Red's POV, Habang binabalatan ko ang mansanas naka tanaw lang sa akin si Blue. Kumakain na siya kahit hindi ko sinasabihan. Dito na ako natutulog sa hospital, talagang hindi ko siya dito iiwan. "Bakit hindi kapa umaalis?" Biglang saad nito, napatingin ako sa kanya at itinigip ang pagbalat ng mansanas. Kaagad akung ngumiti. "I love you that's why I'm here. At hindi mo ako mapapaalis dito." Sagot ko sa kanya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at itinaas ito sabay lagay sa puso niya. Nagulat ako sa ginawa niya. Tiningnan ko lang siya. "Red, bakit? Pinapaalis na kita oh." Wika nito nilagay ko sa mesa ang mansanas at mabilis na yumakap sa kanya. "Hindi ako aalis, handa akung harapin ang sakit makasama ka. Lumaban nga ako noon na hindi mo pa ako mahal, ngayon na mahal mo ako iiwan kita.