ROSE POV
China chansingan na niya ako pero heto ako at ayaw gumalaw ng katawan ko upang hilahin siya papalayo sa akin. Subalit hindi sumusunod ang katawan ko sa sinasabi ng utak ko. Tila ay nasasarapan ito sa higpit ng kanyang yakap.
"Sorry for what happened, hayaan mo, tutulungan kitang makalimot sa kaniya," ani niya nang siya na mismo ang tumigil sa pagkaka yakap ng mahigpit sa katawan kong tila ay nabitin.
Hinawakan niya pa ang kamay ko at sumakay kami ng elevator. Nakaka inis pa nga, dalawa lang kaming dalawa sa elevator pero dikit na dikit pa rin siya sa akin.
"Ano ba ang gusto mong pagkain ngayon?" tanong ni Franco.
"Kahit na ano, hindi ako maselan sa pagkain. Sanay ako sa hirap at kahit na ano pa ang nakahain sa akin dati sa hapagkainan ay kinakain ko," ang mahabang pagsagot ko.
"Look, I know I am not in the right place to say this but alam kong makaka move on ka rin sa lalaking nanakit sayo. For now, normal na normal lang na malungkot ka sa nangyari sa inyong dalawa. First boyfriend mo ba siya?"
Ewan ko ba, gusto ko sana siyang sungitan ulit pero dama ko pa rin ang mahigpit niyang yakap sa akin kanina at ito ang dahilan kung bakit nababahag ang buntot ko na supladuhan siya.
"First at akala ay last na rin. Akala ko talaga noong una ay magtatagal kami ni Lars. Hindi pala totoo ang first love never dies. May lamat pala talaga ang three years. Nawalan tuloy ako bigla ng gana sa buhay."
"Gusto mo bang punta tayo ng mall? Ipagso shopping kita para mawala ang lungkot mo kahit papaano," pag aalok niya, bagay na pinag taka ko kasi ang sabi ni papa kanina ay naka hold daw ang pera niyang bilyon bilyon!
"Wait lang? Bakit para yatang ang gulo niyo ni papa? Akala ko ba ay naka hold ang pera niyo sa bangko? Tapos ngayon ay gusto niyo akong ipag shopping? Sino ba sa inyong dalawa ni papa ang nagsasabi ng totoo?"
"May pending case kasi ang company ko na nasangkot sa isang malaking scam at pina hold lahat ng assets ko. But before it happened, I was able to withdraw 3 million cash. Eh wala naman akong masyadong pagkakagastusan ngayon. Pumayag ka na lang kasi, wala naman akong hinihinging kapalit sa pag tulong kong ito sayo. Let us say na ito ang kapalit ng tulong niyong pagpapatira sa akin.
"Ayaw ko kasing mag rent sa iba, mainit pa ang mga mata ng taong nakapaligid sa akin at pinalabas namin ng papa mo na libre ang pag tira ko because people think na walang wala akong pera ngayon."
"Wow, ang galing no? Parang close na close na pala kayong dalawa ng papa ko?"
"Oo close kami kasi isang mabait na lalaki naman ang papa mo. At ikaw, naniniwala ako na mabait ka rin."
"Don't tell me na si papa lang ang puwede mong mahingian ng tulong? Sure akong mayroon kayong asawa o ibang mga kamag anak? No offense po ha, medyo nababagabag lang ako eh."
"Sa maniwala ka o sa hindi, wala akong asawa o anak. Ang tita at pinsan kong parehas na nasa states, kaaway ko sila ngayon due to my pending case. Minsan kasi, kung sino pa ang kamag anak mo ay sila pa ang unang sisira sayo. I have five failed relationships in the past. Puro three years din ang tinagal. May asawa na sana ako ngayon kaso naging workaholic kasi ako at never kong naging priority ang kasal o ang pag papamilya. Hanggang sa ngayon, 43 na ako, sobra sobra na ang age ko para mag asawa. Stable na ako financially pero ang problema, over age na ako. Bahala na ang kapalaran sa akin."
Sa tono ng pananalita ni Franco at sa malagkit na titig niya sa akin, halatang ako ang pinariringgan niya. I am still in my 20's at kahit pogi siya, di ko bet na jumowa ng ka edaran niya. Mas gusto ko pa rin ng nasa line of age ko lang.
"Ito ba ang dahilan kung bakit ka nagpunta sa bar last time at dinakma mo pa ang pwet ko!?" taas kilay ko pang galit na tanong.
Buti na lang at dalawa lang kami ngayon dito sa loob ng elevator kaya nag lakas loob na lang din akong magtanong ng ganito. Tutal, kaming dalawa na lang ngayon ang magkasama.
Dinaan niya lang sa tawa ang pagsagot sa akin. Pasimple pa siyang hawak sa balikat ko pero mabilis niya rin itong tinanggal. Buti naman kasi parang nawala na ang hypnotize ko sa mahigpit na yakap niya sa akin kanina kaya tatanggilin ko rin sana ito agad.
"Ibaon na lang natin ang nangyari sa bar. Not unless maisipan mong magpunta ulit doon."
Napangiti ako, "Oo, plano ko kasi talaga ulit na mag punta sa bar kasama ng isa ko pang friend. Yung kausap ko kanina sa phone kung naaalala mo pa siya!? Moira ang pangalan niya at pumunta na siya rito kanina, dala ang cake ang kinain mo po!"
"How can I forgot her name kung siniraan mo na ako sa kaniya? Sinabi mo pa na mukha akong palito na lubog ang mga pisngi at parang mala alien? Diring diri ka pa nga eh! Napa tingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko, malinaw naman sa akin na malayong malayo ako sa sinasabi mo so what is the point of doing that? May lihim ka bang galit sa akin?"
Natawa na lang ako at napatakip sa bibig ko dahil sa sarili kong kasinungalingan kay Moira. Sure akong diring diri ang kaibigan ko na ini imagine si Marco base sa description na binigay ko sa kanya.
"Kita mo na!? Tinatawanan mo ang sarili mong kasinungalingan. Now that you did something to your boss, siguro ay dapat manghingi ka ng sorry at gawin mo ang pabor na gusto kong ibigay sayo!?"
Natigil ako sa aking pagtawa ko, "Sorry at pabor?"
"Oo kasi nilait mo ako, simpleng sorry lang at pabor. Hindi ko alam kung bakit mo ako siniraan sa kaibigan mo pero it is not a big deal for me. All I am asking is a simple favor."
Sabagay, medyo masakit ang sinabi ko sa kanya. Sa kagustuhan ko na ipagdamot siya sa kaibigan kong tigang sa lalaki, nagawa ko pang manakit ng ibang tao. Pero kinapa niya rin ang pwet ko noong nasa bar kaming dalawa kaya feeling ko it's a tie lang!
"Sorry pero kwits na tayong dalawa! Nakapag inflict din ako ng emotional damage sayo kahit papaano. Naalala mo ba yung dinakma mo ang pwet ko? O ngayon ay quits na tayong dalawa!"
"Punta lang tayo sa bar ulit bukas. Saktong sakto, wala ang papa mo kasi may lakad siya sa office niya. Don't worry, wala na tayong bastusan pang magaganap. I just want to drive some beer while having a nice night. Kahit na nasa ganitong edaran na ako, paboritong paborito ko pa rin kasi ang pagpunta sa bar. Samahan mo lang ako, you don't need to drink. I don't want to go there alone at wala na akong ibang puwedeng yayain pa bukod sayo."
Nag iba ang tono ng boses niya, nawala ang pagiging mayabang at napalitan ito ng pagiging mabait. Ganitong ganito pa naman ang kahinaan ko lalo na kapag sinabayan pa ng nakaka awang pag mumukha. Paano ba ito? Parang ang hirap mag isip ng isasagot ko sa kanya. Nag dedebate na tuloy ang puso at isipan ko sa mgsa sandaling ito. Nalilito ako kung sasama ba ako sa kanya o hindi.
"Pangako ko sayo, kapag may ginawa akong masama ay puwedeng puwede mo akong isumbong sa papa mo. Please, Rose, pumayag ka na!" nagsusuma pa niyang pakiusap sa akin.
Para siyang isang maamong tupa na ang hirap hirap tanggihan!