CHAPTER 2

1321 Words
CHLOE's POV Napakalaki ng ngiti sa aking mga labi. Ang bait naman ng aking best friend na si Doris. Isasama pa talaga ako sa bakasyon nilang mag-asawa. Hmmm... Grabe! Makikita ko na naman si George. Ang napakagwapo at napakakisig na si George. Ang asawa ng aking matalik na kaibigan na si Doris. Napakagat-labi ako. Sa tuwing naiisip ko si George ay laging nag-iinit ang aking katawan. Matindi talaga ang tama ko sa lalaking iyon. Hay... Hindi na ako makapaghintay. I'm so excited! ---------- OMG. Ito na. Narito na ako ngayon sa vacation house ng pamilya ni Doris. Vacation house ng pamilya Montecillo. Grabe! Mabuti na lamang at hindi masyadong ma-traffic ngayon. Mabilis akong nakarating dito sa vacation house ng pamilya ng aking best friend. Bumaba na ako mula sa loob ng aking kotse dala ang aking dalawang maleta. Nang nasa harap na ako ng main entrance door ng vacation house ay sinipat ko muna ang aking sarili. Nang masigurado kong maganda na ako ay kumatok na ako sa pinto. Makalipas ang ilang sandali ay bumukas na ang pintuan at bumungad sa akin ang lalaking laman ng aking pantasya gabi-gabi. Ang lalaking nais kong makatabi sa aking kama. Ang lalaking siyang tanging makatatanggal ng uhaw sa aking katawan. Si Miguel George Saavedra. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni George. Kitang-kita ko ang kanyang pagkabigla na muling makita ako. Alam kong maraming katanungan sa kanyang isip mula noong maghiwalay kami sa reception ng kasal nila ng aking best friend. Mga tanong na unti-unting masasagot dito sa aming bakasyon. Magsisimula na ang laro ng apoy. Humanda ka, George. Hindi matatapos ang bakasyong ito nang hindi pumapasok ang malaki mong alaga sa loob ng aking masikip na yungib. Chloe: Hi, George. Iyon ang aking bati sa gwapong lalaki na nasa aking harapan. Humalik ako sa kaliwang pisngi ni George. Gosh! Bakit ba napaka-hot ng lalaking ito? Amoy pa lang ni George ay parang gusto ko na siyang hubaran. Napakagwapo ni George sa kanyang suot na black sando at jersey shorts. Kitang-kita ang kanyang muscles sa dibdib at dalawang braso. Bakat na bakat din ang kanyang abs sa fit na sandong kanyang suot. Ang hindi ko lang maaninag ay kung nakabukol ba ang kanyang alaga sa kanyang suot na maluwang na jersey shorts. Chloe: How's your life as a married man, George? Hindi mo man lang ba ako papapasukin? May halong panunukso ang tinig ng aking boses. Napakamot ng ulo si George. Medyo napahiya. George: Ah, pa-pasensya na, Chloe. Me-medyo nabigla lang ako sa pagdating mo. I-I didn't expect you this early. Anyway, nagluluto na si Doris for our lunch. Nauutal pa si George sa pagpapaliwanag sa akin. Chloe: Ang cute mo pala, George, kapag nauutal. Hmmm... Hindi mo ako in-expect, pero nagluluto na si Doris para sa lunch nating tatlo? Magdadahilan ka na lang, George, hindi pa makatotohanan. Tumawa ako. Chloe: Ang sabihin mo ay natulala ka sa aking ganda. Mas maganda at hot ako sa asawa mo, hindi ba? Nakangiti ako kay George ngunit mapanghamon ang aking mga titig. George: Ah, eh, sige, Chloe. Tatawagin ko lang si Doris. Parang natatarantang iniwan ako ni George para tawagin ang kanyang asawa na aking best friend. Napaka-hot talaga ni George. Lalo pa siyang nagiging hot sa aking paningin. Grabe! Basa na yata ang aking perlas. Lumipas ang mga sumunod na sandali sa pagkukwentuhan namin ni Doris. Nabo-bored ako sa mga kwento nito. Puro tungkol sa mga lugar kung saan sila namasyal ni George. Mga pagkaing t-in-ry nila sa iba't ibang bansa. Mga fashion style na uso sa ibang bansa. Mga bagong music at kung anu-ano pa. Nakaririndi. Bakit hindi ikwento sa akin ni Doris kung gaano kasarap humalik ang asawa nito? Kung gaano kasarap ang pinagpapawisang katawan ni George sa ibabaw nito? Kung gaano kagaling si George sa kama? Kung gaano kasarap pisilin ang lalaking-lalaking porma ng pang-upo ni George? Kung gaano kalaki ang sandata ni George? Mga simpleng bagay lang na tulad ng mga ganoon ang gusto kong marinig mula kay Doris. Hindi pa nito magawa. Argh! Napatingin ako kay George sa may kusina. Nakatalikod siya sa amin ni Doris. Inaayos ang mesa para sa aming lunch. Grabe ang umbok ng pang-upo ni George sa suot nitong jersey shorts. Lalo na kapag tumutuwad siya para ilapag sa kabilang side ng table ang mga kubyertos. Nakatatakam. Maya-maya ay nabigla ako sa tanong ng aking best friend na si Doris. Doris: Mukhang masarap, ano? Nang lingunin ko si Doris ay nakita kong itinuturo pala nito sa screen ng hawak nitong phone ang photo ng isa sa mga delicacy na sinubukan nila ni George sa kanilang honeymoon. Bumalik ang aking tingin sa maumbok at lalaking-lalaking porma na pang-upo ng asawa ng aking best friend. Chloe: Oo. Nakatatakam. Naglalaway na nga ako. Iyon ang may dobleng pakahulugan na aking tugon kay Doris. Tumawa lamang si Doris bilang sagot. Kung nakikita lamang nito kung sino ang umaagaw ng aking atensyon mula rito ay paniguradong magwawala ito. Lumipas ang ilang minuto ay nakahanda na ang mesa para sa aming lunch. Iniakyat sandali ni George ang aking dalawang maleta sa loob ng guest bedroom. Panay pa rin ang kwentuhan namin ni Doris habang kumakain. Minsan ay nakikisali sa George sa usapan. Hanggang nabanggit ni Doris ang tungkol sa swimming pool dito sa kanilang vacation house. Mahilig akong mag-swimming kaya naman tuwang-tuwa ako nang narinig iyon. Kaso kailangang mag-grocery ni Doris para sa aming mga kakailanganin habang nagbabakasyon kami rito sa kanilang vacation house. Hindi ako nito masasamahan sa paglangoy. Ngunit may naisip akong plano. Chloe: George, ikaw na lang kaya ang sumama sa aking mag-swimming. Nakaka-bored mag-isa. Gustung-gusto ko na kasing maisuot ang bago kong red bikini. Sinabi ko iyon habang nakatingin ng diretso kay George. Makaramdam ka naman, George. ---------- GEORGE's POV Namamalikmata lamang ba ako o talagang nakita ko ang parang nang-aakit na tingin ni Chloe sa akin? No. Hindi. Talagang flirty lang si Chloe. I should know by now. Sanay lang talaga si Chloe sa atensyon ng mga kalalakihan. So wala akong dapat ipangamba. At isa pa, best friend si Chloe ng aking asawang si Doris. Hindi pwedeng inaakit niya ako. Hindi ba? Kaya rapat kay Chloe ay sinasakyan. Uhm... I mean sinasakyan ang kanyang pakikipag-flirt. Pero hindi tama. Tama ba para sa isang may-asawang taong katulad ko ang makipag-flirt pa sa iba? Hmmm... Siguro nga ay hindi, pero best friend naman si Chloe ng aking asawa. Kaya naman hindi ko na napigilan ang aking sarili nang tugunin ko ang sinabi ni Chloe. George: Oo ba. Matagal-tagal na rin mula noong huli akong nakapag-swimming. Tiningnan ko ng diretso sa kanyang mga mata si Chloe. George: Gusto ko na ring maisuot iyong bago kong swimming trunks na binili ni Doris. Hindi ko inaalis ang aking tingin kay Chloe. George: Baka kasi sumikip na? Wala namang masama sa aking sinabi, hindi ba? Flirty si Chloe, eh 'di flirty din ako. Wala namang masama roon. Best friend si Chloe ng aking asawa kaya walang malisya sa aking pakikipag-flirt sa kanya. Tama ba? At wala ring mali na noong pagkasabi ko niyon ay biglang napakagat-labi si Chloe. At pagkatapos ay inilabas niya ang kanyang dila at binasa ang kanyang itaas at ibabang labi. Habang ginagawa iyon ni Chloe ay malagkit ang kanyang tingin sa akin. Malamang ay nasarapan siya sa pagkaing iniluto ni Doris na aking asawa at kanyang best friend. Hindi naman pwedeng ini-imagine ni Chloe ang mister ng kanyang best friend na nakasuot lamang ng masikip na swimming trunks, hindi ba? Hindi maaaring pagnasaan ako ni Chloe. Ako ang asawa ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi magagawa iyon ni Chloe. Oo. Flirty si Chloe. Pero hindi siya maninira ng masayang relasyon. Hindi magagawa ni Chloe na kumain ng putahe na iniluto ng kanyang best friend habang iniisip ang putahe ng mister ng kanyang matalik na kaibigan sa loob ng aking swimming trunks. Hindi malandi si Chloe. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD