KABANATA 30

2794 Words

IKA-15 NG OKTUBRE MAAGA MULI KAMING nagsanay sa paghihiwalay ng kaluluwa ko sa aking katawan. Nag-focus ako at ‘di ko hinayaang mawala ang malay ko sa mga nangyayari. Ang pagpapatagal ng kaluluwa sa labas ng aking katawan at ang misyon kong makuha sa multong si Emelia ang bulaklak ng sunflower upang tuluyang buhayin si Sunshine ang nasa isip ko. Pero wala pa man, bumalik din agad ako sa katawan ko. Tumagal lang akong kaluluwa nang mga isang minuto o lagpas pa. At sobra akong nanghina – mas malala kaysa kahapon. Hingal ako sa pagbabalik ng kaluluwa ko sa aking katawan. Para akong sumabak sa marathon. Bumangon ako na naghahabol ng hininga. “Lukas, kumusta ang pakiramdam mo?” pag-aalala ni Sunshine. Ngumiti ako sa kanya, at maging kina Cecilia at Mang Pedro upang i-assure sila na ayos lan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD