When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAPABUNTONG-HININGA AKO matapos kong diligan ang mga sunflower gamit ang tabo’t timba. Gusto kong patunayan sa multong si Sunshine na kalokohan ang iniisip niya at normal lang na namatay ang mga halaman dahil hindi na nadidiligan. Ipapakita ko sa kanya sa mga susunod na araw na may mga bagong halaman ng sunflower na tutubo mula sa mga butong nagkalat sa lupa. Pero nang mapagmasdan ko ang mga natuyong halaman, mukhang kakaiba naman ang pagkamatay nila? Parang hinigop ang nutrisyon at natuyo. Papasok na sana ako sa bahay nang may narinig akong kakaibang tunog – parang nilulukot na tuyong dahon? Napaatras ako at nabitiwan ko ang hawak kong timba nang lingunin ko ang pinagmulan ng tunog – isang natutuyong halaman ng sunflower. Mula sa lupa, unti-unting natutuyo ang halaman at nahulog ang mga