Chapter 1°

1191 Words
[Mandy's POV] "Get the hell out of here! You, st*pid!" Gusto ko mang mangatuwiran ay hindi ko magawa nadala ako ng takot, galit na galit si Sanya, kaya tahimik na pinulot ko ang nagkalat na bubog sa sahig at inilagay ang mga iyon sa tangan kong tray. Kanina lang ay walang pakundangan na inihagis niya ang baso na ibinigay ko rito na naglalaman ng pineapple juice. Hindi ko alam kung nagkamali lang ba talaga ako ng dinig o sinadya niyang palabasin na hindi pineapple juice kundi apple juice ang hininhingi nito sa akin. "Miss Mandy, ako na po'ng maglilinis ng mga iyan." Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Jenny, ang isa sa mga kasambahay sa mansyon. May dala itong basahan, walis at dustpan. Isang taon lang ang tanda ko rito at masasabi kong napakabait nito sa akin kaya naman itinuturing ko siyang isang kaibigan. "Maraming salamat, Jenny!" Buhat sa aking pagkakaluhod ay dahan-dahan akong tumayo, hawak pa rin ang tray na may lamang mga bubog. "At bakit ikaw ang gagawa niyan? Hayaan mong ang bob*ng babae na ito ang maglinis ng mga 'yan! Umalis ka dito, aliiiissss....!" singhal ni Sanya na halos maputol na ang litid sa kahihiyaw. Hindi naman kinakitaan ng takot itong si Jenny, patuloy parin ang punas sa sahig at pag-iipon nang maliliit na bubog na hindi ko na nagawang pulutin kanina dahil sa takot na ako ay masugatan. "Hindi po pwede. " "And, why?" "Dahil nand'yan po si Sir Sandro." "Oh my gosh! Daddy's here? Where is he?" Gusto kong matawa habang nakikita ko ang reaksiyon nito na tarantang-taranta. "Pina-park lang po yung kotse niya sa garahe." "I'm going to my room now. You two, don't make sumbong dahil kung hindi malalagot kayo sa akin!" banta pa nito sabay nagmamadaling lumakad paaakyat ng hagdan papuntang second floor. "Hahaha...! Buti nga!" Tawang wagi talaga itong si Jenny. "Totoo bang andiyan si Tito Sandro? " Nagtataka rin ako, ang alam ko kasi ay umalis iyon na nagmamadali kaninang umaga. "Wala, noh! Joke ko lang yon para matakot ang dem*nyita. Narinig ko kayang pupunta siya sa Hongkong may business meeting ata duon, 'yon ang sabi niya kay, Ma'am Pia." Napapailing na lang ako at binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. "Huh! Bakit ka nagsinungaling?" Huminto na ito sa ginagawang pagsimsim ng mga bubog. Isinandal ang walis at dustpan sa tabi ng center table at saka humalukipkip, kasalukuyan kaming nasa sala ng mansiyon. "Dahil alam ko na ang susunod niyang gagawin sa'yo, Miss Mandy. Sasaktan ka nanaman ng bruhildang 'yon! Tingnan mo nga 'yang mga pasa mo sa braso, hindi pa nga gumagaling dahil sa kagagawan ng mag-inang kampon ng kadiliman!" Minsan talaga nakakatawa itong si Jenny dahil kung ano-ano ang ibinabansag niya kina Tita Pia at kay Sanya. "Oh! Ano pa'ng ginagawa natin dito? Pumunta na tayo sa kusina, halika na dali baka malaman na'ng impakta na nagsisinungaling lang ako, dalawa pa tayong mapektusan. " Hawak-hawak nito ang kamay ko habang ang isa pang kamay niya ay bitbit ang basahan, walis at dustpan. _____ "Ma... Bakit ka nand'yan? Ako na po ang gagawa niyan." Hindi ko kayang nakikitang nahihirapan si Mama, ngayon nga pagpunta ko sa likod bahay ay nakita ko siya sa labahan at nagkukusot ng mga damit. "May washing machine naman po bakit kinakamay niyo ang mga labahan? " may halong inis sa tono ng boses ko.Hindi para kay Mama kung hindi para kay Tita Pia at Sanya dahil kapag wala si Tito Sandro ay nagagawa nilang api-apihin kami. "Ako na, anak. Mag aral ka na lang sa kuwarto, diba may exam kayo bukas?" "Mamaya na lang po, Mama. Tutulungan ko muna kayo diyan. " Pumuwesto na ako ng upo sa tabi nito. "Alam mo kasi anak mariing ibinilin ni Pia na 'wag kong gamitan ng washing machine ang mga damit na ito dahil mamahalin daw ang mga 'yan at kailangan hand wash lang dahil masisira ang mga design. Kaya naman kung gusto mo talaga akong tulungan, ingatan mo lang na hindi masira, masyadong sensitibo ang mga damit na ito." "Sige po, Mama." Inabot din kami ng isa't kalahating oras sa paglalaba, sinadya ata ng mag-ina na ipunin ang kanilang mga maruruming damit para pahirapan si Mama. Kung hindi lang sa malaking utang na loob namin kay Tito Sandro at sa pangako namin ni Mama kay Papa na rito kami tumira sa mansyon kapag namatay na siya ay matagal na kaming umalis dito. _____ "Ma... Maghintay ka lang, kapag naka-graduate na ako at nakahanap ng trabaho ay aalis na tayo rito." Kasalukuyan na kaming nagpapahinga noon sa aming kuwarto. "Mandy, anak, diba nangako tayo sa Papa mo na hindi tayo aalis dito? " "Ma, naman! Hanggang kailan ba tayo magtitiis sa pagmamalupit ni Tita Pia at Sanya? Kapag kumita na ako pwede na tayong umupa ng maliit na kuwarto para sa ating dalawa.Simpleng buhay pero malaya naman tayo." Tumango-tango si Mama. "Sige, anak." Yumakap ako rito. Dalawang taon na ang nakalilipas ng mamatay si Papa sa isang car accident naratay siya sa ospital ng ilang linggo at hindi nagtagal ay binawian na'ng buhay. Masasabi kong hindi kami mayaman pero hindi naman kami nagugutom, simpleng buhay at napakasaya namin nuon. Matalik na magkaibigan si Papa at Tito Sandro at ng mamatay nga si Papa ay ibinilin niya kami kay Tito Sandro na talaga namang napakabait sa amin pero hindi gusto ng asawa at anak nito na naroroon kami, mabigat ang dugo nila sa amin kaya naman kahit anong gawin naming pakikisama sa mga ito ay pinagmamalupitan pa rin kami, lalo na kapag wala si Tito Sandro at nasa business trip ito. Ewan ko ba kung bakit pero kahit sa loob ng dalawang taong paghihirap namin sa masamang pag-uugali ni Tita Pia at Sanya ay hindi parin magawang umalis ni Mama sa mansiyong ito. Kahit anong pilit ko ay lagi niyang sinasabing manatili kami rito dahil higit akong may karapatan na tumira sa mansiyon ng mga Evans. Nakatulugan ko na ang pag-iisip. Ngunit, sa aking pagtulog ay dinalaw ako ng isang bangungot. _ "Remove that f*cking robe now!" "Perfect! " "Beautiful!" "You're such a goddess, Crystal!" "Be my woman and I will give you anything you want." "Fifty thousand just for one night, young lady. " "I'll double the price! I'll make it one hundred thousand just be with me the whole night." "Two hundred thousand, my dear. " "Two hundred fifty thousand. " "Three hundred thousand gentlemen that girl is mine. " "Three hundred fif----------". Maraming nagsasalita, mga lalaking hindi ko kilala ngunit lahat sila iisa ang gusto. Ang ako ay makasama sa magdamag. Takot na takot ako. "Enough of these bast*rds!" "FIVE HUNDRED THOUSAND PESOS!" " END OF BID!" "LOOSEN UP PEOPLE!" " SHE'S ALL MINE!" " HUWAG N'YO NANG TANGKAING KALABANIN AKO DAHIL ALAM N'YO NA KUNG SAAN KAYO PUPULUTIN ORAS NA GAWIN NINYO IYON. " Isang lalaki ang nagligtas sa akin, pero sino ang lalaking iyon? Malabo at hindi rumirehistro ng malinaw ang mukha niya. Huh! Napabalikwas ako ng bangon. Ano ba ang napanaginipan kong iyon? Pakiramdam ko totoo siyang nangyayari ramdam ko pa ang panginginig ng aking katawan dala ng takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD