Sumugod ako sa maraming Tao at hinanap si Aileen. Pero hindi ko siya makita. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi na niya ako sinasagot ko. Napatingin ako sa Direksyon kung saan may mga Vip Rooms. Madali akong lumusot sa Gwardiya. Sinilip ko ang bawat Room. Hindi ko inaasahan na maikita ko si Aileen sa isa sa mga Room dito.
Meron itong kasamang mga babae na ang iikli ng mga saplot sa katawan. I saw here with a man. Nakita ko pa ang paghawak ng lalake sa hita niya. Walang pake akong naglakad palapit sa kanya
"Get Off her." mariing sabi ko sa lalake pero parang wala siyang naririnig at tuloy parin sa pakikipag inuman sa lasing na si Aileen
"Sino ka ba ha. Umalis ka nga! Guard!" Sabi naman nung isa. Hinila ko patayo si Aileen. Napasandal naman ito. Parang mawawalan na siya ng malay ano mang oras ngayon
"Bitawan mo siya!" Maagap kong sinalo sa kamay ko ang kamao ng lalakeng susuntok sana sa akin. Buong lakas kong binali ang kamay niya hanggang sa mapangalumbaba siya. Nakita ko ang paglaki ang mata ng ibang tao sa room. Hindi sila naimik at nakatitig lang sa amin.
Binuhat ko si Aileen palabas ng Bar. Binuksan ko ang Kotse at duon ko siya pinaupo
"Aileen. Gising. Aileen" Tinapik tapik ko ang pisngi niya. Hirap siyang nagmulat ng mga mata niya at tumingin sa akin. She smiled as she cupped my cheeks and went down to kiss me. It wass a sudden kiss and I had no Idea that she would do that.
"I Love You Jacob.." Ngayon ay mulat na mulat na siya. Nakatingin siya sa akin pero hindi ko siya matignan ng maigi
"Get yourself together Aileen. Hindi ikaw to. Hindi ikaw si Aileen na nakilala ko. Please? Stop making me worry about you."
"Admit it." Nilubayan niya ang pisngi ko at tuluyan siyang naging seryoso

"Aileen-"
"Admit it, You still love me. Mahal mo pa ako!" Bigla na lang niya akong kwinelyohan at parang nagwalang bata. Nakita ko ang paglandas ng mga luha niya sa mga mata niya.
"Alam mong hindi ko ginusto ko ang pakikipaghiwalay ko sayo. Alam mong kinailangan ko lang gawin yun para sayo. Pero sirang sira na ang buhay ko Jacob at kung ikaw pa ang aalis sa buhay ko wala nang matitira sakin. Mas mabuti pang magpakamatay na lang ako." Bigla siyang tumayo at pinilit akong alisin sa harapan niya pero dahil mas malakas ako hinawakan ko ang dalawang kamay niya at s*******n ko siyang pinaupo
"Don't ever ever do that! or else you will lose me too. Just please. Huwag mong abusuhin ang sarili mo. I'll be here Ailleen."
Tahimik akong nagdrive. Pasulyap sulyap parin ako kay Aileen. She's peacefully sleeping. Ibinigay ko sa kanya ang jacket ko dahil masydong open ang damit niya kanina.
Aileen and I dated for over 3 years. It was blissful and full of love. Ang pinaka gusto kong katangian ni AIleen ay isa siyang responsableng anak at simpleng babae. Kahit nalaman niyang may asawa ako, She loved me and accepted everything about it. Lalo ko pa siyang minahal nun. and I forgot about my marriage to Rian.
May plano kami nuong magpakasal, But I told her I need to wait for the approval of my Father sa Divorce namin ni Rian since we are legally married. Naghintay siya pero dumaan kami sa punto ng mga pagsubok ng relasyon namin. She broke up with me. Akala ko ay nagsawa na siya sa kakahintay sa akin ngunit hindi iyon ang rason. After almost One year nabalitaan kong namatay ang Daddy niya and nalaman niyang hindi siya tunay na anak ng Pamilyang kinagisnan niya. She broke up with because she needed to marry their business partner. But after the incident about her know she's not their blood and the death of her father, She ran away from the marriage. Ngayon ay nabubuhay siya gamit ang manang naiwan sa kanya. Itinakwil siya ng Mommy at ng mga kapatid niya.
She's alone at hindi ko siya kayang pabayaan. We broke up But I could still feel the woman that I loved inside her. She's still in there. I wish I could heal all her sufferings. And this way, Being beside her is the only way I could think to help her.
**************************
"Diba sasama lahat tayo sa Medical Mission sa Militar?"
"Diba Rian?"
"Rian?"
"RIAAAAAAN! Jusko Bababa na si Duterte sa pagiging pangulo hindi mo parin ako pinapansin!"
Nabulantang ako bigla sa pagkakatitig sa Monitor ng Computer ko nang sumigaw bigla si Janea. Naibato ko naman sa kanya ang Stuff toy na hugis Ballpen, Nasalo naman ng gaga
"Kalabitin mo ako. Wala pang isang Metro ang layo mo sakin!"Pabalang na saad ko sa kanya. Ngumiwi ngiwi lang ito at nag alis ng Lab gown niya.
"Gusto ko bumalik dun. Ang popogi ng mga sundalo. Grabe! Ang kikisig ng katawan and oh my god malaman ang Pandesal te!" Napapapikit pa siya habang nagkwekwento. Ganito kasi siya mataas ang pagnanasa sa lalake. Hindi Biro lang. Sino ba naman ang hindi magnanasa sa Abs?
"Bahala ka. Pupunta lang ako dun dahil Utos ni Sir." Walang ganang saad ko sa kanya at nagpatuloy sa pagtingin sa Monitor ko
"Ano bang pinagkakaabalahan mo jan? Ano ba yang-" Tumayo siya at nagpunta sa tabi ko. Maagap akong tumayo at tinakpan ang monitor pero tinulak niya ako napaupo ako sa swivel chair at nagpunta siya sa harapan ng montiro ko.
"Kaninong Xray to? Langya ka ito ang pinagkakaabalahan mo- Eh kaya naman pala eh!" Nakapamaywang sabi niya at tumingin sakin na nakangisi. Nag iwas ako ng tingin at itinulak siya para maiurong ko ang swivel chair ko sa harapan ng table ko
"Xray ni Jacob yan te! Yang tinitigan mo Xray niya Te! Naku!"
"Lumayas ka na nga! Wala ka ng Duty diba! Layas!" Pagtataboy ko sa kanya. Pero humalakhak lang siya at hinampas ang balikat ko. Echosera talaga to!
"Binabasa mo ba ang Xray niya?" Tumaas ang isang kilay nito at lumapit sa akin. Binaling ko ang titig ko sa Monitor "Oo, Naaksidente kasi siya. Pero Okay naman siya wala naman akong nakikitang fracture."
"Bakit dimo basahin yung puso niya para malaman mo kung sino ang nilalaman?" Binulong pa nito sa tenga ko. Agad akong tumayo at inabot ang unan sa Swivel chair ko at pinaghahampas ko siya. Samantalang tawa parin siya ng tawa
"Ano bang masama sa sinabi ko? try mo te. Malay natin makita natin name mo Jan!"
Night Duty ako ngayon. Nakakaboring hindi kami sabay ni Janea. Wala akong makausap. Wala rin namang emergency pa. Bumaba ako at naglakad lakad. Lumabas ako sa Park,. Nagsisimula na namang magbago ang Klima. Lumalamig na naman ang ihip ng hangin at Tag Ulan na.
"Coffee" Napalingon ako sa likod ko nang may marinig akong pamilyar na boses.
"Why are you here?" Si Jake, Na may dalawang take out na coffee na hawak hawa niya
"Nagpapahangin. I just felt stuffy." Iniabot niya sa akin ang isang Coffee at umupo sa Semento na kung saan may Plantbox sa likoran nito
"Shall I wait you?" Tanong nito. Lumapi ako sa kanya at umupo sa tabi. Pero may distansya parin kami
"Hindi na. Alam kong may dapat ka pang gawin."
"Hmmmm." Matapos nun ay parang hangin lang at mga crickets ang naririnig. Hindi kami nagimikan. Hindi ko alam kung papaano siya kakausapin. Marami akong mga hindi alam tungkol sa kanya. and I felt sad about it.
"May Company Party tayo sa Weekend. I hope you can come."
"Kailangan pa ba ako?" I looked at him. Pero nakayuko lang siya
"Hmm. Alam nila sa Kompanya na Asawa kita, I don't wanna go alone" He sounded like worried. Then he looked at me with those lonely eyes that it felt like he's having a problem o naguguluhan siya sa isang bagay
"Okay, Pupunta ako." Tumayo ako. Tinignan niya ako at Tumayo rin siya "Salamat sa Coffee." Iniaangat ko ang Coffee na hawak ko . Nagsimula akong maglakad pero naramdaman kong nakatayo parin siya. I took a halt in walking and looked at him. Nagtinginan kaming Dalawa. Lumapit ako sa kanya
"Give this to her, Pampaalis ng sakit ng Ulo at hangover" May iniabot akong tatlong gamot sa kanya. Which I always carry it on my pocket
He stared at my hands while I gave the medicines to him. Parang hindi siya makapaniwalang ibinigay ko iyon sa kanya.
"You can just go home. 6 am pa ang tapos ng Duty ko. Idaan mo na yan sa kanya."
*******************
Itutuloy
UNEDITED
ThankYou!