CLOUD: PAGDATING namin ng hospital ay nagpaiwan na ako sa sasakyan dito sa parking lot. Hindi ko lang masabi sa kanila pero sobrang sakit na ng ulo ko na parang puputukan na ako ng ugat sa utak. Mahigpit kong hawak ang kamay ni Charrie. Na parang ayoko ng bitawan ito. Pero dahil kailanangan na niyang masuri sa loob ay wala akong ibang pamimilian kundi ang dahan-dahang binitawan ang kanyang kamay. Iniisip ko na lamang ang maamo niyang mukha na palaging nakangiti sa akin habang palayo na siya nang palayo sa gawi ko. Napayuko ako na hinayaang umagos ang masaganang luha ko. Ayokong maging pabigat sa kanila. Isa nga akong mahusay na doctor pero. . . sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na naman maisasalba ang buhay ng mag-ina ko katulad noong una. Mas lalo na ngayon dahil kahit nga ang sar