When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
WALANG GINAGAWANG AKSYON ang mga crew at hindi ipinapahinto ng director ang ginagawa ni Candy. Iniisip nilang adlib ni Candy ang ginagawa at sinasabi nito. Ang scene kasing kinukuhanan ay sinasapian si Candy ng masasamang espirito. “Napakahusay! Natural na natural!” papuring komento ng direktor at tuloy lang sila sa pag-shoot. “Ano na ang gagawin natin? Where’s Candy now?” pag-aalala ni Dave. “Mapapaalis ko pa ang itim na kaluluwa sa kanyang katawan. Nand’yan pa rin si Candy sa katawan niya,” sagot ko. “Wala ka nang magagawa!” muling sigaw ni Candy at humalakhak ito nang napakalakas. Ngunit hindi talaga si Candy ang nagsalita kundi ang itim na kaluluwa sa loob niya. Ngumisi ako. “Talaga ba?” sambit ko. Hinarap ko si Dave. “Bantayan mo siya. Hindi siya makakaalis sa lugar na ito, hindi