CHAPTER 6

1021 Words
ROSE POV Kinagat ni Daddy ang kanyang labi sa gigil. Lumapit siya sa akin. "Will you please calm down? Oo, alam kong babae ang anak ko pero matino ang kaibigan ko. Besides, he is paying me 200 thousand pesos sa isang linggo lang na pag stay niya rito. He is a rich man, ayaw ko lang itong sabihin sayo sa text pero mayamang lalaki siya. He is a billionaire. I even asked him na ipasok ka sa company niya para magka work ka kaagad. I am doing all of these for your sake. Para makatulong ka sa mga gastusin natin dito sa condo. Masisisi mo ba ako kung nasisilaw ako sa pera?" Nagulat ako sa seryosong explanation sa akin ni Dad. I know I have been a burden for him even though he does not say it to my face. Buti na lang at pinag igihan ko pag aaral ko para maka graduate ako. Gusto ko na rin namang mag trabaho. "Yes Dad, kung may tiwala kayo sa lalaking kaibigan niyo, may tiwala na rin ako sa kanya. Pero wala pa po kaming graduation ha? Bakasyon lang po kami ngayon." "Ayos na ayos lang sa akin, I don't need college graduate to be my personal assistant. I just need someone who can do the task correctly. You can submit your diploma later." Lumingon ako sa pintuan kung saan ko narinig ang isang napaka familiar na boses. At halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking humipo sa akin nitong nakaraang araw sa isang bar. Ang lalaking nag aya sa akin na sumayaw pero dahil sa sobrang broken pa ako kay Lars, tumanggi ako sa kanya. Titig na titig ako sa kanya, walang pinagbago ang hitsura niya halos. Kung gaano ko siya nakita nitong nakaraang araw sa bar, ganung ganun din ngayon. Sobrang lakas pa ng kanyang dating na mala bad boy ang hitsura. What a small world, bakit kami muling pinag tagpo ng tadhana? "Sige anak, siya nga pala, pinapakilala ko sayo si Franco, he is going to stay here for two weeks. Naka hold lang talaga ang lahat ng mga assets niya ngayon. I mean, naka freeze kaya dito muna siya for a while. So please be nice to him, naikwento kita sa kanya at sinabi ko na masipag kang mag aral at may boyfriend ka. Ilang taon na nga kayo ulit ni Lars, Rose?" "Three years po," nag aalangan na sagot ko, hindi ko na matandaan kung may nabanggit akong ganito kay Franco. May malisya na ang tingin ko sa kanya at nararamdaman kong ganito na rin siya sa akin. Pero either way, sana ay wag kaming humantong sa kung ano man ang iniisip ko. Mas okay na siguro kung ako na ang iiwas sa kanya. Iniabot ni Franco ang kanyang kamay na nakangiti, "Hi, it is nice meet you, Rose, ikaw ang pinaka magandang babaeng nakita ng dalawa kong mga mata." Hala? Ang lakas lakas ng loob niyang mag sabi ng ganitong mabulaklak na salita sa akin sa harapan pa ng papa ko. Pero sinarili ko lang muna ang nararamdaman kong kakaiba at nakipag kamay ako sa kanya. "Sige po sir." Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko na tila ay ayaw na niya itong bitawan pa. "So, as soon as maging maayos na ang company ko, puwede ka na ring mag start sa work mo sa akin. And then, you will be compensated very well. Tulong ko na rin ito sa papa mo, I am indebted to him sa pagpapatuloy niya dito sa akin sa condo niyo. I am deeply thankful sa pag welcome niyo dito sa akin." Ang lamig ng kamay niya at parang pinadadama ng hawak niya sa akin na gusto niyang magkaroon pa kami ng mas malalim pang relasyon. Tila ay may nabanggit nga ako sa kanya tungkol kay Lars. Paano ito, paano ko ipapaliwanag sa tatay ko na nagkita na kaming dalawa nito sa bar? "Sige dito lang muna kayong dalawa. Bibili lang ako ng beer para may mainom kaming dalawa nitong si Franco." Nako po, ayaw kong iwan niya kaming dalawa rito ni Franco. Buti na lang pala at mayroong iniwang wine si Moira kanina na puwede naman nilang inuming dalawa. "Dad, don't worry po, merong iniwang wine dito si Moira kanina. Biglaan kasi siyang pumunta rito sa condo ko. May dala pa nga siyang cake, kaya lang umuwi siya kasi masakit ang kaniyang tiyan. Puwede na siguro kayong uminom ng ganun di ba?" "No, I don't drink much wine. Mas gusto ko ng heavy drinks," sabi ni Franco. Come to think of it, parang nasa hitsura niya ang malakas uminom. At naiinis lang din ako dahil hindi ko talaga masyadong maalala ang nangyari nitong nakaraan sa bar. "Moira? Sure kang siya lang ang pumunta rito?" tanong pa ni Dad. "Oo dad, pumunta rito kanina si Moira at wala nang iba pa." "Ah okay lang sa akin. Sana lang ay hindi mo na siya pinauwi para may kausap ka." "Masakit ang tiyan niya eh. Pero gusto niyo ba ako na lang ang bumili ng alak sa labas?" "Ako na kasi mabibigat ang bibilhin ko. Kaya mo ba ng isang case ng beer tapos may pulutan pa?" tanong ni Dad. Ngumiti ako, "Sasama na lang ako Dad para may katulong kayong mag buhat." "There is no need for that, Rose, sabi ko sayo, samahan mo na lang dito si Franco. Saglit lang naman akong bibili, he is a good guy at panget kung iiwan mo siya ditong mag isa. Try giving him cake." Umalis na si Dad at naka ngiting wagi lang si Franco ngayon sa akin. Sana ay naisipan nilang dumaan man lang sa isang convenient store para bumili ng alak nila. "Kape sir gusto niyo?" tanong ko, binaitan ko pa ang boses ko sa kanya, sana lang nakalimutan na niya ang tungkol sa akin. "I don't drink much coffee. Isang beses lang akong nagkakape sa isang araw at okay na ako. But I'd like to have some slice of cake if you don't mind." Ang lakas niyang maka demand sa akin. Akala mo ay pinapasahod niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD