THIRD PERSON POV
Nang masigurong wala ng bakas ng kamunduhan sa loob ng kanyang kotse ay bumaba na si Andrea ng sasakyan at umakyat sa palapag ng building kung nasaan ang opisina ng asawa niya. Nakataas ang isang kilay ni Andrea nang batiin ang secretary ng asawa.
Andrea: Hi, Jessica. Is my husband busy at the moment?
Tumingin kay Andrea ang napaka-hot na secretary ni Rolando Montecillo, ang kanyang asawa at ama ni Doris.
Jessica: No, Mrs. Montecillo. You may go inside.
Inirapan ni Andrea ang magandang sekretarya na si Jessica. Kung tama ang pagkakaalala niya, ang anak niyang si Doris ang nagpasok sa babaeng ito sa kumpanya nila. Kaibigan ito ni Doris na hindi nakapagtapos ng kolehiyo. Ngunit sa busilak na puso ng kanyang anak ay nagkaroon ito ng posisyon sa kumpanya. Manang-mana ang kanyang anak sa ama nitong matulungin.
Ngunit hindi gusto ni Andrea si Jessica. Malandi siya kaya naaamoy niya ang mga babaeng katulad niya sa malayo pa lang. Katulad ng best friend ng anak niya na si Chloe. Sigurado siyang makating babae si Chloe at sigurado din siyang may pagnanasa ito sa kanyang manugang. At ang babaeng ito na nasa harapan niya ay walang pinagkaiba. Sa ganda at alindog nito, sigurado siyang nilalandi nito ang mister niya.
Andrea: Thanks.
Pumasok na si Andrea sa loob ng opisina ng asawa.
----------
Sa garment area ng isang kilalang mall ay namimili sina Chloe at Doris ng mga damit. Nasa fitting room si Doris habang tinutulungan ni George humanap ng tank top si Chloe kapalit ng pinunit nitong tank top ng babae.
George: 'Yan. Bagay sa iyo 'yan.
Itinuro ni George ang halos ga-brang tank top kay Chloe.
Chloe: Mahihirapan kang hubarin 'yan sa sobrang sikip.
Ngumisi si George.
George: Ayos nga 'yon. Lumalaban.
Kinurot ni George ang tagiliran ni Chloe na ikinatili niya. May lumapit sa kanilang saleslady. Maganda ang kurba ng katawan nito at halatang nagpapa-cute kay George.
Saleslady: Ma'am, ang gwapo naman po ng mister niyo.
Medyo nailang si George dahil inakala ng saleslady na mag-asawa sila ni Chloe.
Chloe: Sabi nga nila. Hindi lang gwapo, magaling pa ito sa kama.
Sabay kapit ni Chloe sa kanang braso ni George. Hinatak na niya ito palayo. Nagulat si George sa sinabi at ginawa ni Chloe.
George: Ano bang problema mo?
Chloe: Nilalayo lang kita sa tukso. Tama na 'yong ako lang. Baka hindi mo kayanin kapag marami kami? At ayoko ng may kaagaw, George. Tandaan mo 'yan.
Napansin nilang lumabas na si Doris mula sa fitting room dala ang mga napili nitong damit. Binayaran nito ang mga binili sa cashier counter at naglakad palapit sa kanila. Biglang bumitaw si Chloe sa kanang braso ni George kahit napipilitan siya rahil enjoy na enjoy siyang amuyin ang panlalaking pabango ni George.
Doris: Let's go?
Bago pa sila makaalis ay may babaeng dumating at binati si Doris. Si Alexis.
Alexis: Doris, is that you?
Nagulat naman si Doris pagkakita kay Alexis.
Doris: Alexis?
Tumawa naman si Alexis at hinawi ang buhok.
Alexis: Yes. It's me. The fabulous Alexis.
Nang biglang tumikhim si George sa tabi ni Doris. Napatingin dito si Alexis at naglaway ang babae sa nakita. Napakagwapo ng nilalang sa harapan nito. Para itong hulog ng langit para sa mga kababaihan. Masarap. Napakasarap angkinin. Mukhang may bago na naman itong laruan.
Alexis: So, who's this gorgeous man beside you?
Masama ang tingin ni Chloe kay Alexis. Naaamoy niya ito. Malandi rin ito.
Iba naman ang naging reaksiyon ni George sa nakitang bagong nilalang. Ang kanina pa nitong matigas na alaga ay lalong bumabakat sa suot nitong pantalon. Ang babaeng nasa harapan nito ay napakaganda. Matangkad. Malaporselana ang balat. Kulot-kulot ang buhok. Mahahaba ang pilik-mata. Mapupungay ang mga matang parang nag-aanyaya sa kama. Mapupula ang mga labi. Malalaki ang mga pakwan. Malalim ang pagitan ng dalawang pakwan. Makurba ang balakang. Maliit ang baywang. Mahaba ang legs. Parang isang goddess si Alexis sa paningin ni George.
