“LOVE?” Pagpasok ni River ay sumalubong sa kanya ang mabangong amoy na nagmumula sa kusina. Napangiti siya nang makita si Iris na nagluluto. He took a deep sigh. Galing siya sa kaliwa’t kanan na meeting maghapon. Pagod na pagod siya. Kaya ang salubungin ng ganoon tagpo ay tila tinangay ng hangin ang lahat ng hindi magandang nararamdaman. “Hi,” malambing na bati nito sa kanya. Agad nitong binaba ang hawak na sandok saka nagmamadaling lumapit sa kanya. Yumakap ito sa kanyang leeg at sinalubong siya ng isang masuyong halik sa labi. Pagkatapos ay yumakap ito sa kanya ng mahigpit. “Sorry hindi kita nasundo kanina. Naipit ako sa meeting eh, hindi ko naman maiwan dahil importanteng kliyente ‘yon.” “It’s okay at least nandito ka na.” “How are you?” tanong niya. “I don’t know. Can you