CHAPTER FIVE
It’s just a simple wedding. Sina Tita Jane, the Priest, and two witnesses lang ang naroon. Ayaw daw kasing ipaalam ni Ahsen sa madlang people na ikakasal ito, makakasira raw iyon sa imahe niya. As if naman may masisira pa sa imahe niyang kulang na at sungay para matawag siyang demonyo, naisip niya.
She just wearing a simple cut white dress na siya mismo ang pumili. Sa garahe lang ng poultry farm ng mga Madero sila ikinasal. Ayaw pumayag ni Tita Jane but that demon insisted, Hindi ito ang klase ng kasal na gabi-gabi niyang napapaginipan at isang mabait, gwapo, maunawain na lalaki ang gusto niyang pakasalan hindi ang isang masungit na lalaking may sungay pero wala siyang magagawa, buhay ng pinakakamahal niyang aso ang nakasalalay sa kasal na ito.
“You!” Nagulat siya nang biglang may tumampal sa braso niya. Nag fly away nga pala ang utak niya at nakalimutang nasa gitna sila ng seremonyas ngayon. “What are you doing?” Naiinis na sikmat nito sa kanya. Napatingin siya pari na napamulagat sa narinig.
“Bakit? Tapos na ba ang kasal?” Hindi niya napigilang tanong na lalong nagpainis dito.
“Finish? You haven’t said I do yet. Are you really that stupid?”
“Stupid? Buhay ko na nga ang naperwisyo tapos tatawagin mo akong ganyan? Pakasalan mo na lang kaya ang sarili mo?” Ganting sikmat niya rito.
“Then fine. Let’s stop this wedding and forget the deal. ”
“I do, Father! Tinatanggap ko po siya na maging asawa ko sa hirap at ginahawa at hanggang sa patayin niya ako sa knosumisyon. I do po, I do I do!” Simbilis ng fighter jet na sabi niya na hinawakan pa ang kamay ng Pari. “Nag I do na ako. I’ll do this dahil pinanghahawakan ko ang mga sinabi mo.” Naniningkit ang mga matang sigaw niya rito. Nakita niyang umismid lang ito.
“Good girl. Ang dali mo naman palang kausap.” Sabi nito bago tumingin sa paring nakatanga pa rin sa kanila. “So, can I kiss my bride Father?” Tanong nito at nakangangang napatango lang ang Pari.
“What?” Nanlaki ang matang tanong niya rito. “ I don’t want you to be my first kiss-“ Reklamo niya pero bigla na lang siya nitong hinila sa beywang niya at hinalikan. Pinilit niyang kumawala pero sa tuwing gagawin niya iyon ay mas mahigpit na yakap ang ganti nito. He’s like a wild animal hungrily devouring his prey, and she is the prey who can’t get loose from his predator.
“You look like a crazy idiot but your lips taste like those Hawaiian and Latin America’s models I met before.” Bulong nito sa dulo ng tenga niya pero parang wala siyang naririnig. Hindi siya makapaniwala na nakuha ng lalaking sungay ang pinakaka-iingatan niyang first kiss and it was a nightmare.
“A-Ang first kiss ko..” Parang wala sa sariling sambit niya sabay hawak sa labi niya. So, this is first kiss taste like. Hindi masarap. “Hindi na virgin ang lips ko. Hindi na ako malinis.” Parang maiiyak na sabi niya. She have this weird belief na once mawala sa kanya ang first kiss niya, she’ll lose her virginity next. Masaya siya kung ang lalaking mahal niya ang dahilan ng pagkawala niyon pero hindi. It was taken by someone she barely know. Kinuha ng lalaking ginamit ang kahinaan niya para pakasalan ito. Ilang beses niya itong sinabihan na bawal ang mga intimate na bagay katulad ng halik pero binalewala nito.
“Such a childish. It’s just a kiss so don’t act like I ruin your whole life. And besides, I kissed you because it’s our wedding.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Yeah! You ruin my whole life! Sinira mo ang tahimik kong buhay! Lagi kong sinasabi sa sarili kong panaginip ang lahat, na paggising ko ay maglalaho na kayo pero hindi, hindi kayo naglaho, instead, you’re messing my life more! I never believed about God’s wrath before but I do believed now. Ramdam ko ang galit Niya ngayon. Ramdam ko ang galit niya ngayong kaharap kita at ninakaw mo ang first kiss ko.” Natahimik naman ito sa sinabi niya. Maging ang Pari ay nagulat din.
“Gail.” Naramdaman niyang may yumakap sa kanya, it’s Tita Jane. “I’m sorry, Iha. I’m so sorry. Kung hindi dahil sa pamimilit ko ay hindi ka nahihirapan ng ganito ngayon. I am really sorry, Gail.” Naiiyak na sabi nito sa kanya. Hindi na rin niya tuloy mapigilang umiyak.
“It’s okay Tita. “ Hindi niya na talaga alam ang gagawin. Pakiramdam niya ay nasa pagitan siya ng dalawang nag-uumpugang bato.
“Stop this drama will you? Just forget what happen and that’s it.” Biglang singit ni lalaking sungay sa kanila. Hinarap niya ito at sinampal ng malakas.
“I gave you a favor, sana naman ay matuto kang magpasalamat. Hanapin mo ang manners mong naligaw ng landas at maghanap ka ng albularyong magpapalayas ng napakalakas ng demonyong sumapi sayo. Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ba ako na kapatid ka nga ni Cherbyl because she is the sweetest person I ever met in my whole life while you are the most insufferable moron I’ve ever known.”
“How dare you-“ Galit na sigaw nito sa kanya habang hawak ang pisnging sinampal niya.
“Ang one more thing. Next time na may hahalikan kang babae, do it passionately. Hindi ‘yung ingungodngod mo na lang basta ang labi mo sa kanya. Magtanong ka na naman sana ng, “ Hoy, hahalikan kita, okay lang ba? Kiss is a solemn thing na ginagawa ng dalawang taong mahal ang isa’t isa. Hindi iyan bagay na pwedeng nakawin at sasabihing it’s just kiss.” Natahimik ulit ito sa sinabi niya. Tiningnan niya lang ito ng masama bago lumakad palayo.
“Gail, Iha!” Tawag sa kanya ni Tita Jane pero hindi niya iyon pinansin. Pakiramdam niya kasi ay kailangan niyang mapag-isa dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap ang mga nangyayari. Ang paniwalaan na pumayag siyang ikasal sa lalaking Malaki ang ego. “Gail, wait. Let me tell you something.” Narinig niyang sabi ni Tita jane kaya huminto na rin siya. Hinintay niya itong makalapit sa kanya.
“Ano po ang sasabihin niyo sa akin, Tita?”
“Ahsen, is the sweetest man that I ever know, I’m not saying this because I’m his mother but because that what Ahsen is. I know that one day, you’ll realized that he really cares for you, Gail.”
Tumawa siya mapakla. “Care? Impossible Tita. We just met. Wala pa ngang isang buwan nang magkita tayo. Isa pa, pumayag akong magpakasal dahil may makukuha ako mula doon kahit na napalaki ng magiging kapalit. At huwag po kayong mag-alala, okay lang ako.” Iyon lang at lumakad ulit siya pabalik ng bahay.
“Gail… If you only know…” Wala itong nagawa kundi ang sundan na lang siya ng tanaw.
****
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog mula nang bumalik siya bahay at umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog siya. Nagising lang siya dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto niya kaya kahit na namimigat pa ang talukap ng mga mata niya ay minabuti niyang lumabas para usisain kung ano ang nangyayari.
“You’re so hot, Ahsen.” Narinig niyang boses ng babae mula sa labas.
“You’re so hot, Ahsen? May lagnat si lalaking sungay? I can’t believe na tatablan ng kahit anong sakit ang lalaking sungay na iyon.” Tanong niya sa sarili na idinikit sa pintuan ang tenga.
“Not there, Baby. It tickles me.” Malanding sabi ng babae. At narinig pa niyang tumawa ito ng malandi.
“Bakit nakikiliti? Ano kaya ang nangyayari sa labas?” Tanong niya ulit sa sarili at mas lalong diniin ang tenga sa pintuan. Curiosity push her to know what’s going on outside of her door.
“I can’t help myself, baby. I want to touch you here.” Narinig niyang sabi ni Lalaking Sungay.
“You’re still silly as always, baby Ahsen. That’s why I like you so much.” At muli na namang tumawa ang babae.
“I can’t help it anymore, Baby. Open the door, faster!” Narinig niyang utos nito.
“Where? This door?”
“No-“ Sigaw ni lalaking sungay kasabay ng deritsong pagbagsak niya sa harap ng mga ito.
“Who is she, baby?” Tanong ng babae.
“What the eff! Ang sakit!” Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo kahit na nakaramdam siya ng sakit sa buo niyang katawan dahil sa pagbagsak niya at muntik na siyang mapasigaw sa bumungad sa kanya. “Holy Kamote! What are you doing?” Nanlalaki ang mga matang bulalas niya. Paanong hindi siya magugulat, para siyang nakasaksi ng live porn sa nakita niya. Lalaking Sungay has nothing aside from his undies below and unbutton polo while the woman just wearing her panty and bra.
“Who told you to eavesdrop? Get inside!” Galit na utos sa kanya ni Ahsen na binitawan ang babaeng malantod bago hinubad ang polo at itinakip sa mukha niya. “Don’t you dare to open that door again, do you hear me?” Sabi pa nito bago siya itinulak papasok ng kwarto at malakas na isinara ang pinto.
Hindi pa rin siya maka get over sa nakita ng mga birhen niyang mga mata kanina. First night nilang dalawa pero may ibang babae itong kahalikan? But first night is not the right term. Ito ang simula ng paghihirap niya sa piling ng lalaking sungay na iyon. She has the most unbelievable wedding night in the entire world. She wonder kung ilang babae na ang tumawag ng “Hot Ahsen” sa lalaking iyon. But she don’t care, bahala siya sa buhay niya.
Tinanggal niya ang polo nitong nakatakip sa mukha niya at itinapon iyon sa gilid.
“Yuck! Baka may pa sperm cell na nakadikit diyan at mabuntis pa ako ng wala sa oras, mahirap na.” Nandidiring kinuha niya ang alcohol sa ibabaw ng tukador at halos ubusin niya iyon sa kabubuhos sa buo niyang katawan. Perks of being a writer, kung anu-ano agad ang pumapasok sa utak niya.