CHARRIE: NANG mahimasmasan ako ay buong lakas akong tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Nandidito na rin ang buong pamilya ko na luhaang nakamata sa akin. Tumitig ako sa kanilang mga mata. May mapait na ngiti sa mga labi at napailing. Nanginginig ang mga labi kong hirap na hirap kong ibuka para mailabas ang saloobin. "C-Charrie," humihikbing pagtawag ni Mommy Liezel sa akin. Nagpahid ako ng luha na pilit pinapatatag ang sarili ko. Kahit dama kong nanginginig na ang buong katawan ko at parang mabubuwal sa kinatatayuan. Naninikip ang dibdib ko sa bigat nito na parang pinipiga ako sa puso. "B-bakit? Bakit hindi niyo sinasabi?" garalgal ang boses kong tanong sa mga ito. "Charrie, you're pregnant. Makakasama 'yon sa'yo, anak." Ani Mommy. "Mom. . . at sa tingin niyo hindi ako na