CHARRIE: HINIHINGAL kaming napabitaw sa isa't-isa sa matagal tagal naming halikan. Napahigpit din ang kapit nito sa damit ko na nanatiling nakapikit. "C-Cloud," hinihingal kong sambit. Napayuko ito na sumubsob sa aking dibdib. Napalapat ako ng labi na pilit nagpapakatatag. Pakiramdam ko kasi ay bibigay na naman ang puso ko at gustong kumbinsiin itong magkabalikan na lang kami. "Take care yourself, Charrie. Again. Thank you. Thank you for loving me," saad nito na kumalas na. Nagpahid ako ng luha na tumango-tango at dahan-dahang bumitaw na rin dito na nakatungo. "You too, Cloud. Please, be happy. Dahil kapag masaya ka na ay magiging masaya na rin ako," nakangiting sagot ko habang nakatunghay ditong nakayuko. "Oo naman. Masaya ako. Hwag mo na akong. . . alalahanin pa," sagot nito n