When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
“MAS MAGANDA BA talaga sa ‘kin ‘yong ex mo?” Napangiti ako sa tanong ni Sunshine. Nakatayo kami ngayon sa harap ng salamin. Hiniling niya sa ‘kin na hawakan ko ang kamay niya kahit apat na minuto lang dahil gusto niyang makitang muli ang mukha niya. Nakatingin kami sa isa’t isa sa repleksiyon namin sa salamin. Kumpiyansang tumango ako bilang tugon sa tanong niya. “A-Aray! Aahh!” daing ko. Diniinan niya ang kamay ko. Sinubukan kong bawiin ang kamay kong hawak niya, pero mas hinigpitan niya ang hawak sa ‘kin at tiningnan ako nang masama. Siguro kung kaya niyang magpalit ng anyo kapag hawak ko siya, nagmala-halimaw na siya. Kanina kaya niya ako napapayag na gawin ‘to, para na niya akong dadalhin sa huling hantungan ko nang magbago siya ng anyo panay pakita sa harap ko. Tinatakot niya pa ak