Excited si Santa na makita ang Ninong Leon niya dahil sa pangako nitong susunduin sila ng kanyang ina para sa food tasting daw para sa pagkaing ihahanda sa kanyang debut party. Sakto pa namang hindi makakasama ang ina dahil gagawa siya ng mga kakainin na order ni Madam Sandra, ang mayamang nagmamay-ari ng ilang malalaking tindahan sa palengke. Kauuwi lang ni Santa galing eskuwela ay naligo na siya at isinuot ang bago niyang biniling damit. Mini-dress 'yon na hanggang sa tuhod niya at may maiksing manggas. Medyo conservative ang dating pero lumitaw naman ang hubog ng katawan niya. "Mukhang bihis na bihis ka, a," puna pa ng kanyang ina. "Oo naman, inay, nakakahiya naman sa pupuntahan namin ni ninong kung parang basahan ang isusuot ko," tugong depensa sa ina. "Sa bagay, bagay mo ang dami