"Doc, May naghahanap po sainyo" Sinalubong ako ng Minchi pagkalabas ko ng Operating Room.
"Sige. Pakicheck yung pasyente sa 104 kapag inilabas na sa Operating Room. I'll just clean myself." sabi ko naman sa kanya. Nag punta ako sa Room kung saan tinatapon namin ang Laboratory Gown at Facial Mask. Binati naman ako ng Janitor na naglilinis dun.
Dumeretso naman ako sa Opisina ko para linisin ang sarili ko nang nakita ko si Jake na nagbabasa ng Magazine sa Couch. Nakadekwatro pa ang kumag.
"You're here?" Aniya habang busy sa pagbabasa ng Magazine.
"Hmmm" I hummed at inalis ang sapatos ko.
"Oh. Bloody." Tumingin ito sakin. Tumingin ako sa damit ko. Ang dami pa palang Dugo. Hindi ko nalang siya pinansin at dumeretso sa Banyo.
Dahil maraming dugo yung damit ko at halos anim na oras ang itnigal ng operasyon ko kanina. Naisipan kong maligo na lang. Inopen ko ang shower at pinatulo ang tubig sa ulo ko. Parang isang operasyon palang sobrang pagod na ako
"Lumayas kayo lahat dito!! Mga palamunin!" Tumako ako at nilapitan si Mama nang makita kong itinulak siya ng Tiyo ko at nabagsak siya sa sahig. Kasama pa niyang bumagsak ang nakababata kong kapatid.
"Tama na po Tiyo!" Nilapitan ko si Mama at tinulungang tumayo. "Anak umakyat na kayo ng kapatid mo ayos lang ako." Nangingilid ang mga luha ko sa sinabi ni Mama. Hinawakan ko ang kapatid ko at umakyat kami pareho.
"Anong nangyayari sa Mama niyo?" Nasalubong namin si Papa sa hagdanan. Galit ito at mukhang nairnig ang sagutan sa baba kaya naman sigurado akong makikipag away na naman siya kina Tiya
Hindi ako sumagot at nilagpasan kami ni Papa. Dalidali kong idinala ang kapatid ko sa kwarto. Nilock ko ang pintuan at tinakpan ang tenga niya. Habang ako ay rinig na rinig ko ang sagutan sa baba.
Narinig ko rin ang pagbagsak at pagbasag ng ibang mga gamit sa baba. Ang lakas ng boses ni Papa at pinipigilan siya ng Mama ko. Dinig na dinig ko ang bawat pagiyak ni mama sa pagaawat kay Papa na nakikipag away.
Mga ilang minuto pa ay nairnig ko ang yabag nila papa at mama na paakyat rito.
"Puro ka Reklamo! Tandaan mo wala ka namang naitutulong sa pagpapalaki ng mga anak natin! Kung ayaw mo dito lumayas ka na! hindi ka namin kailangan!"
"Kung naipagpatuloy mo lang sana ang pagbabarko mo at hindi ka na nalulong sa sugal maayos pa sana ang buhay natin ngayon!"
"Sinisi mo pa ako ngayon!" Narinig ko ang pag pagbagsak ng mga ilang gamit namin kaya napilitan akong lumabas
"Mama Papa Tama na! "
"Rian!" Nagulat ako bigla nang kumatok si Jake sa pintuan
"Bakit?"
"May naghahanap sayo!"
"Teka lalabas na ako!"
Kahit ilang taon na nag nakalipas at nakatakas ako sa buhay kong iyon. My past is always hauntin me. Like I never forget about it. Masakit pero pikit mata akong nagpapatuloy sa buhay ko. Kailangan kong baliwalahin ang lahat ng iyon para mabuhay ako sa kasalukuyan.
Nang makapag bihis ako ay lumabas ako. Nadatnan ko si Mrs. Andres kasama ang anak nito. Pasyente ko ang anak nito at halos buwan buwan at naihohospital ang anak niya
"Kumusta Claire? Sinumpong ka na naman ba ng Asthma mo? "Pinisil ko ang pisngi nito. Nakamask ito at kung titignan mo ang bibigat ng paghinga niya
"Opo Doc. Naku hindi ko na nga po alam ang gagawin ko." Nagaalalang sabi ni Mrs. Andres. Umupo ako sa swivel chair at kinuha ang Record ni Claire. Buwan buwan siyang present dito. Ang bata bata pa pero naiimune na masyado sa gamot
"Kumain ka ba ng sweets o nagpatuyo ka ng pawis? O may nakain ka?"
"Nasobrahan po yata doc at saka mahilig siyang mag laro."
"Okay ganito. Bibigyan kita ng Gamot for now. Tapos Misis Magparegister po kayo sa Baba. Palaboratory natin siya at Pa-Xray. Jan ka sa baba para libre ang laboratory at Xray. Mahal kapag sa Private ito pakita mo itong Membership niyo then ito Official Receipt mo sakin para alam nilang ako ang Doctor mo. After niyan babasahin natin ang Xray mo. Para bibigyan kita ng Maintenance. Para hindi ka hospital ng hospital masyado ka pang bata." Sabi ko kay Claire ngumiti naman it sabay tango sa akin. Pumapayat na kasi masyado ang bata. Nagiging sakitin na siya.
"Sige po Doc. Maraming Salamat po."
"Okay Po Misis."
Nang makaalis sila ay nakita ko si Jake na nagtungo sa Upuan sa Harapan ng Table ko kung saan ko inaccomodate ang mga pasyente ko.
"Ako rin po Doc May sakit" Sabi nito na napasapo sa dibdib na parang may sakit sa puso
"Sa iba ka hindi lang ako ang Doctor dito." Walan ganang sagot ko sa kanya. Tumigil naman ito sa pag aarte at tumingin sa akin
"Samahan mo ako."
"Saan naman? May ginagawa ako."
"Wala. Off muna nakita ko ang schedule mo" Napatingin ako sa kanya. Nang mag tama ang tingin namin ay kumindat pa ito sa akin. Tumayo ako at nagtungo sa mga Shelf kung nasaan ang Records ng mga pasyente ko
"Busy ako."
"MagpaapXray rin sana ako. " Napatigil ako at tumingin ako sa kanya. Hindi ko malaman kung totoo ang sinasabi niya o nagbibiro siya dahil nakatalikod naman ito sa akin
"Bakit ka magpapaxray? Trip mo lang?"
Tumayo ito at bigla siyang nagsimulang inalis ang pagkakabutones nang polo niya kaya maigi kong iniba ang tingin ko. Para akong nakaramdam ng init sa Opisina ko kahit ang lakas lakas naman ng Aircon at parang nanlamig naman ang mga kamay ko
"Look at me." seryosong sabi nito. Tinignan ko siya at nagulat ako nang may makita akon Bandage sa dibdib nito.
"Napano ka?" Inilapag ko ang Folders na hawak ko nilapitan ko siya
"We went Undercover awhile ago." Sinubukan kong hawakan ang bandage nakita ko pang may dugo sa loob
"Nasisiraan ka na ba? Nagdudugo pa. Hindi pa nalilinisan. Bakit hindi mo pinagamot sa Agency nyo kaagad? May Clinic kayo dun"
Kumuha ako ng mga Disinfectants sa Drower at gamot para sa sugat niya. Kung ganun ay kanina pa siya nagdudugo? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Inuna ko pa ang pagligo ko
"Alisin mo yang damit mo." utos ko sa kanya. Kumuha ako ng Basin na may tubig at pamunas. Umupo ako sa harapan niya at maingat kong inalis ang b*****e.
"Tsk!" Hindi man lang ito na first aid'n. Hindi ko alam kung nagiisip minsan si Jake o sadyang may pagkatanga siya minsan. Nilinisan ko ang sugat niya at pinatigil ang pagdudugo. Hindi naman gaano malalim ang sugat at parang daplis lang ng matalim na bagay.
"Do you always heal wounds."
"I don't heal them. I treat them." Kinuha ko ang bobcock na may betadine at dinampi sa sugat niya nang madisinfect ko ito
"Pareho lang yun." sabi naman niya.
"Ikaw sanay ka bang masugatan? Ng ganito?" I stared at him. Kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Pero masyado akong nakafocus ta dibdib nito kaya ngayon ko lang napansin
"I've been to worst." Nagkatinginan kami. Parang pakiramdam ko kahit hindi ko marinig ang boses niya ay nararamdaman kong may lungkot ito sa boses niya sa pamamagitan ng mga mata nito. Maigi akong nag alis ng titig at iniwasan mapadala sa emosyong nararamdaman ko
Tumayo ako at tinalikuran siya dala ang basin pero na patigil ako.
Huminga ako ng malalim "Look Jake, I don't really know what happened to you all those years. and honestly. I don't know what are we." Liningon ko siya. Nakatayo na ito at nakadamit.
"We were married. We are husband and wife." Nakayukong saad nito
"Yes. But what about Aileen? Mistress? Ex Girlfriend? I don't know what the hell she is. But I want her out of my life and yours." Nag angat ito nang titig. Parang nag alala sa sinabi ko. Hindi ko nga lang mawari kung sa akin ba o sa kanya.
"But--"
"But Aileen is the one you love and I'm not?" Inunahan ko siyang mag salita.
"Rian, Listen . Yes asawa kita. I know that. I'm trying to be a husband now. Pero may kailangan pa akong ayusin kay Aileen and I'm sorry. Pero, Hindi ko pwedeng itangging Minahal ko siya. At hindi ko siya pwedeng hayaan." Pagpapaliwanag nito. Inilapag ko naman ang hawak ko sa Mesa at lumapit sa kanya
"I don't blame you for that. Wala naman akong karapatan magreklamo. Asawa mo lang ako sa papel. If your all done. Please leave."
Tinalikuran ko siya at dumiretso ako sa Stock Room ko. Ngayon ko langnarealize wala naman akong kukuhanin rito. Pero I just need some place to hide. Narinig ko ang pagsara ng pintoan sa labas. Umalis na siya.
Napayuko ako. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Biglang bumigat ang paghinga ko. Tama naman wala akong karapatang magreklamo. Hindi ko na dapat siya kinausap tungkol sa bagay na iyon. Alam ko naman na ang Sagot niya.
Iyon nga lang ay masakit sa akin. Mahal ko si Jacob. Kahit hindi ko pa man siya nakakasama nuon pa man. Itinuring ko siyang Asawa. I had big hopes for us to work out. At hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa iyon.
"Maghihintay ako Jake.. Maghihintay ako sayo...."
********************
UNEDITED
ITUTULOY
THANK YOU PO!