Ilang segundo siyang napako sa kinatatayuan niya at nakatingin lang sa akin. Iyong tipo ng tingin ba na may paghanga sa mga mata. Maya't-mayang bababa sa kabuuan ko ang mga mata niya at babalik muli sa mukha ko at sa mga mata ko. Hanggang sa nag-umpisa na akong makaramdam ng pagkailang at unti-unti na ring nag-init ang mga pisngi dahil sa paraan ng pagtitig niya. Pero ayoko namang maging assuming at isiping gusto niya ang nakikita niya. "What did I say, Luc? Sabi ko naman sa'yo na maglalaway ka." May pagyayabang sa tono na sabi ni Sebastian na tila hudyat naman para mawala ang pagkatulala ng huli. Tumikhim si Lucas at nag-iwas ng tingin at sa paglayo ng mga mata niya, ay tiyaka ko naman napagtanto na nakabihis na pala siya. At kagaya ng ginawa niya, hindi ko rin naiwasang suyurin siy