"Katukin mo nga si Julius naman. Anong oras na, oh. Huwag na kamong magbabad sa shower, Diyos ko. Baka ma-late na kayo sa school. Nakakahiya pa kay Mang Tonyo." Utos ko sa kapatid kong si Wan na agad namang tumalima para katukin ang kapatid sa banyo. Pangalawang linggo na namin sa aming bagong bahay at bagong buhay. Hindi pa rin gano'n kasanay, ngunit unti-unti naman nang sinasanay ang mga sarili sa pagbabago. Mula sa paggising sa umaga na may almusal na at kakain na lang, hanggang sa may katulong na nag-aasikaso sa mga kapatid ko at kay Inay. Syempre, 'yung hindi ko na kailangan pang mamasahe para ihatid ang mga bunso namin sa eskwelahan. Ngayon din, sinisiguro ko na bukod sa baon na ulam at kanin, salamat sa sipag at sarap magluto ni Aling Dina, binibigyan ko rin sila ng baong pera p