Red's POV, Pinihit ko ang door knob ng pinto ni Blue at pumasok ako. Hindi naman siya nakaalis, nahabol ito nina Bench. Mabuti nga nahabol. Damn! "Ano pa ang ginagawa mo dito." May diing pangbungad niya sa akin. Tiningnan ko lang siya, pero nakita ko kung paano lumapat ang mata niya sa mga sugat ko. "Nagkabati na kayo ni Sky? Sinabi niya sa akin na magtatago na muna sila sa Isla ni White." Tanong ko sa kanya, pumunta kasi kanina dito si Sky para humingi ng tawad sa kambal niya at magpapaalam na magtatago sila ni White. "Why do you care? Sumama ka kung gusto mo." Pambara niya sa akin at inirapan ako. Napapikit nalang ako, habaan muna ang pasensya mo Red. "Bakit ako sasama, nandito ka naman." Sagot ko sa kanya, nanlalaki ang mata na tiningnan niya ako at inirapan. Napailing nalang ako,