Mabilis pa sa alas-kwatro kaming naghiwalay ni Lucas. Nakukumahog na iayos ang sarili kahit pa sino mang tao ay malalaman kung ano ang katatapos lamang naming gawin. Inayos ko ang pagkakasuot ko ng bathing suit ko kahit pa ang lagkit-lagkit nito sa pakiramdam. "Wait a second." Sabi ni Lucas kay Jenine na hindi naman nangahas na buksan ang pinto na ikinahinga ko nang maluwag. Bagaman at gustong batukan ang sarili dahil naging masyado kaming naging mapusok ni Lucas at mapangahas, ni hindi namin nagawang i-lock ang pinto! "Sir, may I come in?" Pangungulit ni Janine at nataranta na ako at naghanap ng mapagtataguan. Itinuro ni Lucas ang banyo na agad ko namang pinuntahan at nagtago roon. Mabilis ang paghinga kong inilapat ang tenga sa pinto at nakinig. "What do you want?" Rinig kong