Alas-siyete pa lang ng umaga kinabukasan ay gising na ako. Kinumutan ko nang maayos ang dalawang kapatid ko at lumabas na ng kwarto. Hindi ako masyadong makatulog. Hindi ko sigurado kung dahil ba namamahay ako, dahil ba hindi ako sanay na sobrang lambot ng higaan o sobrang lamig, o... dahil sa mensahe ni Lucas na hindi ako nag-abalang replyan. Paglabas ko ay wala pa akong nakita sa kanila at wala pang ingay kaya napagtanto kong tulog pa ang lahat. At hinayaan ko sila, ano ba naman ang late na paggising sa malamig na bahay sa unang pagkakataon? Kadalasan kasi ay maaga kaming nagigising lahat dahil sa init. Isa pa, hindi ko sila papapasukin ngayon dahil balak ko silang ipag-shopping ng mga bagong uniporme, bag, sapatos, damit at gamit sa eskwelahan. Kumilos na ako para maghanda ng almu