When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Init na init tuloy si Leon sa kanyang inuupuan, malamig na ang kape na inihanda ni Celia sa kanya pero nag-iinit ang pakiramdam sa nakikitang ayos ng kanyang inaanak. "Ano ka ba naman Santa, napakataklesa mo talagang bata ka, sige na, dalian mo na diyan at kakain ka pa baka ma-late ka na naman," sermon tuloy ng ina kay Santa nang makabawi sa pagkabigla. Dali-daling binawi ni Santa ang tingin sa kanyang ninong nang marinig ang sermon ng ina at nagmamadaling nagtungo sa silid. "Naku, pasensiya ka na ulit, Leon, minsan taklesa itong anak ko. Akala yata at bata pa rin, hindi alam na dalaga na siya," hingi ng paumanhin ni Celia. "Ayos lang, pasensiya na rin at maaga ko kayong binulabog," saad rito. "Wala 'yon, napakalaking tulong mo sa aming mag-ina lalo na sa pangarap niyang debut. Kahit