When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
IKA-28 NG OKTUBRE MAGKAHARAP KAMI NI Sunshine para maglaban. Kanina, bago ako maging multo, pinagbantaan niya akong itutodo niya ang kanyang lakas para hindi ko na muling maagaw sa kanya ang bulaklak ng sunflower kaya dapat akong maghanda. Sinagot ko naman siya na siya dapat ang maghanda dahil mas malakas na ako sa kanya. Nawala ang ngiti ni Sunshine at napaatras siya na ipinagtaka ko. May kung anong nangyayari sa kanya at nabitiwan niya ang bulaklak. “Lukas…” mahinang tawag niya sa ‘kin nang mapaluhod siya sa sahig. Agad kong naisip na puntahan siya. Pero bago pa man ako mapunta sa tabi niya, natumba na siya sa sahig. Nawalan siya nang malay. Ilang beses ko siyang tinawag habang yakap ko siya sa aking bisig, pero hindi siya magising. Tumayo ako at magaan ko siyang nabuhat. Dinala ko si