Chapter 35

2567 Words

Hindi nawala ang magandang mukha ng babaeng nakita ko mula sa aking isipan hanggang sa makauwi. Hanggang sa sumunod na araw at habang nagtatrabaho. Gayunpaman ay iniwasan ko namang mapatulala na lang at baka makagalitan pa ako. Dito sa kumpanya ni Lucas ay gusto kong magpakabait at hindi mapaaway. Hindi lang dahil sa sinabi niyang ayaw niyang madungisan ang reputasyon niya at masira ang pangalan niya dahil sa akin, kung hindi dahil ayaw ko rin siyang bigyan ng panahong pagdudahan ako. Kung kailangan kong magpakabait at maging sunod-sunuran ay gagawin ko. Nang magtanghalian habang naglalakad ako sa papunta sa banyo ay nakatanggap ako ng text mula kay Lucas, at pinapapunta ako sa opisina niya. "Nabubuwang ka na ba? Ayaw mo ng eskandalo pero gusto mo akong papuntahin diyan." Naiiling ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD