Mandy's POV
"You're so lucky, Ms. Mendoza. Our big boss take charge sa order na na-damage because of your negligence!"
"Be careful next time. This is only a warning for your first offense and if that will happen again I'm sorry to say but I have to give you a sanction regardless of your good records and the commendations of our clients for your outstanding performance," sabi ni Ms.Jackie sa akin, ang manager ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.
"I understand, Ma'am! Mag iingat na po ako sa susunod," mapagkumbabang sagot ko. In a way may kasalanan din ako, kahit pa sinadya ni Sanya ang mga nangyari dapat naging alerto ako.
"That's all I wanna hear from you. You may go back to work now," pagtataboy nito sa akin.
Nakahinga ako nang maluwag ng makalabas ako ng opisina ni Ms. Jackie.
Tsh. Napakalamig naman ng aircon sa loob pero bakit ba pinagpapawisan ako?
This is the first time na masita ako dahil sa palpak na trabaho. Pinagbubutihan ko naman ang mga gawain ko sa araw-araw. Sadyang may mga tao lang talaga na walang ibang inisip kung hindi ang makakasama sa kanyang kapwa kagaya ng demoyitang si Sanya.
_
"Ang swerte mo talaga Mandy, narinig kong kinausap ni Mr. Monteclaro si Ms. Jackie kanina bago siya umalis. Pinakiusapan niya ang manager natin na huwag kang parusahan at siya pa mismo ang nagbayad ng mga nasayang na pagkain. Napakagwapo na nga, ang bait pa ng boss natin na 'yon. Napakaswerte ng magiging girlfriend niya, sana ako na lang," bulalas ni Jasmine, katulad ko ay isa rin siyang part timer dahil sa hapon ang kanyang pasok sa school halos parehas lang ang schedule namin.
"Boss! Boss natin si Dylan?" Gulat na tanong ko.
"Huh! Tinawag mo siyang Dylan? Bakit close ba kayo? " histerikal na tanong nito na ikinabigla ko naman ng husto.
"Ha- hindi, noh! Ngayon ko nga lang siya nakita," pagmamaang-maangan ko. Ayoko lang may makaalam na nagkakilala na kami at laling ayokong may makaalam na siya pa ang unang lalaking nakahalik sa akin.
Uggh! Erase that thoughts.
Ipinilig ko ang aking ulo.
"Siya ba ang may ari ng coffee shop na ito?" tanong ko.
"Oo isa lang ito sa mga negosyo nila. Sabagay one month ka palang pala rito. Bihira lang kasing pumasyal dito ang mga boss natin. "
"Ah... ganu'n ba?" tanging nasabi ko.
Lumabas na si Jasmine para mag-serve sa mga customer habang ako naman ay naiwang nag iisip. Ito na ang pangatlong pagkakataon na iniligtas ako ng lalaking iyon.
Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan.
_
Biyernes ng hapon, maaga akong nakauwi dismissed ang last subject namin. Bago pa ako makarating sa aming bahay ay madaraanan ko muna ang mansyon ng mga Evans. Hindi ko inaasahang makikita si Tito Sandro, nakapuwesto ito sa garden at nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo.
Himala bakit narito na siya sa bahay ng ganito kaaga? Busy ito lagi sa kanyang negosyo at bihira ko lang siyang makita sa mansyon.
"Magandang hapon po, Tito Sandro!" magalang na bati ko rito. Awtomatikong umangat ang ulo nito at nilingon ako.
"Good to see you, Mandy!" nakangiting sagot nito.
"Si-sige po, uuwi na po tutuloy na ako sa bahay namin," paalam ko at agad na rin akong lumakad papunta sa likod ng mansyon kung saan nakatayo ang maliit naming bahay. Nakakailang hakbang palang ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.
"Mandy!"
Huh! Bakit kaya ako tinawag ni Tito Sandro?
Alumpihit na lumingon ako sa direksyon niya.
"Bakit po?" alanganing tanong ko.
"Come here!" Iminuwestra pa nito ang kamay para lumapit ako, kaya naman siyang ginawa ko.
"Ano po 'yon? May iuutos po ba kayo?"
"No. Just sit down! " Itinuro nito ang katapat na upuan kaya naman agad kong hinila ang upuang bakal para maupo.
"Napansin kong luma na ang suot mong sapatos." Bungad nito sa akin ng makaayos na ako ng upo.
"Po!" sagot ko naman. Hindi ko alam kung bakit nabanggit niya ang sapatos ko.
"I said luma ng sapatos mo. I'll give you money bumili ka ng bago." Matapos sabihin iyon ay kinapa ang bulsa ng kanyang pantalon at inilabas buhat duon ang kanyang wallet. Kumuha ng pera, hindi na nag abalang bilangin pa ang nadampot niya at agad ng iniabot sa akin. "Here, take this, magpunta ka sa mall bukas at mag shopping ka," utos nito sa akin.
Alanganing kinuha ko iyon para mabigla lang sa laki ng halaga na ibinigay nito sa akin. Puro tag iisang libo ang mga perang papel na iyon at sa tantiya ko lagpas pa ng dalawampung piraso ang mga ito.
"Pe-pero napakarami naman po nito, Tito Sandro. Hindi ko po matatanggap ang lahat ng 'to." Nahihiyang ibinalik ko sa kanya ang pera ngunit bahagya lang niyang tinulak ang kamay ko.
"Just take it, bumili ka ng mga gusto mo, kumain kayo sa labas ng mama mo at manuod kayo ng sine."
"Pero, masyado pong marami ito," protesta ko.
"Tsh! Isipin mo na lang na reward ko 'yan sa'yo. I have seen your grades and I must say that you're a very good student, Mandy. Natutuwa ako at nag aaral kang mabuti. Considered that money as the fruit of your labor. Hindi mo sinayang ang perang ginagastos ko sa pagpapaaral ko sa iyo and that means a lot for me. Lara told me that you're a dean's lister and if your dad is still alive right now, I' m pretty sure he will be proud of you. "
Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng mabanggit niya si Papa, miss na miss ko na siya.
"I'm so sorry, Mandy it is not my intention to upset you. I just want you to know how happy I am as your mentor."
"Pasensiya na po kayo, Tito, bigla ko lang po kasing na miss si Papa at tama kayo kung buhay siya ngayon sigurado akong ma-aapreciate niya ako kagaya ng pag-appreciate ninyo sa akin. Gusto ko lang pong suklian lahat ng kabutihan niyo sa amin ni Mama."
"Napaka swerte ng mga magulang mo sa'yo. Don't take life seriously, i-enjoy mo rin ang pagiging bata mo. Try to relax and unwind sometimes, pamper yourself, kayo ng Mama mo. Itong mga nakalipas na araw ay masyado akong naging busy sa trabaho at hindi ko na nasusubaybayan ang lagay ninyong mag-ina. I hope okay lang kayo dito sa mansion. "
Gusto ko ng sabihin kay Tito Sandro na hindi kami okay, dahil sa asawa't anak niya na hindi maganda kung kami ay tratuhin pero wala naman akong lakas ng loob para magsabi. Kung hindi kay Tito Sandro at sa malaking utang na loob namin dito ay hindi kami magtatagal sa mga Evans.
__
"Ma! Napakabait naman ni Tito Sandro bakit ba hindi nagmana sa kanya si Sanya?"
Napalingon sa akin si Mama at nawala ang atensyon nito sa pinanunuod sa tv.
"Bakit mo naman naitanong yan?"
"Wa-wala po!" sagot ko.
Naalala ko lang kasi ang ginawa niya sa akin sa coffee shop, pero hindi na kailangang malaman pa ni Mama iyon. Naiinis lang kasi ako sa kamalditahan ng spoiled brat na si Sanya at kung bakit galit na galit siya sa akin samantalang nasa kaniya na nga ang lahat. Maganda siya, mayaman, maraming kaibigan at bakit ba parang hindi nakukumpleto ang araw niya ng walang ginagawang masama sa akin?
"Ma! Di ba si Papa ikaw at si Tito Sandro ay magkakaibigan dati?"
"Oo, bakit? "
"Wala po nagtataka lang ako kung bakit hindi kayo naging malapit ni Tita Pia."
"Dahil katulad ng Tito Sandro mo anak mayaman si Pia at napakamatapobre ng pamilya nila. Paanong kakaibiganin ako nun ang lola mo ay kasambahay lang naman nila dati, kaya ganuon din ang tingin niya sa akin isang katulong."
Kaya naman pala, sa kanya nagmana si Sanya. Sa dami naman ng mamanahin bakit ba yung kamalditahan pa ni Tita Pia ang nakuha niya? Kaya naman pag nag-join force ang dalawang 'yon ay napaka grabe.
"Ganuon ba? Bakit si Tito Sandro mabait naman siya sa 'yo-sa atin?"
"Dahil likas na sa kaniya 'yon. Hindi kagaya ni Pia kahit lumaki sa yaman ang Tito Sandro mo simple lang naman ang mga gusto niya sa buhay at hindi siya mahilig sa luho. Masaya na silang sabay na nag aaral ng Papa mo at namimitas ng mga prutas sa hacienda kapag uwian na."
"Ah! Siguro masaya ang naging kabataan n'yo noon, ano po, Mama?"
Nai-imagine ko lang kung paanong naging magkaibigan silang tatlo dati samantalang si Mama ay anak lang ng kasambahay at si Papa at Tito Sandro ay anak mayaman. Malayo ang estado nila sa buhay.
Minsan gusto kong marinig ang kwento ng buhay nila pero parang ayaw ng pag usapan pa ni Mama.
Mayaman ang pamilya ni Papa at hindi ko alam kung bakit narito kami ngayon at nagsusumiksik sa mga Evans? Mula ng bata ako hindi ko pa nakikilala ng personal ang mga magulang at kapatid ni Papa kahit pa noong nagkasakit at namatay siya, pumunta sila sa libing pero hindi naman lumabas ng sasakyan.
Minsan iniisip ko ano ba ang sikreto ng buhay ko at parang maraming itinatago sa akin si Mama? Marami akong hindi nalalaman.