“NAKITA ko ‘yon.” “Ang alin?” tanong ni Iris sabay lingon kay Josie. Naroon sila ng matalik na kaibigan sa isang restaurant, dahil magkalapit lang ang trabaho na pinapasukan nito. Nagkasundo silang magkakaibigan na magkita sa isang restaurant malapit lang sa trabaho nila para kumain ng lunch. “Iyong post mo.” “Ah, oo nga pala!” biglang bulalas ni Alex. “I saw that too!” reaksiyon naman ni Trish. “Gabi na magkasama pa kayo ni Boss River kagabi,” sabi naman ni Abby. “Ah,” natawang sambit niya. “It wasn’t planned at all. Nagulat na lang ako bigla siya nagtext na nandoon na siya sa harap ng bahay.” Ang tinutukoy ng mga ito ay ang post ni Iris sa kanyang social media account. Habang nakasakay sa motor nito, humiling siya na bagalan ang takbo dahil gusto niyang kuhanan silang dala