Kabanata 13

2182 Words

Dahil sa akin nakatingin si Henry ay nakita ko ang panibugho sa mga mata niya habang nakatingin sa braso ni Lucas na nakahawak pa rin sa baywang ko. Sa sandali pa lang na iyon ay pigil na pigil na akong hindi siya abutin at kaltukan. O mas maganda ay ihampas ang mukha niya sa mesa. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon sa harap ni Lucas. Sa harap ng mga taong kilala siya dahil mapapahiya siya. Kaya naman nagkasya na lang ako sa pag-ignora sa ugok na lalaki at hindi umalis sa tabi ni Lucas habang binabati siya ng ibang tao sa pabilog na mesa. "Looking good, Jen. How far long are you?" Tanong ni Lucas sa isang babaeng buntis at talaga namang masasabi mong blooming. Sa tabi niya ay isang matangkad na kulot na lalaki na mukhang may lahi. "I'm currently five months pregnant, Luc." Nakangitin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD