CHAPTER SIX
Kinaumagahan.
Naiinis na tinakpan niya ng unan ang ulo dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto niya. Inaantok pa siya dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Sino ba namang nilalang na nakatira sa mundo ang makakatulog matapos mong makasaksi ng live porn.
“Open the door now!” Narinig niyang sigaw nito mula sa labas but she ignored him. She badly need a sleep. “I’ll wreck this door if you won’t set your feet outside of this room! I’m not kidding.”
“Natutulog pa ang tao eh! Ang aga-aga ay sinisira mo na kaagad ang araw ko!” Ganting sigaw niya.
“Cook something. I’m hungry!” Sigaw nito na may kasamang malalakas na katok.
Cook? Nagiging lason ang pagkain kapag siya ang nagluto.
“Bakit kailangang ako? Sa babaeng kahalikan mo kagabi ka magpaluto since siya naman ang dahilan kung bakit ka nagugutom ngayon.”
“Magluluto ka o kailangan ko pang pilitin ka?” Galit na ang tono ng boses nito kaya napilitan siyang lumabas na lang ng pinto. Ang weird magising dahil sa sigaw ng isang lalaki. Na miss niya bigla ang aso niya.
Sabog ang buhok at may tuyong laway pa sa gilid ng bibig na binuksan niya ang pinto.
“Magluluto na ako. Nasaan ang lulutuin ko? Ano ba ang gusto mong lulutuin ko?” Sunod-sunod na tanong niya. Naghintay siya ng sasabihin nito pero wala siyang nakuhang sagot. Nakatitig lang ito sa kanya. “Hoy! Ano kako ang gusto mong lutuin ko?” Pipitikin sana niya ang noo nito pero hinablot nito ang kamay niya.
“What are you doing?”
“Ha?” Nagtatakang tanong niya. “Ano na naman ang ginawa ko?” Tanong niya pilit binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito.
“That.” Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang pa. “Are you trying to seduce me?”
“At bakit ko naman gagawin-“ Naiinis niyang sikmat dito bago tingnan ang sarili. “Damn it!” Agad niyang itinakip ang isang kamay sa bandang dibdib niya at ang isang kamay naman ay sa puwet niya. “Huwag kang titingin! I’m warning you!” Sigaw niya at nagmamadaling pumasok ulit sa kwarto para magbihis.
Agad siyang nagpalit ng jogging pants at maluwag na t-shirt bago lumabas ulit ng kwarto. Nadatnan niyang nakatayo ito sa labas at nakahalukipkip. She wonder kung nasaaan na ang babaeng kasama nito kagabi. Baka tulog dahil masyadong napagod sa ginawa nilang exercise kagabi.
“Cook breakfast for two person.” Sabi nito ng makalabas siya.
“Two person? What about me? Pagugutuman mo ako habang kumakain kayong dalawa ng baby mo? Tumigil ka diyan, magluluto ako ng para sa tatlong tao.” Inis na sabi niya rito bago dumeritso ng kusina. Naramdaman niyang sumunod ito sa kanya.
“Jesus tell us na huwag magsayang ng pagkain. Just get some that can satisfy your needs and don’t ask for more”
“Wow! Nagbabasa ka ng Bible? Hindi ka nasunog?” She said with sarcasm. “Ano naman ang kinalaman niyan sa pagluluto?”
“So hard headed. Why don’t you just follow what I said? Mahirap ba na intindihin na kailangan mo lang magluto para sa dalawang tao?”
She rolled her eyes. “At mahirap bang intindihin na hindi lang kayong dalawa ang nagutom? Gutom na gutom na rin kaya ako.”
“Fine. Do as you please.” Naiinis na iniwan siya nito kusina.
“Do as you please.” Gaya niya sa sinabi nito. Hindi pa rin mawala sa sitema niya ang inis na nararamdaman tungo rito. “Utot mo na kulay green.” Sabi pa niya bago binuksan ang ref. Ilang minute siyang nakipagtitigan sa mga Tupperware na may lamang karne pero walang pumapasok sa utak niya na kahit anong putahe. How could she forgot na hindi pala siya marunong magluto? Nasaan na ba kasi si Amy?
“What I’m gonna do?” Mahinang bulong niya sa sarili habang ginalugad kung ano pa ang meron sa loob ng ref at nagdiwang siya ng makakita ng fresh eggs sa chiller. Scrambled egg, ang especialty ng mga babaeng sinumpa ng kusina katulad niya. Agad siyang kumuha ng tatlong itlog para lutuin. And for seasoning, balance equation ang ginawa niya. Isang kutsaritang asin kada isang itlog. Tig isang cup din ang mantika for every egg. Matapos maluto ang itlog ay noodles naman ang niluto niya. Balance equation pa rin ang ginawa niya, isang baso ng tubig for every pack ng noodles. Matapos magluto at ihanda ang mesa ay agad niyang tinungo ang kwarto ni Lalaking Sungay. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi siya nanonood kung paano magluto ang mga madre sa ampunan dati.
“Hoy, nakapagluto na ako. Bahala kayo diyan basta mauuna na akong kumai-“ Agad siyang napatakip ng mata nang biglang bumukas ang pinto. Mahirap na, baka may kung anong panget na tanawin na naman siyang makikita.
“What’s with covering your face?” Tanong nito. “Are you done cooking?”
“Tatawagin ba kita, I mean kayo kung hindi pa?” Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa mata niya at tumingin sa loob ng kwarto nito. “Nasaan na ang baby mo?” Tanong niya dahil hindi na niya nakita ang babae kagabi sa loob ng kwarto nito.
“She left and mind your own business.” Sabi nito at na lumakad papuntang kusina. Sumunod na lang siya rito at hindi na nagsalita. Kaya naman pala nagpaluto ito ng para sa dalawang tao lang. “This is what you cooked? This is the food that usually prepared for typhoon victims.” Tanong nito bago umupo sa upuan.
“Kailangan pa bang itanong iyan? At huwag ka nang magreklamo diyan. Magpasalamat ka na lang na ipinagluto pa kita.”
“Sit.” Utos nito.
“Sit? Anong akala mo sa akin? Aso? Uupo naman talaga kahit hindi mo ako yayaing kumain.” Inis na naupo siya sa harap nito at nagsimulang kumuha ang pagkain niya. Kumuha na rin ito at nagsimulang kumain pero the moment na isinubo nito ang scrambled egg niya agad din nitong ibinuga iyon.
“Water!”
“Bakit, panget ba ang lasa?” Nagtatakang tanong niya.
“Damn it!” Dali-dali itong tumayo at tinungo ang ref para kumuha ng tubig. “Are you trying to kill me now? You’re really not like her. Malayong-malayo ka sa kanya” Galit na tanong nito pagkatapos.
“Like who? At kahit kating-kati man ang kamay kong patayin ka, hindi ko pa rin iyan magagawa dahil may takot ako sa Diyos. At bakit naman kita papatayin gamit ang itlog? Nakakaawa naman ang itlog na makakapatay sayo.” Nakita niyang mas lalo itong namula sa galit.
“Then eat this.” Kumuha ito ng itlog at sinubo sa kanya. “Open your mouth!” Hinawakan nito ang baba niya at pilit na pinapakain sa kanya ang itlog.
“Ano ba? Kakainin ko naman talaga iyan. Hindi mo na ako kailangang subuan pa.” Sabi niyang tinatanggal ang kamay nito sa baba niya.
“I said, OPEN YOUR MOUTH!” Mukhang galit na talaga ito kaya napilitan na lang siyang buksan ang bibig niya at kainin ang scrambled na pinaghirapan niyang lutuin. “Good. Delicious, isn’t it.?” Nakangisi nitong sabi sa kanya samantalang siya naman parang masusuka dahil sa sobrang alat ng scrambled egg na niluto niya.
“Water!” Sabi niya habang pilit na pinipigilan ang sariling masuka.
“Oh, panget ba ang lasa?” Gaya nito sa sinabi niya kanina.
“Damn it!” Mura niya bago tumakbo papuntang lababo para iluwa ang itlog. Agad siyang nagmumog dahil sa sobrang alat.
“I don’t know that you cook so well. Why don’t you join in culinary contest? I’ll bet that you’ll gonna win.” Pang-iinsulto nito sa kanya.
“Shut up! Lalaking sungay ka talaga!” Naninigkit ang mga matang sigaw niya rito. “Bakit hindi mo na lang sabihin na sobrang alat pala? Hindi iyong isusubo mo pa sa akin kahit na alam mo naman na ang panget ang lasa.”
“To give you some dose of your own medicine. Are you really that stupid? Kahit simpleng luto ng itlog ay hindi mo pa magawa ng tama? Sa anong bagay ka na lang ba magaling?”
Inirapan niya ito bago sumagot. “I’m expert sa pagpili ng sariwang isda at gulay sa palengke. Magaling din akong magtipid ng kuryente at mag-ayos ng sirang electric fan.”
“I’m getting crazy.” Narinig niyang bulong nito.
“Yeah, you’re crazy. Dapat nahalata ko kaagad na wala ka sa matinong pag-iisip the moment na nakita kita.”
“Shut up. You’re really can’t be… damn it! ” Sigaw nito bago padabog na lumabas ng kusina. Samantalang siya naman ay nanghihinayang na napatingin na lang sa itlog at noodles na pinaghirapan niyang lutuin.