Chapter 4

1401 Words
Red's  POV,  Kaagad kung nabitiwan ang baril ko ng may yumakap sa akin mula sa likuran. Ng lingunin ko ito bumungad sa akin si Blue. Ito na naman ang puso ko,  kumakabog ng malakas. Huwag sabing aasa eh. "Oh? Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya at pinulot ang baril ko. Nasa firing site ako, at bakit siya nandito. "Wala lang, na bored ako sa opisina. Tinawagan ko si Slyde ang sabi niya dito ka daw kaya pumunta nalang ako dito." Saad nito at itinukod ng chin niya sa balikat ko. "Pumunta ka dito para manglandi kamo. Nako Blue, huwag sa harapan ko. Kahit na mahal kita babarelin kita." Saad ko sa kanya at kinasa ang barel ko. "Ikaw lang naman ang lalandiin ko dito na hindi aasa." Siniko ko nga, kita muna. Hinayupak na lalaki. "Ewan ko sayo, bitaw muna." Saad ko habang isa-isang pinapatumba ang target. "Ang galing ng baby ko, sharp shooter. Alam mo ako sharp shooter rin." Walang alinlangan na sinapok ko siya. Binaba ko ang baril at humarap sa kanya at piningot ang ilong niya. "Ang maniac mo talaga Blue!" Sigaw ko sa kanya bago binitiwan ang ilong niya. "Maniac nakahubad baby." Nakangusong depensa niya pa. "Minsan naka suit Blue." Supalpal ko sa kanya, mas tumulis ang labi nito. And I admit it, he's cute. "Damn! Maniac pala ako. Pero totoo sharp shoo--baby naman joke lang!" Hindi ko siya pinatapos at kinurot ang tagiliran niya. Maniac eh. "Pagdating sa kamanyakan magaling ka talaga eh no. Lakad na nga, at nagugutom na ako." Bulyaw ko sa kanya, mabilis itong umakbay sa akin at hinalikan pa ang ulo ko. Tangina ka talaga Blue! "Sa Slyde's tayo kumain." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Habang naglalakad kami panay ang kalikot nito sa dulo ng damit ko. Kaya napapatingin sa amin ang ibang agents. Secret daw,  tapos nakaakbay sa akin. Notice ko, kapag nandito lang si Sky hindi lumalapit ang buknol na ito. Pero kapag wala, bahala na kung sino ang makakakita sa amin. "Nga pala, mawawala ako ng ilang araw." Tiningnan ko si Blue ng sabihin niya ito. Binalik ko ang tingin ko sa daan. "Ah ganon ba, mag-iingat ka. Kailan ang balik mo?" Tanong ko sa kanya, wala eh. Hindi ko mapigilan ang bunganga ko. "Five days akung mawawala. Huwag kang mangabit dito baby habang wala ako." Marahas ko siyang tiningnan at tinusok ang ilong niya. Tumayo pa ako sa harapan niya. "Hoy Saavedra! Ikaw ang babaero sa ating dalawa! At maghahanap ako ng lalaki kung gusto ko!" Sigaw ko sa kanya, kaagad nalukot ang mukha nito. "Hindi muna ako mahal na maghahanap ka ng ibang lalaki?" Nakabusangot na saad nito. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Sarap landiin ni Blue, pumapatol eh. Kaya madaming babae niya eh. "Alam mo Blue, ang landi mo. Hindi ka mauto." Saad ko at bumitaw sa kanya. "Nga pala,  nandito si Sky magkasama sila ni White kanina, hindi ko alam kung saan nanggaling." Saad ko, biglang tumuwid ng tayo si Blue. Ay, nagulat. "Saan sila?" Tanong nito, kumunot ang noo ko. "Nasa villa ni White. Halika na, uulan na oh." Saad ko at hinila siya, pero tumigil ito at tumingin sa kalangitan. Bigla siyang tumingin sa akin at basta nalang akung hinila palapit sa kanya at niyakap. "Blue?  Uulan na oh.  Mababasa tayo." Siya ko sa kanya pero mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Hindi nga nagtagal bumagsak na ang ulan. Napatili ako pero hindi naman ako makaalis sa yakap niya. Naman oh! "Blue! Ano ba! Basa na tayo oh! Mamaya kana manglandi!" Sigaw ko,  bumitaw ito sa yakap at tumawa. "Maligo nalang tayo!" Saad nito, napailing nalang ako. Napasigaw ako ng bigla niya akung niyakap at binuhat tapos inikot-ikot. "Wahhh! Blue!" Sigaw ko habang nakayakap sa kanya at patuloy parin sa pag-ikot. Binaba niya ako at idinikit ang kanyang noo sa noo ko. Sinapo niya ang pisngi ko at dahan-dahan na bumaba ang labi niya sa labi ko. Ng dumampi ang labi niya sa labi ko, kaagad ko itong tinugon. Bumaba ang kamay niya sa beywang ko at nilapit pa ang katawan ko sa kanya. Mabilis kung niyakap ang kamay ko sa leeg niya. Sa bawat haplos ng labi ng Blue alam ko na mas nadadagdagan ang sakit ng nararamdaman ko sa kanya. Hinahayaan ko ang sarili ko na mapalapit sa kanya kahit na alam kung wala kaming patutunguhan. Bumitaw siya sa halik namin at tiningnan ako sa mata. Basang-basa na kami ng ulan. Gusto kung maiyak sa paraan ng pagtitig niya. Alam ko na dapat hindi ako umasa pero, tangina! Alam ko sa sarili ko na umaasa ako na mahalin ako ni Blue. Umaasa ako na hindi niya ako laruan. Hindi ako ang babae na para sa kanya. "Umasa kaba Red?" Tanong nito sa akin habang nakalapit parin ang mukha. Itinaas ko ang kamay ko at sinapo ang pisngi niya. "May dapat ba akung asahan Blue?" Saad ko sa kanya, kahit na alam ko ang sagot niya tinanong ko parin. Nakita ko ang paglunok nito at bumuntong hininga. "Wala Red. Wala lang aasahan sa akin, masasaktan ka lang." Wika nito, mapait akung ngumiti sa kanya kahit na tumulo ang luha ko hindi ko pinunasan,  hindi naman makikita kasi umuulan. "Ganon naman pala,  don't worry hindi ako umaasa. Alam ko kung saan ako lulugar." Sagot ko sa kanya, hinalikan nito ang ilong ko at hinawakan ang kamay ko. "Good, umalis na tayo. Napagkakamalan na baliw na tayo." Saad nito at hinila ako, kahit na kumikirot ang puso ko sumunod ako sa kanya. Naghabulan kami sa ulan habang pabalik sa villa ko. "Blue! Isa!" Sigaw ko sa kanya ng sipain niya ang tubig at tumalsik sa katawan ko. Napanganga ako habang nakatingin sa kanya na tumatawa. Natulos ako sa kinatatayuan ko, nakakatulala ang tawa niya. Masaya na ako na napapatawa ko siya ng ganito. "Ang sama mo!" Sigaw ko sa kanya pero nakangiti ako, nilingon niya ako at matamis na ngumiti. "Mabait ako sayo baby, mahal mo kaya ako." Saad nito, walang alinlangan na sinipa ko ang tubig kaya tumalsik ito sa kanya. "Hangin mo! Akala mo magpapa-bully ako sayo!" Natatawang saad ko sa kanya at mabilis na tumakbo at dinamba siya. Niyakap niya ako pero natumba kaming dalawa. Ng lumanding kami sa lupa piningot niya ang ilong ko. "Paano kung hindi kita nasalo, nahulog ka sana." Saad nito at dinutdot ang ilong ko at tumayo. Pero ako pinilig ko ang ulo ko. Huwag mung bigyan ng ibig-sabihin ang sinabi niya Red. Sabing huwag umasa Red. Nako naman! Damn! Damn! "Pasok na tayo sa bahay, marami na akung putik!" Bulyaw ko sa kanya pero inirapan lang ako at nauna ng maglakad. Hindi lang malandi, may sira din ang ulo. PINUNASAN ko ang basang buhok ko habang pababa ako ng hagdan. Nakatingin ako sa labas hindi pa tumitigil ang ulan. Si Blue nasa baba, may damit dito ang malandi na iyon. Binili niya at dito iniwan sa villa ko. For emergency daw. At nasa baba siya, kumakain ng soap na pinainit ko sa kanya. Kanina ko lang ginawa ang soap na iyon. "Blue!" Malakas kung sigaw habang papunta ako sa kusena. Ano na naman ang ginagawa niya. "Baby!" Sigaw nito kaya mabilis akung pumunta sa kusena, naabutan ko siya na hawak-hawak ang kamay niya. Binaba ko ang tuwalya ko at nilapitan siya. "Bakit mo hawak-hawak ang kamay mo?" Tanong ko sa kanya, ngumuso lang ito. "Nahiwa ko ang kamay ko." Sagot nito sa akin. Napailing nalang ako, kinuha ko ang ban aid sa cabinet at nilagyan ang sugat niya. "Naghihiwa kasi ako ng meat para lutuin, kaya ayan." Tinaasan ko siya ng kilay at dinuro. "Blue, may-ari ka ng restaurant tapos hindi ka marunong humiwa ng baboy. Ikaw na talaga." Saad ko sa kanya at inirapan. Pero hinila lang ako ay niyakap. "Baby, malamig. Dito nalang ako matulog." Paglalambing nito, kinurot ko ang tagiliran niya. Kaya napabitaw siya sa akin. "Kumain kana, at mag-gagabi na." Sita ko sa kanya, padabog itong tumayo at kinuha ang bowl niya na may laman na soap. Kaagad niya itong binigay sa akin. "Subuan mo ako, masakit ang kamay ko." Tiningnan ko siya ng masama pero ang malandi ngumisi lang at kinindatan ako. Tangina ka talaga Blue! "Arte nito! Mamaya pupunta dito si White at Sky." Wika ko at sinubo sa kanya ang soap, pero nakita ko kung paano magbago ang timpla ng mukha ni Blue. Nilingon niya ako at ngumiti, ang bilis magbago ng mood. Nag-away ba sila ni Sky?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD