“Bitawan mo ako! Sabi nang bitawan mo ako eh!” Siniko ko ang guwardyang nakakapit sa mga braso ko. Kitang-kita ko ang pagpupumiglas din ng dalawang nurse na nakasabunutan ko mula sa mga lalaking nurse na nakakapit din sa kanila. “Miss, kumalma ka lang! Nakakaistorbo na kayo sa mga pasyente rito.” Galit na turan ng guwardya sa akin. “Sinubukan kong kausapin sila nang maayos!” Linakasan ko ang pagpupumiglas mula sa guwardya at sa pagkakataong iyon ay hinayaan niya na akong makawala. “Guard, palayasin mo rito iyang eskandalosang babaeng iyan!” Utos ng isa sa mga nurse na nakaaway ko. “Oo nga! Bigla na lang nanunugod at nananakit!” Segunda ng kasama niya. Napatawa ako nang mapait sa tinuran nila lalo na nang tignan ako ng mga tao roon as if ako ang may kasalanan. “Hindi ako estupido na bi