ROSE POV
Just this time, alang alang na lang sa papa ko ay susundin ko ang pinag uutos niya. Nilabas ko ang cake at nag slice ako para sa kanya. Sinusundan niya lang ako ng tingin ngayon subalit dedma na lang ako sa tingin niyang mayroong malisya.
"Long time no see, Rose, I have never expected na makikita kitang muli after two weeks na nagkita tayong dalawa sa bar. Ang ganda ganda mo pa rin. Akala ko ay lasing lang talaga ako at nililinlang ng paningin ko."
Sumagot ako habang nag i slice ako ng cake, "Ibaon na lang natin sa limot ang nangyari noong nakaraang araw sa bar. Parehas lang tayong lonely that time."
"Bakit? Heart broken ka pa rin ba?"
Napatingin ako sa kanya na may malaking question mark sa ulo ko, "Teka lang, mayroon ba akong nabanggit sayo that time tungkol sa akin?"
Sumandal siya sa pinto at pinalupot ang kanyang mga kamay sa dibdib niya. "Wala eh, pero kung broken ka, puwede ka namang mag kwento sa akin," ani niya na may pilyong ngiting nag lalaro sa kanyang mga labi.
"Pass po!" mabilis kong sagot. "Sobrang private kasi ng life ko kaya hindi ko po ito shini share sa ibang tao."
Naglakad na siya at naupo sa inupuan ko kanina noong nandito pa si Moira.
"I understand," maikli niyang sagot.
Ang weird lang talaga ng sitwasyon naming dalawa. How I wish na sana ay bumalik na rito ang papa ko para silang dalawa naman ang mag usap. Aminado ako, akit na akit ako sa hitsura niya pero something is off with him lang. Bukod dito ay broken pa rin ako kay Lars. I can't stand being silent for a long time kaya naki usyoso na lang ako sa kanyang buhay.
"Sorry po ha? Nabanggit kasi ni Dad na na hold po ang pera ninyo at isa kayong mayaman? Ano po ang nangyari?"
Ewan ko kung sasagutin niya ang tanong ko o magiging kagaya ko siya na ayaw mag salita tungkol sa personal kong buhay. Sadyang wala lang talaga akong ibang bagay na maisip na mapag usapan ngayon.
"It's a complicated story but in no time, malalaman mo rin ito since you will become my personal assistant."
"Talaga po? Nabibigla kasi ako sa pangyayari. Wala na po ba akong interview na gagawin? As in diretcho pasok na sa company niyo?"
Mas naging maaliwalas pa ang ngiti niya. Lumantad ang pantay pantay niyang mga ngipin sa akin. Mas maganda pa nga ang mga ngipin niya kesa sa mga ngipin ko.
"Why do I need to do that kung mismong papa mo na ang na interview ko about you? And look at your house, ang linis nitong tingnan at wala akong masabi. For sure you are an organize person na ayaw ng kalat. You even offered me something kahit na bisita lang ako rito. With those kind of gesture, pasok na pasok ang attitude mo sa akin bilang isang personal assistant ko."
"Ano po ba ang role na gagawin ko?"
"I will explain everything to you one na malapit na ang duty mo."
Tinikman niya ang cake. Mukha namang nasarapan siya. Suddenly, nakatanggap ako ng call galing kay Moira. Hindi na ako nag paalam sa kanya. Sinagot ko ang tawag ni Moira sa balcony namin.
"Oh, napatawag ka?" tanong ko sa kaibigan ko, gusto ko pa siyang lokohin ngayon, "Naka jebs ka na ba?"
"Oo gaga! Buti na lang at napigilan ko pa kahit papaano. Sana pala ay nakitae na lang ako jan sa inyo para makatipid na rin sa tubig."
Natawa ako sa sinabi niya at hihinaan ko lang ang sagot ko upang hindi ako marinig ni Franco sa loob.
"Ayan, puro ka kasi kwentong kalibugan kaya tingnan mo ang nangyari ngayon sayo!?"
"Che! Saglit lang itong tawag ko, ano dumating na ba ang friend ng papa mo ha? Ano ang hitsura niya? Pasok ba siya sa banga o pasok sa inidoro? Pag pasok sa banga, ibig sabihin ay pogi siya pero kapag sa inidoro, it means na chaka siyang lalaki."
"Hahaha!" tawa ko, napapa isip ako, ayaw kong maka agaw ko pa ngayon si Moira. Hindi ko man alam kung ganitong lalaki ang tipo niya pero sinasabi sa akin ng utak ko na kailangan kong ipag damot si Franco at mag sinungaling na lang sa kanya.
"Wag mo akong tawanan jan teh! Seryoso talaga ako, kating kati na rin kasi akong magkaroon ng love life. Good catch ba siya o masarap ihagis?"
"Nako teh! Ang panget panget niya! Para siyang alien na lubog ang mga pisngi. At sobrang payat pa niya, parang hindi kumakain. Ano gusto mo ba isend ko pa ang picture niya? Baka matakot ka na lang bigla kapag pinakita ko ito," mahabang pag sisinungaling ko pa.
I feel so sorry for Moira pero kailangan ko itong gawin kasi sinunod ko lang kung ano ang gusto ng utak ko.
"Ay ganun? Sayang, nako ingat ka na lang at baka manyak yan ha? Dapat hindi mo pabayaan na dalawa lang kayo jan sa condo. It is either kasama mo palagi ang papa mo o lumabas na lang tayong dalawa."
"There is no need for that kasi ang sabi naman ng papa ko ay mabait itong kaibigan niya. Alam mo bang 200 thousand pala ang binigay niya sa papa ko para lang sa 2 weeks niyang pag i stay dito sa condo?"
"Weh? 200 thousand, tang ina ang yaman pala niyan? Sure ka ba?"
"Oo nga! Kaya mabilis na lang na pumayag si papa kasi sayang ang pera. Ang hirap kitain ng ganun kaya hindi ko rin siya masisisi."
"Wow ang galante. Ano ba ang work niya?"
Gusto ko sanang mag daldal ngunit sinabi ni Dad na confidential ang pagiging mayaman nitong si Franco kaya dapat kong iwasang mag salita tungkol sa kanya.
"Work? Parang manager ata, not sure ako eh. Besides, two weeks lang ang itatagal niyar ito sa condo namin kaya feeling ko ay hindi na kailangan busisain pa ang buhay niya. Pake ko ba sa kanya, sa sofa lang siya matutulog."
"Hahahaha! Grabe ka, baka ma in love sa kanya ha? Sa ngayon pa lang, nakikita ko na sayo yung katagang the more you hate ay the more you love eh!"