Third Person's POV
"Hmmm!"
"Whats with the smile?"
"You look so different today, Mr. Monteclaro!" Napakislot si Dylan ng may marinig na pamilyar na boses. Ang buong akala niya ay nag-iisa lang siya sa kanyang opisina at hindi niya namalayan na ang best friend na si Migs ay nakapasok na pala sa loob at ngayon ay matamang nakatingin sa kanya at may pilyong ngiti sa labi habang komportableng-komportableng nakaupo sa couch ng pade-kuwatro.
"Huh! Kanina ka pa ba dyan?" gulat na tanong ng binata sa kanyang kaibigan.
"If I am not mistaken, I'm almost fifteen minutes here. I tried to interrupt you but you seems so busy thinking of something or should I say someone." May diin sa huling salita na binigkas nito, wari bang may nais ipakahulugan at pilyo pang ngumiti.
Sunod-sunod ang pag iling ni Dylan.
"Tsh... how do you say so?"
"My eyes are on you all the time, at wala kang ginawa kung hindi ngumiti. Now tell me, are you in love?"
Bigla siyang natigilan sa tanong na iyon. Hindi niya kasi maiwasang balik-balikan ang insidenteng nangyari two days ago sa kanilang restaurant na Dolce Far Niente. Kung paanong nagmukhang tanga si Harry Esconde, ang anak ng business man na si Howard Esconde na kilala bilang isang dirty player pagdating sa negosyo. Ngunit ang hindi talaga mawala-wala sa isipan niya ay ang babaeng iniligtas niya sa kamay nito at ang mabilis na halik na iginawad niya rito ay talaga namang bumabagabag sa kanya ng husto.
He go out with different kinds of girl like models, beauty queens, actress locals and internationals pero ngayon lang siya naka encounter ng babaeng pinag-isip siya ng todo considering the fact na nahalikan niya ito pero hindi man lang niya nalaman ang pangalan nito.
"Arghh! It's nothing. May naalala lang akong nakakatawang video na napanood ko while browsing," pag sisinungaling niya at iwinsiwas pa ang mga kamay.
Makahulugang tumingin dito si Migs waring hindi naniniwala sa kanyang sinabi.
"By the way, what made you here?" he asked trying to mislead the topic.
"Oh! I was about to invite you for a cup of coffee outside. Masyado akong nai-stress sa figure na inilabas ng Hanson Marketing and it seems that they manipulated everything kaya naungusan nila ang SMGC."
"Tsk! You know their tactics and their dirty tricks, Migs. Hindi ka na nasanay, don't worry about that. I know how to play their games, just leave it to me." Buo ang kumpiyansang sabi niya. Seventeen palang siya ng sanayin ng ama sa negosyo kaya naman hindi na bago sa kanya ang ganuong kalakaran.
"So, let's go! Gusto ko ring magkape " Nagpatiuna ng tumayo ito at sumunod naman sa kanya si Migs.
__
"So, Mandy is working here?" Inilinga ni Charlotte ang mata sa paligid ng sikat na coffee shop na tinatambayan nila. Halos kalahating oras na silang naroroon at hindi niya maintindihan kung ano ang gustong mangyari ng kanyang bestfriend na si Sanya.
"Yes!" maagap na sagot nito sabay ismid.
"And... I know you're allergic to her so why are we here?"
"Tsh! I just want to teach that stupid girl a lesson. Ipapahiya ko siya para mawalan siya ng trabaho. Naiinis ako sa kanya, Dad always compares me with her! Nauubusan na ako ng pasensiya. Gusto ko na siyang mawala sa buhay ko, sa buhay namin and If I cannot get rid of her might as well ruin her! I will make her life a living hell do'n man lang makabawi ako."
"Hmm... Such a clever! Would you mine telling me what's your evil plan this time, my dear?" tanong ni Charlotte na may pilyang ngiti.
"Hahaha! You will be surprise. Just wait and see!" nakangising sabi ni Sanya na may naiisip na naman na ka-demonyohan.
_
"Mandy, black espresso and two slices of cheese cake at table 9," sigaw nang nasa counter.
"Copy!" Maagap na tumakbo si Mandy papunta sa counter kung saan naroroon ang tray na kailangan niyang ihatid sa table ng nagmamay ari ng order.
Habang naglalakad siya tangan-tangan ang tray na may nakalagay na dalawang tasa ng black espresso at dalawang platito ng cheese cake ay hindi niya inaasahan na may paang bigla na lang susulpot sa kanyang dinaraanan at doonn ay bigla na lang siyang napatid. Ngunit bago pa man tumumba si Mandy kasama ng bitbit nitong tray ay may isang lalaki na bigla na lang lumitaw sa kung saan at maagap siyang nasalo upang hindi siya matumba.
Hindi siya bumagsak at hindi rin tumapon sa sahig ang mga bitbit niya, kaya lang ay kumalat naman ang espresso sa tray at humalo na ito sa cheese cake at talaga namang hindi na mapapakinabangan ang mga iyon.
"Be careful!" sabi nang lalaking nagligtas sa kanya.
At ng iangat ni Mandy ang ulo para
tingnan tingnan ito at magpasalamat sa pagtulong nito sa kanya ay napatda siya ng mapagsino ito.
Diyata't ito ang lalaki sa Italian restaurant! Ang lalaking nakakakuha ng first kiss niya.
Napakunot din ang noo nito ng makilala siya.
"You!" sabi ni Dylan.
"Ikaw!" nanulas sa bibig ni Mandy.
"Well... well...well! It seems that you two knew each other!" Sabay silang napalingon kay Migs na nakita ang mga pangyayari pagpasok palang nito sa loob ng coffee shop. Nauna sa kanya si Dylan dahil ipinarada pa niya ang kanyang sasakyan sa parking.
"Sa susunod, tumingin ka sa dinaraanan mo. I don't know but those girls from the left table. I think they done it to you intentionally," bulong ni Dylan kay Mandy pero ang mga mata ay nakadako sa noon ay yukong-yuko na sina Sanya at Charlotte natakot silang ipakita ang kanilang mukha sa binata. Kaya naman ng lumingon si Mandy sa tinutumbok ng mga mata ni Dylan, kahit hindi niya makita ng lubusan ang mukha ng mga tinutukoy nito dahil sadyang itinatago ay kilalang-kilala niya ang pigura ng mga ito. Hindi siya maaaring magkamali, si Sanya at ang alipores nitong si Charlotte ang mga iyon. Ang dalawang malditang sagabal sa tahimik niyang buhay.
"Maraming salamat!" sabi niya. Ayaw man niyang aminin ngunit may kakaiba at kung anong hindi maipaliwanag na pakiramdam ang kanyang nadarama ngayong magkalapit ang kanilang katawan kaya naman dali-dali siyang kumawala sa mga bisig ng binata.
Pilyong ngiti naman ang itinugon ni Dylan dito sabay kindat at pagkatapos ay dire-diretso ng lumakad at nilagpasan siya kasunod ang napapangiti ring kaibigan na si Migs, huminto ang dalawa sa VIP table, humatak ng upuan at naupo.
Saglit na natigilan si Mandy, kulang na lang talaga hilingin niya na lamunin na lang siya ng lupa. Kung paanong pagkataranta ang reaksyon niya sa pilyong lalaking iyon ay ganuon na lang.
What a small world.
Sadya nga bang pinagtatagpo sila ng tadhana?