bc

My Best Friend's Gorgeous Husband

book_age18+
186
FOLLOW
2.4K
READ
drama
mystery
city
like
intro-logo
Blurb

CHLOE CLAIRE SANTIAGUEL, ang babaeng lampas-langit ang pagnanasang maangkin ang katawan ng asawa ng kanyang matalik na kaibigan.

MIGUEL GEORGE SAAVEDRA, ang lalaking mapapaligiran ng iba't ibang babaeng magkakaroon ng interes sa kanya.

Mga babaeng iba-iba ang motibo. Mga babaeng susubok ng kanyang tatag bilang isang asawa at bilang isang lalaki.

Sa huli, sino nga ba ang magwawaging maangkin hindi lamang ang katawan ni George kundi pati ang pusong hindi niya inakalang matagal na palang nangungulila?

----------

This work contains themes of cheating, domestic violence, and violent death that may be considered profane, vulgar, or offensive to some readers and/or inappropriate for children. Reader discretion is advised.

The thoughts, actions, and/or beliefs of characters in this story do not portray the thoughts, actions, and/or beliefs of the author.

This story is all fiction and in accordance with the wide imagination of the author. The names of the characters, places, and each scene, if there is any resemblance to the real events, are unintentional.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
THIRD PERSON POV Nakayakap ang batang George sa baywang ng kanyang amang si Alfredo. Pinapahinto ito sa sunud-sunod na pagsipa sa isang lalaking nakalupagi na sa sahig. George: Dad! Tama na po 'yan! Nasasaktan na po siya! Marahas na nilingon ni Alfredo ang batang si George. Alfredo: Bitiwan mo ako, George, kung ayaw mong pati ikaw ay saktan ko! Bakit ka bumaba ng van?! 'Di ba sabi ko sa 'yo ay doon ka lang?! Bumalik ka roon! Mataas ang tono ng boses ni Alfredo nang kausapin ang anak na si George. Sinipang muli ni Alfredo ang lalaking namimilipit na sa sakit ang katawan. Alfredo: Kulang pa itong kabayaran sa mga ginawa mo sa aking hayop ka! Papatayin kita! Papatayin ko kayo ng pamilya mo! Namumula sa galit ang mukha ni Alfredo habang ang lalaking nakalupagi sa sahig ay nagmamakaawang tumigil na ang ama ng batang si George sa pagsipa rito. Lalaki: Ta-tama na po, Don Alfredo. Na-nagmamakaawa po ako. Hu-huwag ang pamilya ko. Umiiyak na ang batang si George dahil sa nakikitang paghihirap ng matandang lalaki. George: Dad, tama na po! Tama na! Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ng batang si George. Alfredo: Cardo, ibalik mo sa loob ng van si George! Dalian mo! Hinatak ng tinawag na Cardo ang kanang braso ng batang si George. Napabitaw siya mula sa pagkakayakap sa baywang ng kanyang ama. Habang hinihila ni Cardo ang batang si George palabas ng maliit na bahay na iyon ay inikot ng batang lalaki ang kanyang paningin sa loob ng barung-barong na bahay. Nakita niyang umiiyak sa isang sulok ang isang ginang habang yakap-yakap ang batang babae na mukhang anak nito. Nakatingin kay George ang batang babae. Mukhang nanghihingi ito ng tulong. May kung anong humaplos sa puso ng batang si George nang makita ang nagmamakaawang mata ng batang babae. Umiiyak ito kasabay ng pagmamakaawa sa mga inosenteng mata nito. Parang gustong yakapin ng batang si George ang batang babae at sabihin ditong magiging maayos ang lahat. Hanggang sa tuluyan nang nakalabas ng maliit na bahay na iyon si Cardo kasama ang batang si George ay wala nang nagawa ang batang lalaki. Pagkarating sa loob ng van ay nanginginig sa takot ang batang si George. Ilang minuto lang ay may narinig si George na isang malakas na tunog mula sa maliit na bahay. BANG! Doon na tuluyang sumabog ang mga luha mula sa mga mata ng batang si George. ----------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Lady Boss

read
2.0K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
10.3K
bc

The Real About My Husband

read
25.0K
bc

POSSESIVE MINE

read
976.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K
bc

Wife For A Year

read
45.6K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
63.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook