ROSE POV Nandito ako sa kama, nanonood ng movie habang ang papa ko at ang kaibigan niya ay nag iinuman at nag hahalakhakan sa may balcony. Dapat ay puwesto ko ito kaya lang ay inagawan pa nila ako. Hindi ko gusto ang aircon dito sa loob ng condo namin kapag nanonood ako ng movie pero ngayon ay nandito sila. Sayang, naalala ko ang tawanan naming tatlong magkakaibigan bigla kapag magkakasama kami. Subalit ngayon ay may lamat na ang relasyon naming dalawa ni Regina. At si Lars, wala na talagang paramdam sa akin. Parehas na silang naglahong parang bula sa buhay ko. I wonder, magkasama kaya silang dalawa? Kung gayon, sure akong tinuloy nila ang tikiman nila at pinabayaan na nila ako. Gustuhin ko man sanang gumala kaya lang ay wala na akong kasama. Sure akong mayroong ibang ginagawa ngayon