MEDYO matagal na rin simula nang makaalis ang speedboat pero hindi pa rin nagsasalita si Jared. Nanatili lang itong nakatingin sa kawalan na para bang ang lalim-lalim ng iniisip nito. Lalo tuloy siyang na-curious kung sino ba ang nakita ng binata para maapektuhan ito nang ganoon. Nag-aalala na umangat ang kamay ni Jheann para haplusin ito sa pisngi. At noon lang napakisap si Jared. "Okay ka lang ba?" aniya sa malumanay na boses nang makita ang tila magkahalong galit at lungkot na dumaan sa mga mata nito. Madilim at hindi rin maipinta ang ekspresyon ng mukha nito. Unti-unting lumiwanag ang anyo ni Jared at saka dahan-dahang tumingin sa dalaga. "Jheann..." Ilang ulit itong kumurap-kurap bago rumehistro sa mukha nito na kasama siya nito. "I'm sorry." "Anong nangyari sayo? Okay ka lang