bc

Mr. Playboy meets Ms. Innocent (Sweet Revenge)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
4.1K
READ
revenge
second chance
playboy
goodgirl
CEO
boss
heir/heiress
office/work place
first love
virgin
like
intro-logo
Blurb

" Di lahat ng playboy ay masama sadyang gwapo lang talaga kami kaya marami ang nagkandarapa."

-Mathew Jefferson Lee-

" Di lahat ng inosente ay walang alam marunong din kaming magresearch sa mga bagay na di namin naranasan." #i-google mo

- Kate Andrea Evans-

"Pinagtagpo ngunit di tinadhana, nagmamahalan sa maling pagkakataon kaya nauwi sa hiwalayan."

Paano mo ipaglaban ang isang taong ayaw nang lumaban? Meet Matthew and Andrea for their unique lovestory.

-ENJOY READING-

Written by: ? ANCENZ ?

Thank you!

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
" Break na tayo! " seryosong sabi ni Jefferson kay Kate. " WHAT? You said, you love me, pero bakit? May bago ba jeff?" umiiyak na tanong ni Kate sa kanya dahil di niya matanggap na hiniwalayan siya ni Jefferson. " Kate, di tayo bagay! Okay? Look, mayaman ako, habulin ng mga babae at matalino pa! Ni minsan di mo ba naisip bakit kita nililigawan?" iritadong tanong ni jefferson kay Kate. " Jeff, naman oh! Di ba masaya pa tayo kahapon? Wala naman tayong problema, di ba? Binigyan mo pa nga ako ng pera para panggamot sa kapatid ko. Pero bakit umabot tayo sa ganito? Akala ko masaya na tayo?" di makapaniwalang tanong ni Kate kay Jeff habang pinunasan niya ang kanyang luha. " Ganoon talaga ang buhay pag-ibig Kate, minsan masaya, minsan malungkot at minsan masakit kaya all you have to do is to accept the fact na WALA NA TAYO na TAPOS na ang masasayang araw nating dalawa!" seryosong sabi ni Jeff habang tinitigan siya. " Alam ko na! Dahil ba mahirap ako? Pero kahit mahirap ako Jeff,  di ako manggagamit! Alam mo yon! Kahit kailan di ako humihingi ng pera sayo!Kung di tayo bagay bakit mo pa ako nililigawan?" galit niyang tanong. " Sorry, Kate pero di ko kayang tumbasan ang pagmamahal na binigay mo sa akin. Di pa ako handa, sa seryosong relasyon!" paliwanag ni Jefferson na nag-iisip kung ano pa ang sasabihin niya kay Kate para pumayag na ito na maghiwalay sila. " Sa tanda mong yan? Di ka pa handa? Haha! Bakit mo pa ako pinaasa Jeff, kung wala ka palang balak na mahalin ako? Bakit ang sweet-sweet mo sa akin? Bakit pinaramdam mo sa akin na mahal mo ako? Bakit Jeff? Galit ka ba? Dahil hindi mo ako makuha-kuha? Galit ka ba dahil sa tagal na natin di mo pa ako nahalikan? Yon lang ba ang habol mo sa akin, Jeff? " iyak siya ng iyak di siya makapaniwala sa nangyayari. Si Jefferson ang first love niya kaya sobrang nasasaktan si Kate dahil sa isang iglap bigla itong nagbago. " Sorry, pero ganun talaga ako sa lahat ng nakarelasyon ko. Kaya marami ang na-fa-fall sa akin! Ikaw kasi eh! Napaka-inosente mo! Di ka man lang, nag-background check sa mga manliligaw mo! Tsk.. I know, I'm your first love pero makalimutan mo rin ako Kate." naawa niyang sabi kay Kate. " Sana di na lang kita nakilala, sana di ako naniniwala sa mga kasinungalingan mo!! Sana di nalang kita sinagot! Sana di nalang kita minahal! Sana wala nalang ang salitang SANA para di ako umasa! Napaka-unfair mo talaga Jeff!" binuhos niya lahat ng hinanakit niya kay Jeff. " Sorry Kate. Sana mapatawad mo ako!" aniya " Wala kang kasalanan Jeff, ako ang may kasalanan dahil minahal kita. Ang tanga ko di ba? Oh! Ano masaya ka na? Sana magpaparty kana mamaya dahil successful ang plan mo! " galit niyang sabi kay Jeff. " Napakabait ko sa kanya, sa lahat ng kaibigan niya pero ito lang igaganti niya? Magbabayad silang lahat sa akin." bulong ni Kate. " Sorry Kate, pero wala sa vocabulary ko na ma-i-inlove sa mga babae." prangkang sabi ni Jefferson. " Sana noon mo pa sinabi yan, para mabigyan kita ng bading! Siraulo ka!" galit niyang sabi. " Haha, ikaw talaga Kate, nakuha mo pang magbiro. Yan ang mamimiss ko sayo Kate. Sorry kung di kita minahal, sayang kasi ang kagwapohan ko kung ikaw lang ang jojowain ko.!" seryoso niyang sabi sabay smirk. " Wow, ikaw na ang pinakagwapo sa lahat Mr.! Lee, sana pagdating ng panahon, di mo kakainin lahat ng sinasabi mo! Mr. Liar!" galit na sabi ni Kate. " No, bakit ko naman kakainin yong words ko, pagkain ba yan kate? " pang-aasar niya kay Kate. " Shut up! Huling tanong na ito, kung mayaman ako, may possibility ba na mahalin mo ako?" tanong ni Kate kay Jefferson. " Kate, kahit mayaman ka or mahirap, sorry to tell you this! PERO DI KITA MAHAL AT NI MINSAN DI KITA MINAHAL! IT'S JUST A GAME!.Ikaw kasi h'wag kang magseryoso sa LOVE para di masakit kung iiwan ka!" seryoso niyang sabi. " Haha! Bravo! Sakit no'n ha!!!Kapal talaga ng mukha mo, no? Singkapal ng NOSE LINE mo! Lubos-lubusin ko na to! Pwede hingi ng pabor?" galit niyang tanong. Nakakasakit na talaga ang gagong to ah! " Sure! Ano na naman yan Kate?" iritado niyang tanong. " Sobra na kasi ang yabang mo eh! Pwede pasampal?" sabay sampal sa mukha ni Jefferson. Di akalain ni jefferson na sampalin siya ni Kate, namumula tuloy ang maganda niyang mukha. Iniwan ni Kate na tulala si Jefferson, wala kasing makagalaw kay jefferson sa naturang school dahil sila ang may-ari nito. Kaya feel na feel ng gagong jefferson. Kinabukasan, pumunta si Kate sa school para kunin ang kailangan niyang mga documents.  Gusto na niyang magpakalayo at iwan ang masamang ala-ala sa lugar na yon. Bago siya umalis, may binigay siyang BOX para kay Jefferson pero kay Jade lang niya binigay. Ang bestfriend ni Jefferson na may lihim na pagtingin kay Kate. " Hi, Jade.. Pakibigay nito kay Jefferson for the last time. By the way, thank you kasi ang bait mo sa akin. Sana, di mo gayahin si Jefferson ha? para makatagpo ka ng babaeng mamahalin ka ng lubusan. " paalala niya kay Jade sabay pahid sa luha na dumadaloy sa pisngi niya. " Sure, Kate, you deserve to be loved. Sana maka-move on ka na.Take care always. If you need someone to be your friend. I am willing to render my time with you for free." offer ni Jade sa kanya sabay ngiti. " Wow.. Thank you Jade, pero sa ngayon, magpakalayo-layo muna ako ha? Bye Jade! Sana kung magkikita man tayo next time pansinin mo ako ha?" sabay hug kay Jade at tumalikod na ito. Sa huling sandali, gusto niyang makita si Jefferson kaya tumingin muna siya sa hideout nila Jeff. Dati kasi, doon siya dinadala ni Jeff,  kaya mamimiss niya ang lugar na yon. Kaya lang may bago na si Jeff at nakita niya ito na hinahalikan ang babae. Kaya wala ng dahilan para magpaalam pa siya sa kanyang X-BF. Pagkatapos nilang mag-usap ni Kate, binigay ni Jade ang BOX kay Jefferson at tinanggap niya ito sabay pasok sa kanyang room sa kanilang hide out. " Bakit niya ito sinauli lahat?" nagtatakang tanong ni Jefferson sa kanyang sarili. Sinauli kasi ni Kate lahat ng binigay niya, yong cellphone, yong couple necklace, yong couple t-shirt, yong pera na binigay niya para pang-gamot sa kapatid ni Kate, at yong photo album nila. At may nakasulat sa papel at binasa niya ito. -PAKISUNOG NALANG SA ALBUM- SALAMAT! BE HAPPY- Di maiwasan ni Jefferson na malungkot para kay Kate. Si Kate ay isa sa mga babaeng pinagpantasyahan sa mga kalalakihan sa kanilang school. Maganda ito, matalino, sexy at higit sa lahat mabait. Wala siyang kaaway sa school nila.  Masaya nga si Jeff, dahil siya ang pinili nito pero di niya akalain sa isang pangyayari magtatapos ang lahat sa kanila ni Kate. Bakit nga ba hiniwalayan ni Jefferson si Kate? Kung magtatagpo muli ang kanilang landas may pag-asa pa bang magkabalikan sila ulit? Abangan ang bagong Kate Andrea Evans na muling magpapatibok sa puso ni  Matthew Jefferson Lee.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Marrying My Fiancee

read
461.1K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

That Night

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook