His Eyes

1711 Words

CHARRIE: LUMIPAS ang mga araw na naging mas magaan ang lahat sa akin. Nung araw din na ibinalik nila Tita Annika at Tito Aldus si baby Sky sa piling ko ay nagkapatawaran na kami. Pagod na pagod na ang puso ko para pairalin ang galit. Gusto ko na lamang magpatuloy sa buhay dahil may dalawang anak akong umaasa sa aking ina nila. Katulong ko ang buong pamilya ko sa pangangalaga kay Sky. Dumadalaw din dito si Kuya Typhoon at Rain dahil hindi naman namin itinago sa kanila na buhay pa si Sky. Si Tatay Moon ang hindi ko pa nakikita. At kahit hindi ko na tanungin ang mga ito ay alam kong kasama niya si Cloud sa ibang bansa. Minsan ay nati-temp pa rin akong alamin kung saang bansa naroon si Cloud. Ilang beses ko rin itong ini-stalk sa kanyang social media account pero. . . wala naman siyang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD