Chapter 57

1642 Words

“ULITIN mo nga ang sinabi mo?” gulat na tanong ni Trish. Tulala na tinignan ni Iris ang mga kaibigan. Naroon sila sa isang restaurant at katatapos lang mag-lunch. Sadyang pinatapos muna niya na kumain ang mga ito bago sabihin ang balita. “I’m passing my resignation letter to Boss Jigo.” Malungkot na bumuntong-hininga ang tatlong kaibigan na kasama niya sa trabaho. “Ito na nga ba ang sinasabi ko eh,” sabi ni Trish. “Kailangan ba talagang umalis ka?” malungkot pa rin na tanong ni Abby. “Hay, gusto ko magtampo dahil sa desisyon mo, pero naiintindihan ko. Sa totoo lang, simula nang maging seryoso kayo ni River sa relasyon n’yo. Napag-uusapan na namin ang araw na posibilidad na mag-resign ka. And I guess, this is that day,” sabi pa ni Alex. Malungkot na ngumiti si Iris at tumungo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD