Kabanata 1

2233 Words
Sabi nila kapag daw nagpakasal ang dalawang tao ay habambuhay na ang kanilang pangako sa isa't-isa. Sa oras daw na humarap ka sa altar at sabay kayong humarap sa Diyos, kalakip daw nito ay ang pangakong magsasama sa hirap at saya, haharapin ang bawat problema na magkahawak ang mga kamay.  Dahil ang kasal daw ay hindi mainit na kanin na kapag napaso ka ay iluluwa mo na lang basta.  Eh, p*********, bakit ako ang naghihirap ngayon? Bakit imbes na ang mga magulang ko na gumawa sa amin na dapat na nag-aalaga at nagtataguyod sa amin ay ngayon ay nagkahiwalay?  Nasaan na ang pangako nila sa isa't-isa? Naglaho na lang ba na parang bula? O nadala lamang ng lib** para sa isa't-isa kaya sila nagpakasal? Dahil ang aking ama na dapat na haligi ng aming tahanan ay naging haligi ng ibang tahanan. Ang aming ama na ang aming ina ang iniharap sa altar ay ibang babae ang katabi sa kama. Iniwan ang mga anak upang tuluyang sumama sa kabit.  At ang aming ina naman ay nahaling at nalulong na sa sugal at doon na halos inilalaan ang maliit na kinikita sa paglalabada.  Tang***** buhay iyan. Mag-aasawa at mag-aanak ng lima at sa akin iaasa dahil ako ang panganay!  "Ate, may field trip kami sa Baguio next month. Three thousand daw." pagbibigay-alam sa akin ng sumunod sa akin na si Romeo, beinte-dos anyos at kasalukuyang Second Year College sa isang public school.  Agad namang sumegunda ang sumunod kay Romeo na si Juan na disi-nuebe anyos naman at Fourth Year High School na. "May project kami sa major namin, Ate. Ako na lang ang walang nagagawa." Hindi pa man tuluyang rume-rehistro sa aking isipan ay nagsalita na rin ang bunsong lalaking si Julius na fourteen years old at First Year High School. "May books kaming kailangang bilhin, 'te. Tapos kailangan ko na rin ng mga bagong school supplies." Mariin akong napapikit sa mga sinabi ng aking mga kapatid at napakagat na lamang sa pang-ibabang labi. Tahimik kong kinuha ang wallet kung nasaan ang aking huling sahod sa pagiging bantay sa isang stall sa Mall. Nalugi na kasi ito kaya naman kinailangang magsara matapos ang isang taon ko pa lamang na pagiging bantay at ngayon ay kailangan ko na namang maghanap ng trabaho.  Mangiyak-ngiyak kong binilang kung magkano ang mga ito at pilit na pinaghati-hati para sa lahat.  Tig-dalawang libo ang iniabot ko kay Romeo at Juan, isang libo para kay Julius at itinabi ang natitirang isang libo para sa pangkain sa bahay.  Maglalakad na lamang ako sa paghahanap ng trabaho para hindi mabawasan ang natitirang pera ko. Kukulitin ko na lang si Nanay na dagdagan ito bago niya maubos ang pera niya sa sugal. Sabi ko sa aking sarili habang kumakain kami ng pandesal sa araw na iyon.  "Bakit dalawang libo lang, Ate? Sabi ko tatlong libo, eh." pang-angal ng kapatid kong si Romeo.  Inabot ko ito at hindi naman ako nahirapan dahil maliit lamang ang mesa namin. Inundayan ko siya ng kutos sa ulo at sinamaan ng tingin.  "Manghingi ka ng pandagdag kay Nanay o Tatay, p***. Isang libo na lang 'tong natitira, oh? Mapupunta pa sa field trip mo ang pangkan natin? Luh. Ayos. At isa pa ikaw na gag* ka, ilang taon ka na ba? Sinabi ko na sa'yo na p'wede ka namang mag-apply sa fastfood para pang-tuition mo. Hindi na nga ako nagrereklamo na hanggang ngayon ay nag-aaral ka gayung nasa edad ka na para tulungan ako. Tang***** buhay 'to." Dahil sa stress ay napahilamos na lang ako sa mukha ko at kulang na lang ay iuntog ang sarili sa mesa. "Nawalan ako ng trabaho at maghahanap pa ako ng bagong pagkakakitaan." Maliit. Ang anim na libong sinasahod ko sa isang buwan ay sadyang maliit pa kung tutuusin. Hindi naman kasi kalakihang Mall ang stall kung saan ako nagbabantay kaya hindi rin ganoon kalaki ang sahod. P***. Sino rin ba kasi ang tatanggap pa sa high school graduate at maganda ang sahod? "Utang na loob lang. Tipirin ninyo ang pera hangga't kaya niyo dahil wala na akong iluluha." dagdag ko at bumuntong-hininga bago inihanda ang baong juice at pandesal ng Grade One kong kapatid na si Mila.  Sunod ay siniguro kong kumpleto naman ang laman ng bag ng bunso naming si Catherine na four years old at kasalukuyang day care student.  "Bilisan ninyong kumain at baka mahuli pa kayo. Ligpitin niyo iyang kinain ninyo at ako na ang bahala pag-uwi. Uurungin ko bago ako maghanap ng trabaho." "Ako na, Ate. Mamayang hapon pa naman ang pasok ko."  Sandali akong natigilan dahil sa sinabi ni Romeo at sa paraan nang pagkakasabi niya bago napabuntong-hininga at inalalayan na ang dalawa palabas. Sumakay kami ng trikel papasok sa eskwelahan na sa kabilang kanto lang naman. Halos makipag-away na rin ako sa driver na gusto pa kaming tagain.  "Naging tricycle driver din ako, hoy. Hindi mo ako maloloko! P***. Treinta eh ang lapit ng bahay namin. Utot mo!" Sinamaan lamang ako ng tingin nito bago humarurot palayo matapos tanggapin na lang ang binayad kong beinte. Para sa mga may kaya marahil ay maliit na bagay na lamang ang sampung piso, ngunit kung sa araw-araw ay makakatipid ka ng sampung piso, tatlong daan din ito sa loob ng isang buwan. Pambili na rin ng ilang kilong bigas.  Sa panahon kasing ito na halos lahat ay nagmamahal na, dapat na magtipid ang mga kagaya naming kapos at hindi sumasapat ang sahod sa pang-araw-araw.  Minsan ay naitanong ko na rin sa aking sarili kung bakit ba hindi kami sa isang mayamang pamilya ipinanganak? Kung sana ay maalwan ang buhay namin. Baka hindi naghiwalay ang mga magulang ko dahil sa araw-araw na bungangaan at sumbatan sa pera. Baka hindi ko pakiramdam na pasan ko ang buong mundo at baka... baka hindi ko naibubunton sa aking mga kapatid ang masaklap kong tadhana at responsibilidad.  At oo, hindi ko pasisinungalingan ang sarili ko at itatanggi na hindi ko naisip na takasan ang pamilyang ito. Dahil minsan ko na itong subukang gawin noon.  Matapos maihatid ang dalawang kapatid kong babae ay agad na akong naglakad pauwi. Hindi ininda ang sikat ng araw para lamang makatipid. Pagdating doon ay nadatnan kong nakadukdok sa pag-aaral si Romeo at muling naalala ang sinabi kanina. Nang madaanan ko siya ay ginulo ko ang buhok niya at sinabihang mag-aral siya nang mabuti bago pumasok sa kwarto naming magkakapatid na babae. Dalawa lamang ang k'warto sa maliit naming bahay kung tutuusin. Isa para sa aming mga magulang, isa para sa aming mga babae. Ang tatlong kapatid kong lalaki ay sa papag sa labas nagkakasya o hindi kaya naman ay sa kahoy naming sofa.  Bitbit ang tuwalya ay pumasok na ako sa banyo namin na pinagtagpi-tagpi lamang. May butas sa baba na nagsisilbing ihian at dumihan, may lumang balde ng pintura at basag na tabo na ginagamit pangligo.  Mabilis na ang ginawa kong pagligo dahil gusto kong maagang maghanap ng trabaho at sana, sana ay makakita at makuha kahit na sa disenteng trabaho. Nagbihis na ako ng disenteng damit. Kulang puting blouse na halos paulit-ulit ko nang suot sa paghahanap ng trabaho at itim na slacks na pagmamay-ari pa ni Nanay.  Sa harap ng salamin ay nagpolbo lamang ako para maging presentable ang hitsura at nagpahid na rin ng tig-bente pesos na lip tint na nabili ko. Habang nakatingin sa maliit naming salamin na nakadikit sa pader ay hindi ko napigilang sipatin ang aking mukha.  Ang sabi ng kaibigan kong si Jennifer na isang babaeng nagbibigay aliw, may hitsura raw ako at at tiyak daw na maraming magiging customer kapag nagbenta rin ng katawan.  Gamit ang kamay ay pinasadahan ko ng hintuturong daliri ang aking mga mata. Ang kanang mata ko ay bahagyang kirat, ngunit hindi kapansin-pansin hangga't hindi malapitang titignan. Ang ilong ko ay hindi rin katangusan, ngunit hindi rin pango. Namana ko ito kay Papa dahil si Mama ay sadyang pango at sapad pa ang ilong. Bumaba ang aking daliri sa aking mga labi, ang itaas ay manipis at ang ibabang labi ay makapal-kapal. Sabi rin ni Jennifer ay mala-puso raw ang aking mga labi na natural na kulay rosas.  Napababa ang aking tingin sa aking balingkinitang katawan na bumagay naman sa limang talampakan at dalawang pulgada kong height, ngunit ang masasabi kong asset ko ay ang malapad kong balakang na malimit na dahilan kung bakit ako nababastos at napapaaway. Ilang sandali pa ay napabalik sa mukha ko ang mga mata ko at natapik na lang ang sarili. Kailanman ay hindi pumasok sa isipan kong ibenta ang aking katawan para lamang kumita. At hindi naman sa mababa ang tingin ko sa trabahong iyon dahil tanggap ko si Jennifer ano man siya, ngunit hindi ito para sa akin.  Nagpaalam na ako kay Romeo at inihabilin na ikandado ang pinto kapag papasok na siya nang hindi umuuwi si Nanay. Kadalasan kasi, tanghali pa lamang ay tapos na ito sa labandera, ngunit naliligaw ng landas at dumi-diresto sa sugal.  Habang naglalakad palabas ng kanto ay nakasalubong ko pa ang isang mag-ina na nag-uusap. Nakita ko kung paanong abutan ng anak ang ina nito ng pera, ngunit kun-todo iling itong ibinalik ang pera sa palad ng dalaga.  "Kinita mo iyan, anak. Itabi mo at mag-ipon ka, ha? Alam mo naman na ayaw kong umasa sa inyong mga anak ko. Hindi ninyo responsibilidad na ibigay sa amin ang kita niyo, ha? Kaya ko pa, anak. May pension ang Nanay." Nang makalagpas sa mga ito ay hindi ko napigilang pag-initan ng mga mata sa narinig at nasaksihan. Hindi ko napigilang makaramdam ng inggit.  Bakit hindi ganoon? Bakit hindi kami ganoon? Bakit ako ang nabubugbog sa pagtataguyod sa aming magkakapatid habang ang mga magulang ko ay nagpapakasaya sa mga bisyo nila?  Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Gayunpaman ay hindi ako pinaghinaan ng loob at sinimulang suyurin ang parteng iyon ng Quezon City para maghanap ng trabaho. As usual, nariyan ang mga disenteng trabaho na sobrang taas ng qualifications. Pero sinubukan ko pa ring mag-apply sa mga ito para lamang matanggihan at masipa pa palabas nang magpumilit.  "College graduate ang hinahanap pero p*** pustahan tayo maliit naman ang sahod!" naiinis kong wika matapos akong mapalabas mula sa isang eatablishimento na naghahanap ng data encoder.  Ilang gusali at trabaho ang sinubukan ko na high school graduate naman ang hinahanap, ngunit sa experience naman nagkatalo dahil pulos maliliit na trabaho lamang ang nakalagay sa aking resumè.  "Tang***** 'yan, naghahanap ka ng trabaho para magka-experience pero ang daming gustong experience ang gusto. Only in the Philippines!" muli ay gigil kong wika nang lumabas mula sa isang Grocery Store. "Akala mo naman ang laki-laking magpasahod, kung hindi pa pinapagod ang mga empleyado sa karampot na kita!" Sunod kong sinubukang mag-apply sa isang School na naghahanap ng Janitress. Mabait ang teacher na nag-interview sa akin labis ang sayang naramdaman nang matanggap.  "P'wede ko po bang malaman kung magkano ang sahod?" lakas-loob kong tanong dahil iyon ang pinaka-importanteng bagay.  "Tatlong libo sa isang buwan pero libre naman ang lunch at meryenda mo. Meron ka ring Philhealth at Pag-ibig---" "Ho? Tatlong libo?" Pag-ulit ko nang marinig ang halaga. "Pasensya na ho pero hindi ho kasya sa amin iyan. Salamat na lang ho at maghahanap na lang ako ng iba." magalang kong pagtanggi.  "Sigurado ka, Miss? Aba, mahirap maghanap ng trabaho ngayon. Sayang naman." Pabuntong-hininga akong lumingon sa kaniya. "Mahirap nga ko at mas lalong pinapahirap ng bansang ito. Pasensya na ho pero sa malaking pamilyang kagaya namin ay maliit ang tatlong libo. Sige ho." Lulugo-lugo akong lumabas mula sa paaralan at napaupo na lamang sa may waiting shed at natulala. Napakahirap maghanap ng trabaho para sa mga kagaya kong high school graduate lamang at hindi pasok sa qualifications ng mga kumpanya. Idagdag pa na kailangan kong maghanap ng trabahong sakto ang sahod para sa pamilya ko.  Mariin akong napapikit at ilang sandali pa ay may humarang sa araw na  tumatama sa akin. Iminulat ko ang isang mata ko at tiningala ang isang baklang nakatayo. Inabutan niya ako ng flyer at tinignan ko naman iyon.  "Naghahanap ka ba ng trabaho? Baka interesado kang maging call center. Kahit high school graduate ay pwede." "Hindi ako marunong mag-english." sagot ko sa kaniya sabay balik ng flyer at muling tumayo para magpatuloy.  "Hindi naman kailangang magaling mag-english. Basta marunong ka at confident ka." Noon ko pa alam ang mga call center company, ngunit dahil nga hindi magaling sa wikang ingles ay hindi ko ito sinusubukan. "Sige. Subukan ko." Ngunit ngayong desperada na at kailangang magkaroon ng trabaho ay nakahanda akong subukan ang lahat.  Sumunod ako sa lalaking nagpakilalang Gabe hanggang sa isang building kung saan makikita ang pangalan ng kumpanya. Maganda at malamig sa loob ng gusali. Isang lugar kung saan sino man ay nanaising magtrabaho. Sumakay kami sa elevator at pumasok sa isang k'warto kung saan maraming kagaya kong aplikante. "Kuha ka muna ng test dito, Miss. Kapag nakapasa ka ay interview ang kasunod, ha? Good luck." Pinaupo niya ako sa harap ng isang computer na ilang beses ko pa lamang na nagamit noon. Kagat-labi akong nagsimulang mag-test at maduling-duling sa mga salitang ingles na naroon. Makailang-ulit na binabasa ang ilang tanong hanggang sa rumehistro ito sa isipan ko at halos hulaan na lamang ang mga sagot. At nang makatapos ay halos matulala na ako dahil nabugbog ang kapiranggot kong utak.  At sa huli.... ay bagsak ako at hindi na umabot pa sa interview. P***. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD