Red's POV,
"Alam mo Red, mukhang anghel ka pero nasa loob ang kulo." Umirap ako ng marinig ang sinabi ni Helix. Nandito ako sa Slyde's umiinom ng kape. Alam ko, may tinatago din akung kahayupan.
"Ang ingay mo." Saad ko at dumapa sa mesa. Ng magkita kasi kami ni Blue kahapon may kasama siyang babae na malantod. Kilala ko ang babaeng iyon, secretary niya ang malandi na iyon! Fake naman ang boobs! Ramdam ko ang pag-alis ni Helix sa tabi ko.
Kaya ayon! Iniwan ko siya, sumama ako kina Comp pauwi dito sa TDR. Pero ang sabi niya puntahan ko daw siya sa kompanya niya. Utot niya! Para ano? Makita kung paano siya lumandi. Damn! Pasakit ka talaga Blue Saavedra!
"Ano? Ikaw naba ang susunod kay Velvet?" Nilingon ko si Kate na umupo sa harapan ko. Umirap ako, may pasa pa ang gilid ng labi nito. Nakipagsuntukan ito siguro.
"Hindi, ikaw na ang susunod." Sagot ko sa kanya, napangiwi ito at umiling.
"Hindi mangyayari. Walang progress ang panglalandi ko kay Slyde." Sagot nito, napatawa ako. Matigas din si Kuya Slyde eh.
"Tiwala lang." Sagot ko, inirapan ako ni Kate at tumayo. Nagligpit ito ng mga plato sa mesa. Ang saklap naman! Nagpapakatanga ako sa lalaking mahal ko na hindi ako kayang mahalin.
Binuklat ko ang cellphone ko at binasa ang text ni Blue kaninang umaga.
'In my office Red, I will wait you here.'
Damn you Blue! Mas lalong napadapa ako sa mesa. Naman oh! Bumangon ako at mabilis na inubos ang kape ko.
Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot ito papunta sa kompanya niya. Ng makarating ako kaagad akung bumaba at inayos ang suot kung short at shirt, naka slippers pa ako. Damn!
Sumakay ako ng elevator at nagpahatid sa top floor. Opisina lang ni Blue ang buong floor na iyon. Blue own a lot of restaurant in the whole world.
Ng makarating ako kaagad bumukas ang elevator. Pero nagulat ako ng nakasalubong ko ang secretary niya. Tiningnan ko siya pataas at pababa. Tangina! Retokada.
Tinaasan ko siya ng kilay. Kaya tiningnan niya ako ng masama. Magkasing taas lang kaming dalawa.
"Tapos na kayo ni Blue? Nakakahiya naman sa trabaho mo." I said with my sarcasm voice. Hindi ako tanga para hindi malaman na kinakama ni Blue ang babaeng ito.
"Ano! Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan!" Sigaw niya sa mukha ko. "Akala mo kung sinong mabait, sa loob din pala ang kati. Alam naman natin na isa karin sa babae niya, mas malala kapa nga. Pati kaibigan niya tinitira mo." Nakangising saad nito. Oo, mabait ako kapag kaharap ko si Blue pero alam niya ang ugali ko.
Tinulak ko ang noo niya gamit ang daliri ko. "Yes, I'm angel outside but a demon inside. But, I'm not like you I did not use my body to earn money, I have a lot of that. And last, I'm not one of the girls of Blue, I'm more special bitch." Nakangising saad ko sa kanya. Matagal na ako namumuro sa babaeng ito. Matagal na!
Akmang sasampalin niya ako pero malakas ko siyang sinipa sa tagiliran. Napahiyaw ito sa sakit at napasalampak sa semento. Linapitan ko siya at hinawakan ang panga nito.
"Sa oras na pinakealaman mo ulit ang buhay ko, mapapatay kita na babae ka. Akala mo hindi ko alam na sinadya mung butasin ang gulong ng kotse ko! Mas mahal payon sa buhay mo! Tigilan mo ako kung ayaw mung tigbasin ko ang ulo mo at ipahawak sayo! Tangina ka!" Bulyaw ko sa kanya at marahas na binitiwan ang panga nito. Masakit na tingin ang pinukol niya sa akin.
"Huh! Iiwan karin ni Blue kapag nalaman niya ang ugali mo! Mas mabuti na ako na alam niya ang ugali ko una palang!" Sigaw nito, napatawa ako ng pagak. Ano ba ang ugali niya? Ang pagka basagulera niya at pagka malandi. Damn!
Mas malala ang ugali ko sa kanya na alam ni Blue. Tangina niya! Malakas ko siyang sinipa.
"You don't fuckin know me! Tigilan mo ako, at baka pagsisihan muna nakilala mo ako!" Sigaw ko sa mukha niya at hinablot ang buhok nito at binalibag sa semento.
Serve you! Stupid! Napahiyaw siya sa sakit at minumura ako. Nagkibit balikat ako at iniwan siya. Bago ako pumasok sa office ni Blue tinaas ko ang daliri ko sa kanya, signing f**k you!
Ngumisi ako bago sinarado ang pinto ni Blue. Hindi na kailangan kumatok, naka register ang kamay ko sa pinto niya. Sa oras na hawakan ko ang door knob bubukas ito. See?
"Blue!" Malakas na tawag ko sa kanya. Wala siya sa table niya, nasaan ang malandi na iyon.
"Blue!" Sigaw ko ulit, this time napakunot na ang kilay ko. Nasaan ang lalaking iyon.