Kumapit si Doris sa braso ni George. Nakaramdam ito ng insecurity.
Doris: George, this is Alexis. My friend back in High School. Alexis, my husband, George.
Nakipagkamay si George kay Alexis. Pinisil-pisil ni Alexis ang kamay ni George bago ito binitiwan. Hindi naman ito nawaglit sa paningin ni Chloe.
Alexis: Nice meeting you, George! Ang swerte mo, Doris. Ang hot at gorgeous ng asawa mo. Oops! Me and my mouth.
Nailang si Doris habang napataas naman ng kilay si Chloe. Napakamot ng batok si George pero halatang natuwa sa sinabi ni Alexis.
Doris: I-it's fine, Alexis.
Biglang inilahad ni Chloe ang kanang kamay kay Alexis.
Chloe: I'm Chloe. Doris' best friend.
Inabot ni Alexis ang nakalahad na kamay ni Chloe, pero matalas ang tinginan ng dalawa sa isa't isa. Pareho nilang naaamoy ang kalandian ng isa't isa. Ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw. At isa lang ang nais nilang manakaw. Ang asawa ni Doris.
Alexis: Hi, Chloe.
Bumitiw din agad si Alexis sa pakikipagkamay kay Chloe. Bumaling ang tingin ni Alexis kay Doris.
Alexis: So, what brings you here? Nagbabakasyon ba kayo? Kayo pa rin ba ang owner ng Montecillo House of Models?
Tumango si Doris.
Doris: Of course, Alexis. Nagbabakasyon kami ng asawa ko ngayon. Para na ring second honeymoon namin.
Napatingin si Alexis kay George nang yakapin ni Doris ang baywang ng asawa. Bakat na bakat ang muscles nito sa suot na fit T-shirt. Natutuwa si Alexis sa mga nakikita nito.
Alexis: Oh, I see. By the way, event organizer na ako ngayon. If you need my help sa mga modeling gig ng models niyo, call me.
Iniabot ni Alexis ang calling card nito kay Doris. Aabutin na sana ito ni Doris nang unahan ng asawang si George. Nabigla si Doris ngunit nakangiti naman si Alexis. Pasimpleng ngumisi naman si George.
George: We will call you.
Malagkit ang tingin ni George kay Alexis. Natutuwa naman ang babae sa nakikita sa mga mata ni George.
Ngunit hindi si Chloe. Nagseselos siya. Bigla siyang nagsalita.
Chloe: I'm one of their models.
Napataas ang kilay ni Alexis.
Alexis: Really? That's good to know.
Naiilang na si Doris sa sitwasyon kaya nag-aya na siyang umalis.
Doris: We need to go, Alexis. Nice seeing you again.
Alexis: My pleasure, Doris.
Nagsimula nang lumakad palayo si Doris kasunod si Chloe. Nang makatalikod ang misis ay pasimpleng iniabot ni George ang calling card nito kay Alexis.
George: Give me a call if you want to mix business with pleasure.
Kumagat-labi lamang si Alexis at sumunod na si George sa asawa.
Hindi alam ni George kung ano ang ginagawa nito, pero rahil kay Alexis ay parang bumabalik ito sa ugali nito noong binata pa. Playboy. Iba ang dating ng babaeng ito. Parang sumisigaw ang lahat ng parte ng katawan nito ng pakikipagtalik. At ang ulo ni George sa ibaba ay iyon ang nasa isip ng mga oras na iyon.
----------
Sa loob ng opisina ni Rolando Montecillo ay masinsinan silang nag-uusap ng kanyang asawang si Andrea Montecillo.
Andrea: Thank you, Rolando.
Rolando: It's fine, Andrea. At least you're going to have a new diversion. Medyo bored ka na sa mga routinary activities na ginagawa mo sa agency. It's time to give yourself a break.
Umismid si Andrea.
Andrea: You can give me a break, but you're always tired.
----------
Pabalik na ng Montecillo's vacation house ang mag-asawang Saavedra at si Chloe. Napatingin sa rear-view mirror ng kotse si George. Kitang-kita nito ang nakasimangot na mukha ni Chloe. Napailing na lang ito. Alam nitong nagselos si Chloe kay Alexis. Ito naman kasing alaga ni George, masyadong makulit. Umiral ang kapilyuhan kanina. Pero grabe talaga ang alindog ni Alexis. Ang alindog na babalik-balikan.
Maya-maya ay nagsalita si Doris.
Doris: Chloe, nasabi mo last time na may natitipuhan kang lalaki kaso may sabit na.
Nagningning ang mga mata ni Chloe at may naisip na kapilyahan.
----------
to be continued...