When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAGHINTAY AKO NG sunod na sasabihin ni Migs. At alam kong gano’n din si Sunshine – nagkatinginan kami at napansin ko sa mga mata niya ang kagustuhang marinig ang kuwento. Naupo siya yakap ang mga tuhod niya na tila gustong itago kung ano man ang kanyang nararamdaman. “Ano’ng trahedya?” tanong ko kay Migs. Muling tumagay si Migs at ininom ang alak na dapat ay akin na. “Ikukuwento ko, pero sana ‘wag n’yo akong husgahan… Sa totoo lang, wala akong lakas nang loob na magkuwento ng mga nasa loob ko. Pero siguro, panahon na para pakawalan ko ang sarili ko, ang mga nasa loob ko, at mag-move on, muling mabuhay… at mapatawad ang sarili ko.” Pinasadahan niya kami ng tingin ng malungkot niyang mga mata. Muli siyang tumagay sa baso ng alak pero inagaw ko. “Nakakalamang ka na, p’re, kanina ka pa. Bak