When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NANG DUMILIM NA, parang gusto kong pigilan at hilahin pabalik ang araw. Gusto ko nang mailigtas si Sunshine at bukas na ang misyon kong ‘yon. Kaso natatakot akong baka mabigo ako. Kahit ilang beses ko nang sinabi at inulit-ulit sa sarili ko na kaya ko at magagawa ko, may duda pa rin na bumabalot sa isip ko. May takot na ‘di mawala-wala. At isa pa, gusto kong makasama pa siya – kahit walang malay, basta alam kong buhay siya. Magkatabi kaming nakahiga sa kama. Nakapako ang mga mata ko sa kanya. Nakayakap ako sa kanya hawak ang kanang kamay niya. Sinabihan na ako ni Cecilia dapat maaga akong matulog dahil maaga akong pupunta sa gitnang dimensiyon. Hindi ko magawang makatulog. Ang dami kong gustong sabihin kay Sunshine. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at buong pusong hinalikan ko ang l