When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Hindi maipaliwanag ni Santa ang pakiramdam, para siyang naduduwal pero wala naman siyang mailuwa. Idagdag pang umiikot ang pakiramdam niya na para bang idinuduyan siya. "Ano ba 'to?" bulalas sa sarili at sinalat ang noo. Maging siya ay walang ideya kung bakit siya nagkakaramdam ng ganoon. Maya-maya ay may kumatok sa kanyang pinto at sumilip ang ulo ng ina. "Kumusta ang pakiramdam mo?" usisa nito. Pinilit niyang ngumiti sa ina. "Ayos na po ako inay, masyado lang sigurong akong napagod sa biyahe tapos agad akong umuwi kaya ganito ang pakiramdam ko," tugon sa ina. Nakitang tumiim ang titig nito sa kanya kaya naasiwa si Santa. "Bakit po inay?" untag niya rito. "Wala, sige na magpahinga ka na, siguro nga ay napagod ka lang sa mahabang biyahe, ipagtitira ka namin ng pagkain kapag nagutom