Nagising ako dahil sa maalog na kasada. Sinilip ko ang labas at tumambad ang bako-bakong daan. "Nasaan na tayo?" "Nasa Candaba na. Nasa dulo nito ang bahay ng nobyo ni Jennifer Mendez." Nilingon ko ang likuran namin, wala namang nakasunod. Kami nga lang ang dumadaan sa ma-luad na kalsada dito. Itinigil ni Julian ang sasakyan sa isang may kalakihang bahay na luma na at nasa isang looban. May mga bahay na malalaki rin pero malalayo ang distansya. Bumaba si Julian at pinagbuksan ako ng pinto saka inalalayan sa pagbaba. Inakay ako patungong bakal na gate ng lumang bahay saka ito nag-doorbell. Hindi nagtagal, isang may-edad na lalake ang lumabas ng bahay at tinungo ang gate para harapin kami. "Sino sila?" Bakas sa mukha ng lalake ang pagdududa sa aming dalawa kaya dinukot ni Julian ang walle