"S-sigurado ka ba na silang dalawa ang hinala ni Jennifer?" Nanginginig ang mga kamay ko. Posibleng si Luke pero si Sir Raul? Parang malabo yata. "Iyon ang sabi ni Jennifer. Mag-iingat ka pa rin. Maaaring ibang tao ang stalker niya. Magmatyag kang mabuti at makiramdam ka," pagpapa-alala ni Mart. "Maraming salamat sa impormasyon, Mart. Tutuloy na kami." Hinawakan ni Julian ang kamay ko para tumayo na. "Hindi ba muna kayo manananghalian? Masyadong mahaba ang binyahe ninyo." Tumayo si Mart gamit ang suporta ng tungkod niya. I feel sorry for him. Nabiktima ng isang may sayad sa ulong stalker. "Baka abutin kami ng dilim kapag nagtagal pa kami. Kailangan mo na ring makapagpahinga. Salamat," pagtanggi ni Julian. "Ito nga pala ang contact number ko. Tawagan n'yo lang ako anytime you need help