naman ang sigawan! Akala mo ang gwapo niya! Pero gwapo naman talaga ang EX ko! Hahaa Ano ang gagawin ko ngayong makikita ko na palagi ang taong, ayaw kong makita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD