CHARRIE:
NAIWAN ako dito sa Palawan at tinapos ang isang linggo sana naming bakasyon ni Cloud dito. Pero heto at ako lang ang nagbakasyon sa aming honeymoon. Naiintindihan ko naman na nagalit ito. Maging ako ay galit din sa sarili na niloko ko siya at ang pamilya ko.
Nagpanggap akong may namagitan sa amin no'ng gabi ng kaarawan ni Kuya Typhoon sa mansion nila ni Ate Catrione. Magkatabi kaming natulog nito ng silid at nagising na magkayakap habang hubo't-hubad kami pareho.
FLASHBACK LAST MONTH:
NAPAPANGITI ako sa isipan ko na dumating si Cloudy sa birthday ni Kuya Typhoon. Kahit hindi nito gusto si Ate Catrione o kahit sino sa aming pamilya ay dumating pa rin naman ito. Bagay na ikinadidiwang ko.
Simpleng salu-salo lang ang naging celebration ng birthday ni Kuya. 'Yon kasi ang gusto nilang mag-asawa.
Habang nag-iinuman ang mga lalake sa gawi ng mga lounge chair dito sa may pool ay nagkakatuwaan din kaming mga babae na nagkainuman habang nakalublob dito sa pool.
Si Ate Catrione, Cathleen, Danaya, Sam at Rain ang mga kasama ko. Kaming pamilya lang kasi ang nagsalo-salo. Sina Mommy Liezel at Daddy Cedric naman ay nagpahinga na kasama ang mga apo nila kina Kuya Khiro at Khiranz na sina Kieanne, Sofia, Akhiro at Danica.
Panaka-naka kami ni Rain na napapasulyap sa gawi ng mga lalake na nag-iinuman. Kapansin-pansin lang na ang dalawang lalakeng tinitignan namin doon ay kapwa tahimik na umiinom at nakikinig lang sa kwentuhan ng tatlo.
Si Collins at Cloudy.
Habang sina Kuya Typhoon, Khiranz at Khiro ay masaya na nagkukwentuhan. May tuksuan pa na nagkakakantyawan sa isa't-isa.
"Ahem! Gusto mo bang tulungan kita kay Collins?" bulong ko kay Rain na sinamahan ko dito sa gilid ng pool habang umiinom kami ng beer sa bote.
Pilit itong ngumiti na napailing na muling napasulyap sa gawi ng mga lalake.
"Hindi. Hwag na. Ang sungit-sungit kaya ng Kuya Collins mo," natatawang saad nito. Napangiti na rin ako.
"May kapalit naman eh. Sige na. Magtulungan na tayo, hmm?" pagpupumilit ko pa.
Nangunotnoo itong napatitig sa akin. Bakas ang katanungan sa kanyang mga mata na naghihintay ng isasagot ko. Napasenyas ako ditong lumapit at may sasabihin akong ikinasunod din naman nito.
"Tulungan mo ako kay Cloudy, at tutulungan naman kita kay Collins. Ano, game?" bulong ko.
Napalunok itong hindi malaman kung ngingiti ba sa akin o mapapangiwi. Sabay kaming napalingon sa gawi nila Collins. Ganu'n pa rin. Nakabusangot silang dalawa ni Cloudy na tahimik na umiinom. Tila walang pakialam sa paligid nila.
"Si Kuya Ulap? Nako naman, eh kung masungit si Collins, mas masungit naman 'yon e," bulalas nito na bakas ang pagkabahala.
Alam ko naman iyon eh. Kaya nga hindi magkasundo ang dalawa. Kasi pareho silang ma-attitude na dinaig pa ang mga babaeng may regla. Ni hindi nga sila nakikisabay sa mga kasama nilang nagkakatuwaan.
"Kaya nga magtulungan tayo, 'di ba? Girl power ba? Magtulungan tayo para parehong makalapit sa mga lalakeng napupusuan natin," pangungumbinsi ko pa dito.
Napabuga ito ng hangin na pilit ngumiti at tumangong ikinalapad ng ngiti ko.
"S-sige. Pero hindi ko maipapangako na magsa-succeed tayo, ha? Alam mong masungit si Kuya. Kung sana kasing bait at friendly niya si Kuya Typhoon eh. Wala sanang problema," bulong nito.
Napa-toss kami ng beer sa isa't-isa na may naglalarong ngiting hindi mapagkakatiwalaan sa mga labi.
HALOS hatinggabi na ng magsiakyat na kami ng aming silid. Sinadya ko talagang magkatabi ang kinuhang guest room namin ni Cloudy. Nauna naman na ito kaya tiyak kong nasa kanyang silid na ito. Bagsak dala ng kalasingan na siniguro namin ni Rain dahil hinaluan lang naman namin ang inumin nila ng pampatulog kasama si Collins.
Kabado ako habang papasok ng silid nito at kita si Cloud na nahihimbing na nga sa gitna ng kama. Awang ang mga labi na maingat ang mga yabag kong nilapitan ito. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa gagawin ko pero kung ito lang ang paraan para madali ko siyang makukuha? Gagawin ko.
Maingat akong sumampa ng kama. Naupo sa tabi nito at pikitmata na isa-isang hinubad ang polo, short, boxer at brief nito. Panay ang lunok ko na kita sa gilid ng aking mga mata ang kanyang kargada. Kahit nakatulog iyon ay hindi maipagkakailang may kalakihan ang size ni Cloudy!
Sunod akong naghubad. Walang itinira maski isang saplot sa katawan. Nanginginig kaagad ang katawan ko dala ng tensyon sa ginagawa ko pero kailangan ko ng manindigan. Baka kung sasayangin ko pa ang chance na ito? Mawawalan na ako ng pagkakataon na mapasaakin si Cloud habang buhay.
"I'm sorry if I have to do this kind of bullshit, Cloud," piping usal ko na pikit matang nahiga sa tabi nito.
Yumakap ako dito na binalot ang katawan namin ng makapal na kumot. Mahina naman itong napaungol na madama ako at napayakap pa sa akin. Bagay na ikinangiti ko. Napatitig ako sa maamo niyang mukha.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko kahit anong saway ko ay heto at panay ang halik sa buong mukha nito lalo na sa nakaawang niyang mga labi! Napapasinghap ako na maingat sinisipsip ng salitan ang mga labi nito habang mariing nakapikit! Damang-dama ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero ito ang unang beses kong malayang nayayakap, nahahaplos, natititigan at nahahalikan si Cloudy. Kaya sinusulit ko na.
"Uhmmm," mahina itong napaungol na ikinatigil ko.
Napapisil ito sa aking baywang na ikinalunok ko. Dahan-dahan akong nagmulat at nagtama ang mga mata namin. Pero dahil lasing ito at may nainom na pampatulog na gamot ay dahan-dahan ding napapikit ang mapupungay niyang mga matang ikinahinga ko ng maluwag.
Lihim akong napangiti na muling hinahalik-halikan ito sa buong mukha lalong-lalo na sa kanyang mga labi. Ni hindi ito makatugon dala ng alak at gamot na nainom nito.
Para akong maiihi sa sobrang kaba ko pero nilalabanan ko lang at patuloy sa paghalik sa kanya. Maging sa leeg, panga at dibdib nito ay pinaghahalikan ko at sinasadyang iniwanan ng pulang marka ang balat nito.
Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Ibang-iba ang itsura kapag gising siya kumpara ngayon na nahihimbing na. Napangiti ako na marahang hinaplos ito sa pisngi. Pinagsawa ang mga mata na malaya ko siyang natititigan ng gan'to kalapit.
"I'm sorry, Cloud. I'm sorry kung kailangan ko itong gawin para mapasa akin ka. Pangako. . . hindi naman kita sasaktan at pababayaan sa piling ko. Sisiguraduhin kong. . . matututunan mo rin akong mahalin, Cloudy. Mahal na mahal kita," bulong ko na muling siniil ito sa mga labi.
May ngiti sa mga labi na umayos na ako ng higa sa tabi nito. Marahan ko itong hinila patagilid sa akin at iniunat ang braso nito. Kinumutan ko ang sarili namin na umunan na sa kanyang braso.
Nagsumiksik ako sa mainit niyang bisig at nagpatangay na rin sa antok. Bahala na bukas. Sana lang maging successful ang nabubuo kong plano para makuha ko ito.
NAALIMPUNGATAN ako na mag-isa na lamang ng silid! Napasapo ako sa ulo na hindi ko na namalayan ang paglabas ni Cloudy! Nanghihinayang akong iiling-iling na bumangon at naligo na lamang para ibsan ang hangover ko.
Pero laking gulat ko na kinabukasan ay dumalaw si Cloudy dito sa mansion at ako ang sadya. Dahil kilala siya ng mga katulong ay hinayaan nila itong umakyat ng silid ko. Maghapon kasi akong nakahilata at nagkukulong ng silid. Mabigat ang loob ko na nasayang ang chance na meron ako para maapasa akin si Cloudy.
"A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong.
Pagkalabas ko mula banyo para umihi ay nabungaran ko itong nandidito sa aking silid. Hindi ko naman inaasahang dadalaw ito kaya heto at wala pa akong kaayos-ayos sa sarili.
Nakaupo ito sa gilid ng kama na nakamata sa akin ang mga mata nitong walang mababasang emosyon. Bahagyang salubong ang mga kilay at wala manlang kangiti-ngiti sa mga labi. Napaka-arogante niya tuloy tignan.
Lumapit ako dito kahit may ideya na ako kung bakit nandidito ito. Nangangatog pa ang mga tuhod ko dala ng kaba lalo na't kaming dalawa lang ang nandidito sa silid ko.
"Masama daw ang katawan mo kaya ka nagkukulong?" anito.
Napaka-pormal ng dating. Napatikhim ako na marahang naglakad palapit dito at naupo sa kanyang tabi.
"Yeah. Parang nanggaling ako sa matinding physical training eh. Ang bigat ng katawan ko," pananakay ko kahit ang totoo ay matamlay lang naman ako na sumablay ang unang plano ko.
Napahinga ito ng malalim na hinawakan ako sa aking kamay. Napalunok akong napatitig doon dahil parang may libo-libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy mula doon. Marahan nitong pinisil ang kamay ko na ikinaangat ko ng mukha dito.
"If I got you pregnant. I'll marry you, Charrie. Kaya hwag kang magti-take ng birth control, ha?" may halong lambing saad nito.
"G-gagawin mo? Pa-paninindigan mo ako?" nauutal kong tanong.
Pigil ang hininga ko habang hinihintay ang sagot nito. Para akong maiihi lalo na't matiim itong nakamata sa akin.
"Oo naman. Kung sakali at magbunga ang nangyari sa atin ay malugod kitang pakakasalan, Charrie. Kaya hwag kang iinom ng gamot, ha?" Sagot nito na ikinalabi ko.
Parang lulukso ang puso ko mula sa narinig dito at biglang nagkaroon ng panibagong ideya para maging akin pa rin ito! Ang plano ko lang naman ay maranasang maging boyfriend ito. Pero heto at may mas maganda pa palang bunga ang ginawa ko!
"Y-yeah. . . i-ikaw ang bahala," nauutal kong pagsang-ayon.
Tipid itong ngumiti na hinaplos ako sa ulo. Matiim na nakatitig sa akin na hindi ko naman mabasa ang tumatakbo sa kanyang utak.
"Get rest. Aalis na ako. Dumaan lang naman ako para paalalahanan ka," pamamaalam nito.
Pero napahigpit ang hawak ko sa kamay nitong ikinalingon nito doon. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito na bakas ang katanungan sa kanyang mga mata.
Napapalunok ito na palipat-lipat ng tingin sa aming kamay na magkahawak at sa aking mga mata. Ngumiti ako na marahang napisil ang palad nito.
"Dito ka na muna. Kararating mo pa nga lang eh, please?" paglalambing ko dito.
Napasulyap ito sa kanyang wristwatch na napabuntong hininga ng malalim. Kitang pagod na rin naman ito sa trabaho.
"Okay. Is one hour is enough?" tanong nito na kaagad kong ikinatango-tango.
"Yes, of course!"
"Tss."
Napalapat ako ng labi habang nakasiksik sa malapad niyang dibdib. Mabuti na lang at sinasabayan ako nito ngayon. Mukhang napaniwala ko talaga siyang may namagitan sa amin kagabi. Bagay na lihim kong ikinadidiwang sa isip-isip.
Dinig na dinig ko ang bawat paglunok nito lalo na ang kabog ng kanyang dibdib. Ang sarap sa pakiramdam na ngayo'y nakakulong ako sa bisig ng mahal ko. Pakiramdam ko ay nananaginip ako ng gising sa mga sandaling ito.
Walang kapantay na saya ang nadarama ko na sa wakas ay unti-unti na rin akong napapalapit sa aking minamahal. Sa piling ni Cloud.
LUMIPAS ang tatlong linggo at bumili na ako ng mga pregnancy test kung saan dinaya ko nga ang resulta no'n. Bakas kay Cloudy ang saya na napangiti pa ito ng malapad na makita ang nasa limang pregnancy test result na dala ko kung saan positive ang resulta!
"Thank you, Charrie! You have no idea how happy I am right now knowing that. . . that I got you pregnant!" maluha-luhang bulalas nito na bakas sa tono ang saya.
Napangiti akong niyakap ito na natigilan. Pero saglit lang ay yumakap din ito na hinagod-hagod ako sa likuran ko. Mapait akong napangiti na tumulo ang luha. Kinakain ng konsensya dahil sa pagsisinungaling ko ay napaasa ko ito.
"I'm sorry, Cloud. I'm sorry," piping usal ko habang nakayakap dito.
"Shh. . . hwag ka ng umiyak, hmm? Paninindigan naman kita. Kayo ni baby," malambing saad nito na pinahid ang luha ko bago mariing hinagkan ako sa noo.
At dahil sa pagpapanggap kong buntis ako? Nakuha ko ang lalakeng pinakamamahal ko.
END OF FLASHBACK:
MAPAIT akong napangiti na nagpahid ng luha. Makailang beses na napabuga ng hangin. Ngayon na kasi ang balik ko ng syudad at maglalakas loob na sa unit ni Cloudy ako tutuloy. Sana lang ay hindi ako nito palayasin at hiwalayan!
Alam kong mali ang paraan ko para makuha siya pero. . . buong-buo naman ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit na sabihin ng lahat na naging asawa ko ito dahil pinikot ko.