CLOUD: KABADO ako habang hinihintay namin na ilabas nila si Charrie sa loob ng delivery room. Ang sabi naman ng nurse na naka-assist sa ob gyn doctor na umasikaso sa asawa ko ay ligtas nilang nailabas ang bata. Hindi ko tuloy malaman kung anong gagawin, kung anong dapat kong maramdaman. Nandidito na sila. Makikita, makakausap at madadama. Parang lulukso ang puso ko palabas ng ribcage nito sa halo-halong emosyong nadarama ko. "Kumusta ka na, Cloud?" napaangat ako ng mukha na may tumabi sa aking lalake. Nakangiti ito na kumikislap ang mga kulay abo at singkit niyang mata. Naipilig ko ang ulo na inaalala kung sino nga ba ito? Natawa naman ito na naglahad ng kamay. Naguguluhan man ay tinanggap ko pa rin ang kamay nito. "Collins. Asawa ko si Rain, ang nakababatang kapatid mo," anito. Natat
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books