"Nasa bathroom ako baby! Hintayin mo lang ako!" Sigaw niya, kaya pala. Umupo ako sa swivel chair niya habang kinakalikot ang cellphone nito.
Napangiti ako ng makita na ako ang wallpaper niya. Nakangiti ako habang may suot na sumbrero.
Red! Huwag umasa! Huwag umasa! Ikaw lang ang masasaktan.
Tiningnan ko ang gallery niya, walang laman, mga litrato lang ng papeles niya at ng mga kaibigan nito at picture ko. Damn! Kinikilig ako.
"Cellphone ko na naman ang hawak mo. Kanina pa kita hinihintay, ang tagal mo." Sita niya sa akin, nilingon ko siya na sana hindi ko ginawa.
He's fuckin topless! Mabilis kung inikot ang swivel chair at pumikit! Damn!
"Bakit ka tumalikod? Libre humarap, walang bayad." Natatawang saad nito.
"Damn you Blue! Magbihis ka nga! Kahit kailan talaga ang landi mo! Kita mo pati secretary mo hindi mo pinalampas!" Sigaw ko habang nakatalikod sa kanya.
"Grabi ka naman baby, kasalanan ko ba na gwapo ako. At hindi ko kinama ang secretary ko. Work is work." Sagot nito, umirap ako.
"Tigilan mo ako Blue." Saad ko nalang at tiningnan ang buong city. Glass ang nasa likurang parte ng office ni Blue kaya kita ang buong city.
"I think Comp like you, iba makatingin sayo eh." Mabilis akung napatayo at nilingon si Blue. Tiningnan ko siya ng masama, that time naka maong jeans na ito. Pero walang damit sa itaas.
"Ano! Malala kana Blue, kaibigan ko si Comp." Sagot ko sa kanya, umiling ito at napasimangot.
"Siya na ang mahal mo, hindi na ako?" Nakangangang tiningnan ko siya.
"Damn! Ikaw ang mahal ko Blue!" Sigaw ko sa kanya, biglang ngumiti at nauwi sa tawa.
Napahawak ako sa bibig ko. Putanginang bunganga to! Kaagad akung namula dahil sa hiya. Sumigaw pa talaga ako!
"Sige tumawa kapa! Sumakit sana tiyan mo!" Singhal ko sa kanya at binato ng ballpen pero sinalo niya lang ito.
Tiningnan niya ako habang nagpipigil ng tawa. Hawak-hawak pa talaga niya ang tiyan niya. Damn!
"Sige tumawa kapa! Gago ka talaga Blue!" Bulyaw ko sa kanya, lumapit ito sa akin at mabilis akung hinila at hinapit sa beywang.
"Mahal mo naman ang gagong ito Red." Nakangising saad nito at hinalikan ang noo ko. Mahina kung kinurot ang tagiliran niya.
"Ganon, kaya malaki ang tiwala na asarin ako." May diing saad ko sa kanya. Nagkibit balikat lang ito at hinalikan ang ilong ko.
"Pero totoo, kakaiba ang tingin sayo ni Comp." Napairap ako sa sinabi niya.
"Tigilan mo ako Blue, kung ano-ano na ang pumasok sa utak mo." Saad ko, tiningnan ako ng seryoso ni Blue.
"I miss you baby." Kumabog ng malakas ang puso ko sa sinabi niya. Ilang beses pa akung napakisap mata.
"Oh? Huwag umasa baby, makakasama sayo." Walang alinlangan na sinipa ko siya. Napahiyaw siya sa akin. Kita muna! Kita muna! Hayop talaga ang lalaking ito! Pa fall!
"Blue Saavedra!" Malakas kung sigaw, umupo ako sa upuan niya at tiningnan siya ng masama.
"Damn! Hindi ako magkaka-anak sa ginawa mo Red! Paano ang lahi ko nito!" Hinanaing niya habang hawak-hawak ang gitna niya na sinipa ko. Iniwas ko nalang ang mata ko.
Damn! Sabihan ba naman ako ng ganon. Baliw talaga.
"f**k! Mukhang nabasag talaga." Daing ito nito at gumapang papunta sa akin, ng marating niya ang binti ko kaagad itong sumandal sa binti ko. Habang hawak-hawak parin ang gitna niya.
"Tayo nga Blue." Saad ko pero hindi manlang gumalaw. Napabuntong hininga ako at kinuha ang damit niya sa mesa. "Itaas mo ang kamay mo, malamig baka sipunin ka." Tiningnan niya ako at ngumuso, pero itinaas din ang kamay.
Sinuot niya ang damit niya at ginawang unan ang hita ko. Naman! Nakaupo ako tapos siya nakahiga sa hita ko.
"Inaantok ako. Pahiga muna." Saad nito, binuhat ko ang ulo niya at tumayo. Tiningnan niya ako ng masama. "Ang damot mo baby." Wika nito. Tinuro ko ang sofa.
"Doon ka mahiga." Saad ko, mabilis itong tumayo at naupo sa sofa tapos tiningnan ako.
"Upon ka dito." Nakangiting saad nito, ginawa pa akung unan! Kinuha ko ang cellphone niya at naupo sa sofa. Kaagad naman nitong ginawang unan ang hita ko. Yumakap pa talaga sa beywang ko.
Hinaplos ko ang ulo nito. Hindi ko magawang huwag umasa Blue, pinapaasa mo kasi ako. Damn!